CHAPTER TWO
*THE INTERVIEW*
As months pass by, lumalala na ang ka desperate ko na makilala lalo si Jeux pogi. I seldom see him sa campus. San ba sya pumupunta? Kaklase ko sya mamaya sa Math. (Are you thinking what i'm thinking? HO HO HO)
Nasa harap ako nakaupo, kasi naman itong prof namin, parang type ako. Lagi na lang akong tinitingnan, gusto nya lagi akong nasa harap. Sarap sapakin e. Di ko na tuloy makita si papa Jeux.
"Ms. Fuentes!" Sigaw ng prof ko
"Ay papa Jeux!", napatalon ako ng konti. Nagulat ako dun a. Langyang prof to. Teka. Holooo! nasamid ako. Napatakip ako ng bibig ko. Napatawa silang lahat na kaklase ko. Nakakahiyaaaaaa.
"Daydreaming again Ms. Fuentes.", napailing ang kalbo naming prof. Sarap nito batuhin ng sapatos.
Napatingin ako sa likuran ko, nagtama ang paningin namin ni Jeux. Yayks! Nakakahiya talaga. Napa peace sign nalang ako sa kanya saka ako napa smile para hindi halata na napahiya ako.
At nagpatuloy ang boring na klase. Bakit may math subject ako? Eh kasi daw pag first year, Basic daw dapat muna. Tss. Whatever. Bago kami dinismiss ay may inannounce si Mr Kalbo. "Tomorrow we will have a one on one interview. You can ask anything to your classmate na tatawagin ko, she will come in front and he/she will answer all your questions. This will be part of your activity and for my degree also as a professor. We will consume 4hours question and answer. Part na din ng subject nyo kay Mrs. Loyola dahil on leave sya." Si Mrs. Loyola ang teacher namin sa english bago kay prof Kalbs na subject. Hehe short for Kalbo.
Haay sa wakas! Natapos na din ang
JEUX's POV
Hi, im Jeux Louise Zembrano, 19. Simple lang akong tao, tahimik and i want all things organize. Tapos ng klase, didiretso ng Computer Laboratory at sa mga Science Laboratory para maglinis, gumawa ng mga research about science. Nagpapart time din ako tuwing alas syete ng gabi hanggang 10 pm sa isang bar bilang waiter and bartender. Hindi ako marunong ng mga mix mix thing ng mga inumin hanggang sa turuan ako ng isa kong kaklase na syang nag alok sakin na mag part time para na rin makatulong sa mga gastusin sa bahay. Working student ako. At sa kabutihang palad, nagiging maayos naman ang lahat. School-work-bar- bahay ang routine ko every day. Nasasanay naman ako. Nag aaral na kasi ang apat kong kapatid. Kaya kailangan kong magtrabaho pandagdag sa tuition nila. Nakakaipon naman ako ng konti pero minsan nasasamid kasi minsan hindi maiiwasang magkasakit. Pasalamat na lamang ako at wala kaming utang kasi ayaw ko sa lahat, yung nagkakautang kami. Maprinsipyo akong tao. Pag ayaw kong magkautang na loob, ayaw ko talaga.
Dumiretso na ako sa New building, magkatabi lang kasi ang library at Laboratories e. Isang room lang ang pagitan, yun nga lang, kelangan ko pang umakyat, nasa third floor kaya yun.
Nasa ikatlong palapag na ako ng building ng mapansin kong parang may sumusunod sakin pero pag lilingon naman ako, wala naman. Baka naman nag hahallucinate lang ako. Paranoid. Tsk. Dumiretso na ako ng lakad, parang meron talagang sumusunod e. Binilisan ko ang lakad saka ako nagtago sa likod ng pinto ng library na nakaawang.
Bingo! May sumusunod talaga sakin. Babae. Nakatalikod sya sakin, she looks familiar. Naka curl ang buhok nito sa dulo, naka handbag sya. Maputi ito. Teka.. Dahan dahan akong lumapit sa likuran nya. I heard she mumbled, "the heck! Bat ambilis maglakad nun?", ako talaga ang sinusundan nya. Bigla syang humarap sa akin. Napaatras sya at kita ko sa mukha niya ang pagkagulat. "Ako ba hinahanap mo?", diretsong tanong ko sa kanya. I remember this girl, kaklase ko sya sa dalawang subject ko. Sya yung nagulat kanina ni Prof Rene at napasigaw ng pangalan ko. Not to mention the 'papa' word. Si Angel. Bagay sa kanya ang pangalan nya, she looks like an angel, and she looks innocent. Kabaliktaran ng pagiging inosente nya ay pagiging makulit at jolly. She knew everything. Mga kalokohan. Pero kahit ganun, i find her cute kahit sa simpleng gestures lang nya. Ang cute nga nya pag nagugulat e. Pero hanggang dun lang ako. Ayoko maging attach sa kahit na sinong tao dito sa campus. And theres just one thing na ayaw ko, ayoko sa MAYAYAMAN. Unfortunately, Angel is rich. So, therefore, i should never be attached to her.
BINABASA MO ANG
Fame to Suffer
Подростковая литератураHe hated RICH eversince his father died. Pero ano'ng magagawa ng makulit at obsessed na babaeng mayaman para baliktarin ito? He doesn't want to be attached to any of these rich girls around him pero bakit ang kulit nitong isa? She changed his mind. ...