CHAPTER EIGHTEEN
*ANGEL'S POV*
Iisipin ko nalang na okay ako. Iisipin ko nalang na malakas ako, na matatag ako. Na kaya ko lahat ng ito. Hindi lang naman ako ang may problema sa mundo e. Mas marami pa rin ang tao sa mundo kesa sa problema ko. Ayaw kong sumuko. Ewan ko, yung puso ko nagsasabing wag muna akong sumuko kasi nga kaya ko sabi ng isip ko. *deep sigh*
After ng incident dun sa aksidenteng pagkapasok ko sa CR ng boys, lahat ng mga schoolmates ko, tinutukso na ako na maniac. Nakakainis lang kasi bakit pa kelangang ipost sa wall ko sa facebook? nabubwisit nako sa mga taong yun. At andami pa talagang likes ha. Pati tuloy si Jeux nadamay, kasi nga kalat na sa buong campus na stalker ako ni Jeux at nasa school paper pa hehe. Okay lang naman sakin yun, gusto ko nga yun e. para naman alam ng lahat na sakin lang si Jeux. Hahaha
Buti nalang nakaalis ako agad dun sa CR kung hindi, siguro na instagram pa ako which is an evidence pa. Waaa. Can't imagine myself na pulang pula pa sa mansanas ang aking precious cheeks sa kahihiyan. Waaaa. Anyway, back to the point.
*Flashback*
Nagkasalubong kami ni Jeux sa library because i was about to borrow some books na kelangan para sa research assignment namin sa isang subject a week after that CR incident.
"H-hi.." bati ko sa kanya.He smiled, "ah. Hello.." then nilagpasan nya ako.
"J-jeux wait.." pigil ko
"bakit?" parang naiinis na sagot nya pero tinatagan ko ang loob ko, pakapalan na ng mukha to, sabi ko sa sarili ko.
"C-can we talk about.. you know. Last week's incident." Utal na sabi ko. Nahihiya na ako pero sige lang. Keribels ko pa.Lumapit sya sakin. Hinawakan nya ang kamay ko. Dub.dub.dub.dub. heart ko yan. Shets naman talaga oh. Dinala nya ako sa sulok ng building.
"Ano ang tungkol dun?" Seryoso ang mukha nyang tumitingin sakin.
"I'm sorry kung nasali ka pa sa kahihiyan ko last week.." pinutol nya ang iba ko pang sasabihin.
"Angel.. let's make things clear.. sinabihan na kita dati na wag na tayong mag uusap diba? Ayoko ng gulo sa buhay ko.." Kalmadong saad nya. "Hindi ko naman sinasabi na wag mo akong kausapin.. i mean, if in case naman magkasalubong tayo pwede naman tayong mag usap. Yung civil na relationship lang.." napatigil sya. "I just want to be your friend. And ugh.." pinutol ko din ang sasabihin nya. Masakit na e. Kelangan ko ng sabihin sa kanya to.. ayoko ng pakiramdam na ganito. Parang tinutusok yung puso ko lalo na pag sya ang nagsasabing iwasan namin ang isa't isa.
"nung gabing nasa Mindoro tayo. Anong ibig sabihin nun? Yung nangyari satin nung.." pinutol nya yung sasabihin ko. Ano ba to? Mag cocontest kami sa pagputol ng sasabihin namin? Tss.
"That night.. was a big mistake. A stupid mistake. That should never happen. Lalake lang ako Angel. Hindi yun dapat nangyari. Alam kong hindi ko dapat ig-grab yung pagkakataong lasing ka. Intact pa din yun sana ngayon. And.." napatigil sya at napatingin sa mga puno na nasa harap namin. Matataas ang mga puno at nasa 3rdfloor kami ng building. "Sa deserving na tao mo dapat ibinigay yun.. hindi sakin. Sorry for taking that to you." Hindi pa rin sya tumitingin sakin.
"I willingly gave you that. Hindi ko pinagsisihan yun. Coz i love you." Nangingilid na ang luha sa mga mata ko. Ang sakit isipin isang pagkakamali lang para sa kanya yun. Stupid mistake pa talaga ang ginamit nya. Alam nyang ibinigay ko yun kasi mahal ko sya, sya yung deserving na tao para sakin. Hindi lang tinutusok ang nararamdaman ko ngayon kundi sinasaksak at dinudurog. Parang anytime mag co-collapse na ako.
"Sorry. Pero hanggang kaibigan lang yung turing ko sayo.." malamig na tugon nya na hindi parin tumitingin sakin.
"Why are you making this hard for me? I know.. the way you kiss me, the way you act, it says you love me too, ayaw mo lang aminin. I just don't know why. kung naduduwag ka bang sabihin sakin, hindi ko alam bakit.." nag uunahan na sa paglaglag ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
BINABASA MO ANG
Fame to Suffer
Roman pour AdolescentsHe hated RICH eversince his father died. Pero ano'ng magagawa ng makulit at obsessed na babaeng mayaman para baliktarin ito? He doesn't want to be attached to any of these rich girls around him pero bakit ang kulit nitong isa? She changed his mind. ...