The REASON (Jeux) Narrated by Russel

51 0 0
                                    

*RUSSEL'S POV*

1am, I saw him heading to his tent galing sya sa tent ni Angel.. I know there is something between this two. Na confirm ko lang nung halos mabura na ang mukha ni Heina kagabi sa ginawa ni Angel. Galit na galit sya. Dahil lang sa pinilit ni Heina na halikan si Jeux kahit ayaw nito. Ang babaw ng rason.. After that incident, nagulat ako ng pumasok si Angel sa tent ko at nagpasyang umuwi. Ano bang pinag usapan nila ni Jeux matapos ko silang iwan dun? Sakit ng ulo ko kakaisip nun. Haay. Obvious naman na gusto ni Jeux si Angel ayaw lang umamin. Ewan ko ba ano pumipigil sa kanya. Gwapo talaga si pareng Lusyo.. Alam nyo na kung sino yan. Ganda ng build ng katawan. Talented at matalino din. Lahat na ata na character nasa kanya e. Maliban sa isa.. Maprinsipyong tao si Jeux. Pag sinabing ayaw nya, ayaw nya talaga nyan. Namatay ang papa nya dahil sa kagagawan ng mga mayayamang negosyante. Ginipit nila ang ama nito para tuluyan ng ibenta ang sakahan na pag mamay ari nila. Nalubog sila sa utang hanggat sa magkasakit si aling Josephine. Napilitang umutang si mang Luis(tatay ni Jeux) sa amo nya sa isang pabrika na pinagtatrabahuan nito. Isang buwan matapos lumabas sa hospital ang asawa nito ay agad naningil ang amo nya. Walang maibigay si Mang Luis kung kayat napilitan syang sumama sa mga pulis. Pinadakip sya ng mga ito. Wala syang magawa pagkat anak ng amo nya ay isang pulis. Isang linggo matapos makulong ay nakita si mang Luis sa ilog malapit sa siyudad. Wala ng buhay. Sabi ng iba, sinalvage daw ng mga pulis. Simula nun, sinumpa ni Jeux ang mga mayayaman. Ewan ko lang kung inaapply nya parin ang sumpang yun. Marami na din kasi ang sumubok na mapaibig yang si pareng Lusyo pero walang effect sa kanya. Pag alam nyang mayaman, automatic hindi na nya yan papansinin. Himala nga ngayon, marami na syang mayaman na kaibigan. Tulad ko haha. Tinulungan ng parents ko sina Jeux makaahon sa kahirapan. Nagtrabaho sya dati samin bilang gardener and carwasher. Kinumbinsi ko sina mama at papa na patayuan ng munting bahay sina Jeux bilang gift nila sakin sa birthday ko. Kaya ngayon, may bahay na sila. Hindi pa utang.. Napaka hardworking na tao yan, sa oras ng trabaho, trabaho lang. Bilib nga ako kasi parang mas may kwenta pa sya kesa sakin. Kung ako sa sitwasyon nya, talagang susuko nako. Ang hirap maging breadwinner ng pamilya mo.

Ayaw naman niya kasing kunin yung tulong na binibigay ko sa kanya. Marami na daw akong naitulong sa kanya. Wala naman yun sakin e. Sya ang tinuturing kong bestfriend ko kahit parang hindi halata. Hehehe

Si Jeux kasi ang nag iisang childhood friend kong tumulong sakin. Sainyo ko lang ito sasabihin ha. Wag nyo ipagkalat, hehe. Mahina talaga ang utak ko nung nasa elementary pa lang ako. Ayaw kong mag enrol sa private nun kasi lagi akong nasa listahan ng mga bobo, alam nyo na yun, nasa lower section ako lage, idagdag mo pa na nasa hulihan ang pangalan ko kasi ako ang rank 45 sa 45 na kaklase ko. Wag nyo na ipaalalang Valera ang apelyido ko. Talagang nasa huli. Hanggat sa naging kaklase ko si pareng Lusyo. Ambantot ng palayaw nya alam ko. Naging magkaibigan kami. Binibigyan ko sya ng baon ko kapalit ng pag tutor nya sakin. Bakit kasi kung yung teacher namin ang magturo hindi ko maintindihan pro pag si Jeux, naintindihan ko naman.. Ang hina ko nga talaga. Hanggang sa makatapos kami, hindi na ako ang nasa last list. Nasa gitna na ako minsan. Nung grade five kami, nag eexcel na ako. Akalain nyong nasa top 5 na ako. Dahil yun sa tulong nya. Pinupuntahan nya ako sa bahay namin para turuan. Niyayaya ko nga maglaro pero sabi nya lang mag aaral muna kami at wala munang laro hanggat hindi ko nakukuha ang tamang formula sa mga solvings namin. No wonder nakakahakot ng maraming awards yan. Idagdag mo pa ang gwapong mukha. Pero mas gwapo ako hehe mas maputi kasi ako sa kanya tsaka mas nakakadamit ako ng maayos. Pro pag school uniform, parang mas gwapo sya kesa sakin. Hehehe sakit nun a!

Ano pa ba ang kulang? Hmm.. Sige kung may tanong kayo about kay Jeux, sakin nyo nalang itanong dahil alam kong di yun magshe-share ng karanasan nya. Sige try nyo syang tanungin. Hehe di yun sasagot. Pwera nalang pag puso na ang pinag uusapan, wala na akong alam dyan. Sige.. Start na tayo sa biography ko hehehe ilang chapter na nagdaan, nakapag POV na ako pero di nyo pa ako lubusang kilala. Si miss author kasi, inutusan pa ako na ibahagi ang buhay ni pareng Jeux e. Yan tuloy nakakalimutan ko ng ipakilala ang buhay ng napakagwapong ako hehe.

To start with:

Hi ;) i am Russel Valera, wag nyo na itanong ang edad ko, gwapo ako sabi nilang lahat, Doctor ang mom ko and lawyer ang dad ko. We own the private hospital dito sa city, maliban pa dun, may clinic din sya, tabi ng pedia clinic ng mom ni Angel. Yes, doctor din ang mama nya. Yun nga lang ang papa nya bussinessman. Sila ang may ari ng lahat ng hotels and classic bars dito sa city. I have one sister, si Rusty. Mas bata sya sakin ng two years.. Highschool palang yun ngayon. And ako, alam na haha. Public Ad kinukuha ko to proceed Law. Yan gusto ni dad, so, hehe mabait ako kaya kinuha ko. Tutal wala naman akong maisip na course na dapat sakin.

Fame to SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon