** 5 years later ***JEUX's POV*
"Same old Jeux.." napailing na bungad sakin ni Russel.
Nagma-manage ako ng sarili kong business na ilang taon ko ding pinag ipunan, at fortunately yumabong na din. Isang restaurant na plano ko sanang gawing International ang mga lutuin pero since hindi pa naman masyadong malago ay Filipino foods nalang muna na may isang maliit na ice cream parlor sa gilid ng restaurant.
Habang busy ako sa pag che-check ng mga gamit sa kitchen ay sya ring pagiging busy ni Russel sa pangungulit sakin.
"Anyway, may good news ako sayo. Ang swerte ngayong araw pare." Patuloy nya sa pangungulit habang sinusundan ako.
"Ano yun?" Wala sa isip kong tanong.
"Mag po-propose na ako kay Lexy this month." Wika nya.
"Ano naman ang kinalaman nyan sakin at nasabi mong good news?" Pamimilosopo ko.
"Pag good news kelangan sayo lahat? Aba. Ansama mo naman." Nag pout pa ang gag*..
"Oh edi goodluck!" Saad ko.
Simula kasi nung nakalabas ng hospital si nanay ay naging close na tong dalawang to. Mag tatatlong taon na nga ata sila ngayon.
"And.. may isa ka pang dapat malaman." Tumalikod sya sakin saka akmang aalis. "She's back.." patuloy nya saka lumabas na ng kitchen patungong dining hall.
Sino?May konting kurot akong naramdaman. Syempre may excitement din ng maisip ko sya. It's been almost five years. Yes. But then Jackie came into my mind. Napailing ako.
Jackie is my five months girlfriend na. Well, pangalawa na syang naging girlfriend ko simula ng mawala si Angel. Hindi ko mabuksan buksan yung puso ko that time kasi kailangan kong magtrabaho para sa mga kapatid ko e. Kaya wala akong oras sa mga love life na yan.*LEXY's POV*
"Beeeeh!" Sigaw ko ng makita ko ang pinakamamahal kong kaibigan na nawala for four fuckin years! Shit lang talaga. Nakakamiss ang walangya na babaeng to. Nilapitan nya ako with a smile plastered on her face saka ko sya sinalubong ng yakap. "Grabe nakakamiss ka. Gag* ka talaga ang ganda mo na."
"Watch your words. Hindi na tayo pwedeng mag usap gaya ng dati nating mga palengke words liban nalang kung tayo lang dalawa. You know naman diba?" Wika nya sabay kalas sa yakap ko at lumingon sa likod.
I almost forgot. "Hi baby Raff. I'm your tita Lexy." Pakilala ko sa baby boy na ang cute cute na nasa likuran ngayon ni Angel. Her cute son Raffaele. "Grabe ang cute cute nya shet." Napatakip ako ng bibig ko matapos kong maisip ang sinabi ko.
"Umma." Sambit nya.
Ipinantay ko ang height ko sa kanya.
"Tita Lexy here baby. Give tita a hug." Utos ko.
Hesitant pa masyado ang bata na lumapit sakin.
"Come on baby. Love tita Lexy." Si Angel na mismo ang nag utos. Dali namang niyakap ako ng bata.
"When you say Love to him it means hug." Dugtong pa nya.
Kumalas naman sya sa pagkakayakap ko at saka tumakbo papunta sa legs ng mommy nya.
"Umma.." sambit nya ulit.
"That's my baby. Kiss mommy." Utos ni Angel saka nag pout sa harap ni Raff. Agad naman sya nitong hinalikan sa nakausling labi nya. Hehehehe nakausli talaga ha.
Ang cute tingnan ng medyo curly na buhok saka ang tangos ng ilong. Kuhang kuha nya din ang mga mata at labi ng daddy nya. Ang kutis naman sa mommy nya.
"Looks like I forgot to introduce to you..." Shock na turan nya sakin. "Meet Xavier Wade. My fiancé." Pakilala nya sa lalakeng naka business suit. Shet ang tangkad. Ang tangos din ng ilong at ang kakapal ng pilik mata. Yummylicious pa ang labi. Napakagat labi ako.
"Tulo na laway mo oh. May Russel ka na beeeh." Sita sakin ni Angel.
"Hi. Nice meeting you. I've heard so much about you." Inilahad nya ang palad nya sa harap ko.
Pa demure kong tinanggap ang pakikipag shake hands nya.
Shet. Gwapo. Foreigner na foreigner talaga.
"I'm Lexy. Welcome to the Philippines. I'm Angel's best best friend." Pakilala ko.
Ayaw ko pa sanang bawiin ang pag shake hands namin e. Huweee.. kaso nahihiya na ako. Hahahaha
"Don't worry. I understand Filipino language. I speak tagalog too." Napaatras tuloy ang kilay ko sa sinabi nya. Nagtatagalog naman pala e. Hahahahaha*ANGEL's POV*
Dumiretso na kami sa bahay to see mom and dad. I missed them so much.
"Umma.." tawag saakin ni Raff habang yakap yakap ko sya sa likod ng passenger's seat habang katabi ko naman si Xavier. Nasa harap kasi si Lexy nakaupo. Si manong naman na long time driver namin ang nagmamaneho.
"Yes baby?"
"Uhpa.." it means papa nya. Hindi ko alam bakit ohpa ang tawag nya sa papa tsaka umma naman sa mama.
"Soon baby. We'll see papa okay?" Assure ko sa kanya. Kung itatanong nyo sino ang hinahanap nya, it's Jeux. Yes. Raff's ohpa is Jeux. Sinabi ko naman din sa kanya na hindi nya papa si Xavier at hindi ko alam kung paano nya naiintindihan ang ibig kong iparating sa kanya. Ipinakita ko naman sa kanya ang mga litrato ni Jeux dati kung kaya't alam nya ang itsura ng papa nya. Hindi alam ni Jeux na buntis ako ng araw na maghiwalay kami. Hindi ko din alam na buntis na pala ako ng umalis ako papuntang U.S. that time. So instead of telling him na magiging daddy na sya, tinago ko nalang dahil alam ko namang hindi nya tanggap kung ano ako at sino ako. Well, at least may remembrance ako sa kanya kahit wala na kami. Since most ng mga features ni Raff ay sa kanya, malabong ikaila nya na hindi ito sa kanya. Okay lang naman kahit hindi nya tanggap, ang gusto ko lang naman mangyari ay ang matupad ang hiling ng anak ko na makilala ang tunay na papa nya. After this, uuwi na kami sa U.S ulit.
"You are planning to meet his real dad this day? Aren't you tired?" Tanong sakin ni Xavier.
"Well, if he insist. It will surely break his heart if I can't give him what I have promised." I replied. "Well maybe not now. May jetlag pa nga ata ako eh. We badly need a rest. Lalo ka na. You look terribly tired."
Xavier is really a good man. Nakilala ko sya 8months after kong naisilang si Raff. He is Half Filipino and Half American. Niligawan nya ako kahit na hindi pa ako totally naka move on kay Jeux at naghintay sya sakin kahit sinabi ko na sa kanya na tigilan na nya ako. Almost one year din syang nanligaw sakin saka ko sya sinagot. Last year lang syang nagpropose sakin kaya kami nandito sa Pinas to meet my parents personally at hopefully makasal na kami this year pag pumayag sina dad. Xavier treated my son like his own son. Hindi din sya galit kay Jeux sa pang iiwan sakin kasi inexplain ko naman sa kanya ang totoong nangyari talaga. Sa totoo nga gusto nyang makilala si Jeux e. Haay naku. Haba na talaga ng hair ko.
"Okay. So, sasamahan ko kayo when you meet Jeux?" He asked.
"Of course you have to. Kung hindi ka pa pagod Love." Sabi ko.
"Don't worry about me. I'm as strong as you think baby." Saka sya ngumiti.
Eto yung gusto ko pa sa kanya, napaka cheerful at napaka lambing. Shet hindi ko makakalimutan kung pano sya nag propose sakin lastyear.
Dinala nya ako sa bahay nila para sana sa dinner date with his family but it end up to his proposal. Before entering their house, may nakakalat na red rose petals sa may hallway na naglead saakin sa living room nila. Sa tv screen naka flash ang mga litrato namin with a caption kung saan nakunan. It was a one minute slide show. At sa end nung clip may nakasulat na 'follow the trail'. So sinunod ko yun at nag lead nanaman yun sa rooftop ng bahay nila kung saan naka pwesto ang candlelight dinner table para samin with his family pero wala pa sila. Nagulat ako ng biglang may pumutok at nagliwanag ang kalangitan. Tumingala ako.
Fireworks!
Tapos may tatlong plane na sunod sunod na dumating at nakahilerang magkatabi. May screen na malaki ito sa gilid. Sa isang plane nakalagay..
Before anything else..
Then sa pangalawang plane naman..
I wanted to say..
Sa pangatlong plane..
I love you so much. And Raff..
Then sabay sabay itong nag black out ng ilang segundo saka ulit nagflash isa isa..
Please let me be your second man.. 1st plane
2nd plane- Please let me be Raff's father..
3rd plane - Please let me be your husband..
BINABASA MO ANG
Fame to Suffer
Teen FictionHe hated RICH eversince his father died. Pero ano'ng magagawa ng makulit at obsessed na babaeng mayaman para baliktarin ito? He doesn't want to be attached to any of these rich girls around him pero bakit ang kulit nitong isa? She changed his mind. ...