*JEUX'S POV*
Nakahilata na ako sa kama ko. Ang sarap na sanang matulog kaso nababagabag ako. Kainis naman kasi. Nag oo na nga ako kanina sa kanya e. Tapos biglang sasama ang mukha. Kung hindi lang maganda, ay naku, winalk-out-an ko na yun. Tsk.
"Oh anong problema mo dyan?" Tanong ng kakapasok lang na si Russel. Sya ang kasama ko sa room. Galing sya sa baba dahil sila ang nag oorganize ng event kaya nag meeting sila.
"Wala.." Sagot ko saka ako tumalikod sa kanya facing the window on the right side.
Nakaligo na kaya yun?
Sino kaya kasama nyang naligo ngayon?
Baka napano na yun..
Bumangon ako saka humarap kay Russel. "Nakita mo ba si Angel sa baba?"
"Hindi ko napansin. Bakit?" Nagtatakang tanong nya.
"Nagpapasama kasing mag swimming kanina.." Sagot ko. "Sige. Alis muna ako." Paalam ko sa kanya
Oo tama kayo, pupuntahan ko sya sa kwarto nila.
Room 26..
Huminga muna ako ng malalim saka kumatok..
Tok tok tok..
Tok. Tok..Biglang bumukas ang pinto.
Bumulaga sakin ang puting puti na mukha ng isang babae. Kung hindi ko kilala to malamang napasigaw na ako.
"Hey yow.. Kanina pa nakaalis si bebe." Bungad nya. Alam na alam nya talaga ang sasabihin ko. Manghuhula ba to?
"Ugh sige. Sa pool ba sya?" I asked her
"Sa dalampasigan.. Magtatampisaw lang ata. Sige na. Mag b-beauty rest na ako. Shooo." Saka nya isinara ang door. Napailing nalang ako. Tss.
Diretso na ako ng beach. San ko naman hahanapin ang babaeng yun? Gustong gusto nun ang maglakbay parang si Dora. Maputi nga lang na version ni dora, kasi nga diba si Dora ang lakwatserang negra, e maputi si Angel dun e. Tsaka mas maganda sya kay Dora.
I saw a woman approaching behind me in my peripheral vision.
"Alone?" She asked. Si Heina pala.
"Ah.. May hinahanap lang ako." Sabi ko. Eh totoo naman diba? Hinahanap ko si Dorang maganda, kung saan saan kasi naglalakwatsa.
"Tulungan na kita. Ano bang hinahanap mo?" Napatawa ako ng lihim. Hindi Ano ang hinahanap ko. Sino.. Hehe
"Nevermind. Ba't di ka pa natutulog? Gabi na ah?!" Pag iiba ko ng usapan. Its almost ten pm. Konti na lang din ang tao sa labas. Yung iba naman nasa dalampasigan, naghaharutan. Tsk.
She walked with me. "I cant sleep. Maybe a walk can help me get to sleep".. She said
I walked slowly, baka kasi sa sobrang bilis ng paglakad ko makaabot na kami ng ibang ibayo ng dagat hehe hininaan nya din ang paglakad.
Masarap kausap si Heina actually, kaso nap-preskuhan ako sa kanya. Akala nyo lalake lang ang presko no? Pati din sya. Tsk. Pero good thing hindi ako nahulog sa kanya. Parang kapatid ko lang to e.
Pabalik na kami ng hotel ng makita ko ang hinahanap ko kanina. Nakahiga sya sa dalampasigan, sa gilid ng malaking bato. Kahit madilim, alam kong sya yun. Magkasama kami ni Heina kaya hindi pwedeng makita nya kami, lalo na't may malaking bato sa gilid, baka mangyari nanaman yung nangyari sa Mindoro. Tsk. Kaya ang ginawa ko, "Heina.. Hatid na kita sa hotel." Babalikan ko nalang sya dito.
BINABASA MO ANG
Fame to Suffer
Teen FictionHe hated RICH eversince his father died. Pero ano'ng magagawa ng makulit at obsessed na babaeng mayaman para baliktarin ito? He doesn't want to be attached to any of these rich girls around him pero bakit ang kulit nitong isa? She changed his mind. ...