CHAPTER TWENTY
"Kung wala kang balak mahalin sya, sana di mo nalang sya pinaasa pa."
~KIAN
*JEUX'S POV*
Hell month.. Nasabi ko sa sarili ko.
It was never my intention to hurt her. Nag aral ako dito hindi para maghanap ng girlfriend o manakit ng damdamin ng ibang tao. Nag aral ako para makapagtapos at makapagtrabaho ng maayos para mabigyan ko ng magandang buhay ang pamilya ko. Thats all.
*flashback*
"Who gave you the permission to hurt her that bad?" Bungad sakin ni Kian ng masalubong ko sya sa hallway. Alam ko kung sino ang tinutukoy nya. Nakatagilid sya sakin.
"It was never my intention. She assumed too much. I already told her about it. And i dont have to explain it sayo." Malamig kong sagot.Hinarap nya ako at hinawakan ang sentido ko. "Asshole! Akala mo kung sino ka. Mahirap ka na nga masama pa ugali mo.." Hindi ako magpapaapekto sa kanya kahit alam kong ang susunod na sasabihin nya ay malaking insulto sa pagkatao ko. Hindi ko kailangan mag explain sa kanya. At ang mga sinasabi nya, walang katotohanan kasi alam ko sa sarili ko na hindi ako ganung tao. "Wala pang ibang nanakit kay Angel liban sayo. Inaalagaan namin yan dito sa campus tapos gaganunin mo lang? Kapal mo pre. You'll gonna pay for it. Kung ako sayo, lumayas ka na sa skwelahang to. Walang puwang ang mga taong tulad mo dito. Pang mayaman dito. Basura lang ang mga kagaya mo.." Saka nya ako binitiwan. "Kung wala kang balak mahalin sya, sana di mo nalang sya pinaasa pa." Matapos nyang sabihin yun ay nagsalita ako.
"Hindi ko sya pinaasa." Malamig na sagot ko.
"Hindi sana sya aasa kung hindi ka nagbigay ng motibo na nagsasabing may gusto ka sa kanya.." tinalikuran na nya ako pagkatapos nyang sabihin yun.*end of flashback*
Matapos ang sagupaan namin ni Kian ay hindi na nila ako tinigilan. A day after nun, inabangan ako ng ilang lalake sa labas ng gate after ng duty hours ko sa school. There were six well built body na mga lalake. Sinalubong ako nung isa saka bumulong sakin na wag kikilos ng kahit na ano at sumunod na lamang. Dinala nila ako sa isang sulok at saka pinagsusuntok. Masakit masyado ang katawan ko sa ginawa nila. Putok din ang ibabang labi ko. Alam kong si Kian ang may pakana nito kasi wala naman akong ibang alam na kaaway ko. Alangan namang si Angel ang magpabugbog sakin.. Walang nakakita saakin doon kaya kahit nanghihina at sobrang sakit ng katawan ko ay pinilit kong bumangon at mag abang ng masasakyan. Tiyak na hindi ako makakapasok sa part time ko nito ngayon. Sinalubong ako ni nanay pagkauwi ko. Imbes na maawa saakin ay sinermonan pa ako. Hindi ko pinaalam sa kanya ang totoong nangyari.
Sinabi ko naman sayo na wag kang makikisali sa kahit na anong bagay na alam mong hindi mo naman kayang labanan.Naririndi na ako kay nanay. Sumasakit ang tenga ko. Idagdag mo pa ang mga pasa ko. Wala ng mas sasakit pa dito. Wooh!
*ANGEL'S POV*
It's been a week na matapos ang heartbreaking bleeding to the max ever ng heart ko dahil sa sinabi ni Jeux sakin pero eto ako ngayon, parang ganun pa din. Hindi na ata ako natatablan ng sakit. Hindi ako galit sa kanya. In fact, kinalimutan ko na yung sinabi nya. Plano ko nga ngayon, istalk parin sya. Namimiss ko na kasi sya. Hindi na kami nag uusap. Nagkakasalubong kami pero iniiwasan nya ako. Umiiba ang direksyon nya pag alam nyang nandyan ako. Pero okay lang, mahal ko sya e. Ang tanga ko ba? Ehh, ganun talaga e. Gusto ko ng marinig ang boses nya, yung tawa nya, makita yung smile nya, at namiss ko na syang kausap. Haay.
"Daydreaming again Ms. Fuentes.." Ampota naman oh. Nagulat ako dun a. Sapakin ko tong lecturer na to e. Pang insulto pa talagang tono ha. Alam namang nag rereminisce ako dito e. "Stand up and discuss what i just lectured here.." Maawtoridad na saad nya.
Tumayo ako at ngumisi sa sira na lecturer na to. "You were being paid to discuss a lesson you were told to by the Dean. You started as a student before, studied education, graduated, took the licensure exam and then.. PRESTO! passed it successfully. You applied here to teach us something we dont know. And now, you were asking me to discuss what you just lectured? What's the purpose of paying your professional fee here if i were to discuss a lesson? Not to mention that i am still a student.." Tinaasan ko sya ng kilay. Lahat ng kaklase ko, ayan.. DOMO silang lahat. Nganga..
Ganyan ako pag nagugulat at syempre nasira ang moment ko sa kakaisip sa papa J ko. Pagbabayaran nya yun. Pinahiya nya ako, papahiyain ko din sya..
"Dont make me angry Ms. Fuentes. I am the boss here." Namumula na si Mrs. Diaz, ang Math 2 teacher namin.
"Sure you are.." Sagot ko. Tingnan natin di ka pa magalit.
"Get out of my class.." Utos nya habang sumisigaw.
"I paid for this seat. I am paying you. I am paying for this subject. Im not going out." Sagot ko naman.
"You are.. Now, out! Before i lose my temper at ipadala kita sa dean." Nanggagalaiti na sya sa galit.
"Samahan mo po ako maam.. I'd be honored if you come with me. Escort me to the Dean." Hamon ko sa kanya.Ang mga kaklase ko tawa ng tawa.
"What's so funny? Gusto nyo bang ibagsak ko kayong lahat?" Sigaw ni maam Diaz.Tumahimik bigla ang klase. "At ikaw Ms. Fuentes.." Ngumiti ako ng pagkatamis tamis sa kanya. "Get out."
"Not a chance.." Sabi ko.
"Ayaw mo?" - maamUmiling ako. No.
"Ayaw mo talaga?" - maam
"Wag paulit ulit maam. Nakakarindi pakinggan. Just go on with your lecture para walang problema.." Narinig kong huminga sya ng malalim saka nagpatuloy sa pagdidiscuss. Oh diba? Hahaha---------------------------------------------------------
*KIAN'S POV*
First time kong magka POV kaya susulitin ko na.. Kian Angelo Castro is the name here 22, gwapo, mayaman, matalino at hearthrob. Oo sige ako na NPG, no permanent girlfriend. Ayaw kasi ng babaeng gusto ko sakin. Si Angel. Ewan ko ba't ayaw nya sakin. Nasakin naman lahat. Kung mapapasakin lang sya, di na ako maghahanap ng iba pa. Kaso ayaw e. Tss. Lil brother ko si Deri 2 years older than me so 20 pa lang sya. Mana din sakin yan. Haha
Business partner ng family namin ang family ni Russel Valera.
Wala kaming ibang business dito, nasa ibang bansa ang lahat ng business namin. Businessman ang papa ko, MagModel naman ang mom ko. My mom is in Paris now, mag la-launch na kasi ang bagong labas na fashion line nya na Kavogue. Wherein lingeries at casual dresses ang if-feature. Dad ko nasa Colorado, nag s-skii, feeling bata lang e.
What more you wanna know?
Nasan ako ngayon? Well, nasa tambayan nina Angel at Lexy sa gilid ng field. Hinihintay ko sila dahil may goodnews ako. Kukunin kasi ni mommy si Angel na model nya next month kaya sasabihan ko sya ngayon.
If you'd ask about our status, well.. Mas okay na ngayon kesa dati. Pinapansin na nya ako. Sana nga may pag asa na ako sa kanya. Pero di ko muna sya bibiglain ngayon kasi si Jeux pa rin ang laman ng isip nya. At alam kong masakit pa din sa kanya ang ma busted ng taong mahal nya. Alam ko kasi sinabi nya. Sinabi nya lang naman na gusto nya si Jeux pero hindi sya nito gusto. Tapos si Deri naman nagsabi din sakin na Jeux gave a motive that he love her too thats why umasa si Angel. Pero hindi maganda ang resulta. Aba! Choosy sya? Bakit? Mayaman ba sya? Kapal ng mukha nya. Sya pa may ganang mag refuse kay Angel. Gag* sya.
And i admit, ako ang nagpabugbog sa kanya. Sana maka learn na din sya ng lesson nya. Hindi ko din idedeny na sya ang pinaka hate ko na estudyante sa campus dahil sinaktan nya si Angel at dahil sya ang gusto ni Angel. Possessive kasi akong tao. Hehe amin ko yan. Marami pa akong plano kay Jeux, sa ngayon, hmm.. Papahingahin ko muna sya. Ako na bahala sa kanya. Ngayon makikita at mararamdaman nya ang resulta sa pananakit nya sa babaeng mahal ko.
*A/N: SHORT update lang.. Wala na akong maisip. Bombarded masyado ang utak ko ngayon. See you on next chapter :D keep on reading.. Lovelots <3
BINABASA MO ANG
Fame to Suffer
Dla nastolatkówHe hated RICH eversince his father died. Pero ano'ng magagawa ng makulit at obsessed na babaeng mayaman para baliktarin ito? He doesn't want to be attached to any of these rich girls around him pero bakit ang kulit nitong isa? She changed his mind. ...