*ANGEL'S POV*
Ang galing din umarte nitong Russel na to. Parang totoo e nu? Mag th-three days na kami dito and yet, hindi ko parin pinapansin si Jeux. Hindi naman kami nagkakasalubong e. Tss. Ang tanga ko lang kasi nung matapos ang find the missing piece game, nahuli nya akong nakatingin sa kanya. Lumapit si Heina sa kanya at yun, boom bleeding to the max nanaman puso ko. Hinalikan ba naman sya ng bruhang babaeng yun. Ngayon mag mimeet nanaman kami para sa isang game bukas. Dalawang game na natapos namin. Find the missing piece and The amazing race. Ano nanaman kaya bukas?
"All set.." Panimula ni Rainer. "Bukas, ang game natin ay.. Catch that couple Hen and Rooster.." The fudge?! Dont tell me literal na manok talaga? Langya naman oh. "Did you watch 'I Do' ng ABS CBN? Yung ginawa nilang paghuli sa manok ang gagawin nyo din, pagkakaiba lang kasi dalawa ang huhulihin nyo".. Ayoko na. Nagprotesta na ako.
"Wait.. Teka lang. Bat ba yan pa ang laro na gusto mo? Iba nga natatakot na sa uod e manok pa kaya? Hello. Mahirap hulihin yun." Saka ako umupo.
"Oh well we can fix that.. I have here a box of paper. Written in each paper is the name of your partner. I made sure na yang nakalagay dyan na pangalan ay walang phobia sa manok, and is willing to accompany you to catch those. I am glad na halos naman lahat na nandito ay hindi takot sa manok, except for others. Okay, Got it? You will be paired according sa pangalan na mabubunot nyo. Papakawalan ko ang limang inahin and a rooster. Paunahan nalang. Ang partner na walang makuha na manok kahit isa ay may parusa. Hindi sila maliligo for one day. And para mas exciting, tatalian namin ang kamay ninyo ng partner nyo." Huminto sya sa pagsasalita at kinuha yung box sa gilid nya. "Yung mga sinabihan ko na kanina, wag na kayo bumunot..pass this one. Get only one piece of rolled paper." Saka nya pinasa sa mga kasama namin.------------------------------------------------------------
"What the heck?!" Maktol ko. Nakabunot na ako. Wow grabe. Sobrang swerte ko na ba talaga at sya pa nakapartner ko? Bat di nalang si Russel?
"Find your partner na.." Anunsyo ni TL.
"Shit!" Napamura ako ng malakas. "Is someone willing to change partners with me?" Sigaw ko.
"No changing of partner Angel."Ugh! Nakakainis. Iniiwasan ko na nga e. Oo guys, si Jeux nabunot ko.
Lalapit na ako sa kanya ng binulungan ako ni Heina, "hey.. Sino ba nabunot mo? I can change mine sayo.."
"Talaga? Sige.. Si Jeux sakin, sayo?" Sabay bigay nung paper na nabunot ko sa kanya.
"Si Deri.." Iaabot na sana ni Heina sakin ang papel na nabunot nya ng hablutin ni Jeux ang kamay ko.
"Sabi ni TL, no changing of partners.." Sabi nya habang kinakaladkad ako sa gilid.
"Pakialam mo ba? Okay na sana yun oh. Payag na si Heina." Maktol ko.
"A rule is a rule.. Bakit ka ba makiki exchange sa kanya? Ayaw mo ba sakin?" Ay langya. Nang aakit ata to e. Makakalimutan ko nanaman na galit ako sa kanya nito. No way!
"Obvious ba?" Inirapan ko sya.Habang si TL busy sa pagbibigay ng instructions nya, kami dito ni Jeux busy din sa pag aargue.
"Tss. Okay. Gagawin lang naman natin to for the sake of the game e. Wala ng iba." Sabi nya.Edi okay. Tinalikuran ko na sya saka ako nakisiksik sa ibang magkapartner. Naramdaman kong hinihila ni Jeux ang kamay ko.
"Ano ba? Nakikinig ako." Hinila nya ako sa pwesto namin kanina.
"Talaga? Hmm. Sige nga ano sabi ni TL?" Nakakainis. Natural hindi ko pa narinig kasi nga hinila nya ako no.
"Oh di mo masabi kasi di ka naman talaga nakikinig. Tsk tsk tsk. Di bale, uulitin nya naman yun bukas e. Ha ha." Saka sya bumaling ng tingin sa harap. Bale naka side view na sya sakin ngayon. Haay. Bat ba ang gwapo nito? Dub dub. Dub.dub. heart ko yan. Lakas nanaman ng tibok nya.
"Jeux.." Panimula ko.Humarap sya sakin, "bakit?"
"Sorry kanina.. Bitter lang talaga ako."
"Naiintindihan ko.." Napatawa sya ng pagak. "Sa ginawa ko ba naman sayo e.. Sorry din Angel ha. Hindi ko talaga kayang suklian yung binibigay mong pagmamahal sakin."
"Bakit pala? Dahil kayo na ni Heina?" Curious na talaga ako sa pagitan nilang dalawa e.Napatawa nanaman sya ng pagak habang nakatingin sakin, "hindi kami ni Heina. Parang kapatid ko lang yun e."
"Eh nahuhuli kong hinahalikan ka nya kaya." - ako
"Halik? Yun bang kahapon? Tinulungan ko kasi sya sa pagluluto at sa pag ayos nung mga gamit nya. Tsaka sya yung naka assign sa mga basura sa game kahapon, tinulungan ko kaya yun.. Halik lang ng pasasalamat ginawa nya."Napatango ako, "pwede namang hindi halik e. Pwede namang sabihan ka lang nya na salamat. Okay na yun . bakit kailangan pa ng halik halik chuva ek ek na yan." Napatanga sakin si Jeux. Ayy ano ba sinabi ko?
Napangisi sya. Saka ako tinitigan. "Nagseselos ka lang e." Ayun tumpak! Hahaha napayuko ako. Naku naman poo. Andami ko ng kahihiyan sa lalakeng to. Pinisil nya ang tungki ng ilong ko. "Ang cute mo talaga pag nagseselos ka. Namumula ka oh."
Napatakip ako ng mukha ko..
Narinig kong tapos ng magbigay ng instruction si TL kaya hinarap ko na si Jeux. "Ugh. Sige. Balik nako sa tent ko." Pamamaalam ko sa kanya. Aalis na sana ako ng magsalita sya. "May gusto ka ba kay Russel?" Nagulat ako dun ah?! Bakit sya magtatanong ng ganun? Mahuli na sana kita. Lumingon ako sa kanya. "Bakit?" Balik tanong ko.
"Uhh. W-wala naman. Nagtatanong lang. Ang.. Sweet nyo kasi. B-bagay kayo.."Ewan ko kung malulungkot ako o sasaya sa sinabi nya. Hinarap ko sya saka ko sinabing, "mas bagay tayo.." Nginitian ko sya."hindi ako susuko hanggat di ka lumalambot sakin Jeux Louise Zembrano." Kinindatan ko sya saka ako nag wave, "goodnight. See you tomorrow." Nag flying kiss pa ako at tumalikod na sa kanya habang nakangiti. One point na ako dun. Ayos!
*JEUX's POV*
"Ugh. Sige. Balik nako sa tent ko." Pamamaalam nya sakin. Hindi ako mapakali, sana naman wag nyang mahalata kapag tinanong ko to sa kanya. Tatalikod na sana sya kaya nataranta ako, iba tung itatanong ko pero iba yung lumabas sa bibig ko,"May gusto ka ba kay Russel?" Bigla syang natigil at napalingon sakin. Nagulat siguro sa tinanong ko. Nataranta na kasi ako. "Bakit?" Tanong nya.
Ano bang pwede kong sabihin? "Uhh. W-wala naman. Nagtatanong lang. Ang.. Sweet nyo kasi. B-bagay kayo.." Nauutal na sabi ko.
Lumapit sya sakin at sinabing, "mas bagay tayo.." Ang bilis ng tibok ng puso ko nun ah. Ang sarap sa pakiramdam. Napangiti ako ng lihim. Ngumiti din sya bago nya sinabing,"hindi ako susuko hanggat di ka lumalambot sakin Jeux Louise Zembrano." Hindi talaga sya susuko sakin? Unbelievable. Bilib na talaga ako sa babaeng to. Kinindatan nya ako at nag babye na, "goodnight. See you tomorrow." Nag flying kiss pa sya at dumiretso na sa tent nya.. Pag ganito araw araw ang estado namin, mapapaamin na ako nito. Lumalambot na ata ako nito e. Nahuhulog nako sa charm ng babaeng to. Haay.
Dumiretso na ako sa tent ko. Kasama ko si Leo sa tent. Wala akong tent na mahiraman, malaki naman yung tent nya kaya pinatuloy nya ako dun. Isipin nyo ba naman, ang pinakamalaking tent dito ay kay Angel. Kasya ata apat na tao dun e. Ano kaya karami ang dala nyang gamit? Ang laki ng tent e. Haha
Dating gawi, magluluto na ako tapos didiretso na ako sa falls. Sana this time wala si Angel, baka kasi iba na magawa ko. Muntikan na yung nakaraang gabi. Hindi tuloy ako nakatulog nun haha.
BINABASA MO ANG
Fame to Suffer
Teen FictionHe hated RICH eversince his father died. Pero ano'ng magagawa ng makulit at obsessed na babaeng mayaman para baliktarin ito? He doesn't want to be attached to any of these rich girls around him pero bakit ang kulit nitong isa? She changed his mind. ...