Two weeks (Part Two)

64 1 0
                                    

*JEUX's POV*

Napanaginipan ko nanaman yung matanda na may ibang linggwahe na sinasabi sa panaginip ko. Haay. Ano nanaman kaya ibig sabihin nun? Tsk. Anong oras na ba? Tiningnan ko ang wall clock sa kwarto ko. It's 7:26 am. Ugh..
Sakit ng ulo ko. 4 am na kasi kami nakauwi ng mga katrabaho ko sa bar. May pasok pa ako sa school mamaya 9:30. Kailangan ko ng bumangon.
Babangon na sana ako ng pakiramdam ko umiikot ang bahay namin. Kinurap kurap ko ang mata ko. Blurred ang paningin ko. Sabi ko na nga bang dadamdamin ito ng katawan ko e. Ilang beses naman akong umuuwi ng umaga galing sa part time pero ngayon lang ako tinamaan ng ganitong pakiramdam. Hindi ako nagkakasakit e. Tsk. Bumalik na muna ako sa paghiga. Sobrang sakit talaga ng ulo ko. Uggggh! Baka mamaya okay na pakiramdam ko. Sana makapasok ako mamaya. Pagagalitan ako nito e. Tsk.

*ANGEL's POV*

Goodmorning sunshiiiiine! Ganda ng gising ko. Hehe hulaan nyo ilang araw na ako dito kina Jeux hihi. It's been ummm.. one week naaaaa. Hahahaha payag naman sina mommy e. Extended ang trip nila. Ayoko sa bahay. Boring dun. Saka pupuntahan ko si Lexy mamaya sa condo nya. Lecheng babae yun. Wala na ngang time sakin tapos ako pa papupuntahin sa condo nya. Sarap sapakin. Well, mahal ko naman yung bruhildang yun e..
Niligpit ko muna yung pinagtulugan ko saka ako lumabas. Nakita ko si Nanay Josie na busy-ng busy sa paglalampaso sa sala.
"Goodmorning po nanay Josie." Bati ko sa kanya sabay smile.
"Aba'y magandang umaga din sayo anak. Diretso ka na doon sa kusina at kakain na tayo. Tapusin ko lang ginagawa ko." Sagot nya.
Tumango na lang ako bilang sagot saka dumiretso sa lababo. Naghilamos muna ako saka nagtoothbrush. Biglang may naalala ako. Nilingon ko ang mesa. Sina Jessica, Lory at Joshua pa lang ang nandoon.
Bumalik ako sa sala. "Nay, si Jeux po?" Tanong ko
"Baka tulog pa. Gigisingin ko nalang sya." Akmang aalis na siya ng nagprisinta akong ako na gigising kay Jeux.
"Ako nalang po nay." Sabi ko. Tumango na lang sya saka tinapos ang paglalampaso.
Kumatok ako sa kwarto ni Jeux pero walang sumasagot. Baka tulog pa nga. Napagod siguro sya sa trabaho. Aalis na sana ako ng biglang may umungol sa loob.
Ano yun? Sabi ko sa sarili ko.
Kumatok ulit ako. This time may umuungol nanaman. Hala! Dali dali kong tinulak ang pinto sa kwarto nya. Pumasok na ako. Bahala na. Baka kinain na sya ng mumu dito ng walang kalaban laban. Naku. Wag naman pooooo. Hindi nya pa nakikita ang mga kalahi nya. Ang kagandahan ko pag kinasal kami.. ang mga magiging anak namin. Atsaka... tigiiiil! Kung ano ano nanaman ang naiisip ko. Ugh! Dumiretso ako sa higaan nya. Eh tulog pa naman sya eh. Sino yung umuungol? May babae ba syang dala dito? Kung ganun, nasaan ang babae nya? Papatayin ko yun sa sakal.
Uuuughhh.. ungol nya. Si Jeux ang umuungol hindi babae. Antanga ko. Nilapitan ko sya. Nakabalot sya ng kumot nya. Ang gwapo nya parin kahit tulog. Iiih. Nagnanasa nanaman ako sa kanya. Erase. Erase.. tinapik ko ang balikat nya.
"Jeux, kakain na tayo. Tawag ka na ni nanay Josie." Gising ko sa kanya pero hindi sya sumasagot.
"Jeux?" This time nilakasan ko na ang pagyugyog ng balikat nya. Naramdaman kong parang mainit sya.
Uuuuhh.. ungol nya
Hinawakan ko ang leeg nya. Napakainit nya. Nataranta ako bigla. Lumabas ako saka tinawag si nanay Josie.
"Nay.. nilalagnat po si Jeux. Mainit po sya masyado." Untag ko sa kanya.
Dali dali kaming pumasok sa kwarto nito.
"Nak? Anong pakiramdam mo?" Tanong ni nanay sa kanya.
"Ma..malamig.." sagot nya.
Giniginaw sya this time. Pero napakainit nya.
Habang pinupunasan ni nanay ang pawis nya, ako naman.. "Kukuha lang po ako ng gamot nay." Paalam ko. May medicine kit ako sa bag ko. Kahit saan ako pumunta dala dala ko yun e. For emergency purposes.

Matapos naming e-TSB si Jeux (TSB means Tepid Sponge Bath) pinakain namin sya saka pinainom ng gamot. Nakatulog nanaman sya ulit. Binabantayan ko sya ngayon kasama ko sina Lory at Jessica. May pinuntahan kasi si nanay kasama si Joshua importante daw e.

"Ate, dun lang kami sa sala ni Lory. Tulog naman din si Kuya e. Maglalaro nalang muna kami." Paalam ni Jessica.
"Sige. Wag kayong lalabas ng hindi nagpapaalam ha?" Sabi ko.
Sabay silang napa "opo" saka lumabas ng kwarto.
Bumaling ang tingin ko kay Jeux na ngayo'y mahimbing na natutulog. Kawawa naman sya. Sana sakin na lang napunta yang trangkaso nya para naman maramdaman ko din pano alagaan. Sina mom and dad kasi minsan nung nagkasakit ako, sa una lang sila nandoon hinahayaan nalang nila akong alagaan ni Nanay Dina. Pero mahal ko sila mommy tsaka Dad kahit busy sila minsan. Hindi naman nila ako pinapabayaan e. Akala nyo perfect family kami? Lahat naman ng pamilya may problema or conflict e. Pero hindi ako nagtatanim ng galit sa kanila. They are still my parents. Nag iisa lang sila sa mundo. Ayan nag eemote nanaman ako mag isa. Haha hanggang sa.. ZzZzZzZz..

Fame to SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon