Love Struck Strike Two

74 0 0
                                    

*ANGEL'S POV*

Sana sumama nalang ang Bebe ko tsaka si Russel. Langya naman kasi. Bakit ba parehong may lakad yung dalawang yun? Wala tuloy akong kasama dito. Haay. Wala akong kaharutan. Wala akong ma share-an ng problema ko. Naks! Problema talaga? Ano bang problema ko? Hahaha maliban dito sa puso ko. Nag bibleed e. Patulong nga ako. Sakit masyado. Naramdaman ko na tuloy pano ma busted. Karma ko na ba ito dahil sa pambabusted ko sa mga manliligaw ko? Haay. Bat ba ayaw ni Jeux sakin? Pakisagot nga..

Nasa kalagitnaan ako ng pagsesenti ng narinig kong may tumatawag sakin sa labas. Istorbo naman to eh. Sabi ng isip ko. Lumabas na ako ng tent ko. Sisilip lang sana ako. Pero bumulaga na sakin ang mukha ni..
"Russel?", bat ba lahat ng iniisip ko nagkakatotoo?
"Well. Miss me?", tss. Miss talaga? Di ba pwedeng kailangan ko lang ng makakausap?
"Miss mo mukha mo. Teka.. How did you get here?" Curious na tanong ko.
"I walked??" Sarap din hambalusin to e nu? Tinatanong ng maayos tapos mamimilosopo..
"Umayos ka.." Banta ko sa kanya. Kunyare wala ako sa mood makipagbiruan.
"Your BG escorted me here.." Huh?! Eh gabi na ah? Hala. Remember they got here 1pm? Pagkatapos nun umuwi na si manong and now its 8pm. Tapos sinamahan pa nya itong gwapong nilalang dito? Hanlayoooo! Maygads!
"Eh san na sya?" Tanong ko
"There.." Turo nya sa likod ng tent ni Deri.
"Naku. Pano yan. Walang tent si manong BG. Hindi naman pwedeng pauwiin ko sya ngayong gabi." Sabi ko.
"I will lend him my tent muna." Sabi nya.
"So.. Saan ka matutulog?" Tanong ko habang nakataas pa ang kilay ko.
"Well.. Lahat ng tents dito puro single type lang. The only tent na magkakasya ang halos limang tao ay yung tent..MO.. So, if you are a kind hearted woman, would you mind sharing me your tent?" Abah! Namimihasa na to ah?!
"No.. Baka mamaya rape-in mo pa ko e." Sabi ko habang nakapameywang.
"Excuse me. Baka ikaw pa nga ang mang rape sakin e. Virgin pako nu." Detalye nya. Nye nye nye. Nek nek nya.
"Virgin mo mukha mo. Sipain kita jan e."
"Ang harsh mo naman. Parang di tayo magkaibigan." - Russel
"Walang kaibi-kaibigan.. Naku. Yang moves mo na yan. Ba't di ka dun kay Jeux, diba magkababata kayo?" Sabi ko.
"Nakikisilong na nga lang yung isa e. Tapos pasisiksikin mo pa ako dun. Maawa ka naman sakin." At nag puppy eyes pa po ang loko..
"Ehh. Sige na nga. Papaayos ko lang yung tent ko may manong. Maglalagay ako ng division. Mahirap na." Saka ako tumalikod sa kanya.

Lumapit ako kay manong BG, "manong, kumain na po ba kayo?" Nakaupo siya sa harap ng tent ni Russel e. Katabi lang nung tent ko. Langyang lalake talagang pina move pa si Deri para lang makatabi ako ng tent.
"Hindi pa po maam. Pero kaya pa naman ho ng bituka ko hanggang bukas." Sagot nya. Kawawa naman si manong. May natitira pa nga palang tinola dun sa cooker ko.
"Manong may kanin pa ho doon kay Deri, tsaka may ulam pa po akong natira kain na po muna kayo.. Kawawa naman kayo e. Sabihan ko lang si Russel. Tapos paayos nadin po nung tent ko. Dun po kasi si Russel matutulog, papalagay lang ho ako ng division. Pagkatapos nyo lang ho kumain." Mahabang litanya ko.
"Sige po maam. Salamat po." Saka ko sya pinakain. Gutom na gutom tong dalawa e. Ubos ang kanin haha parang di nakakain ng ilang araw. Antakaw ni Russel. Nakakadiscourage. Ang gwapo gwapo tapos ang takaw. Haha

-------------------------------------------------------------

RUSSEL's POV*

Niyaya ako ni Angel mag hiking, sort of camping na nga to e. Pero dahil may sinalihan kaming dance contest, hindi ako nakasama. Atleast humabol ako diba. Gusto ko kasing sumama sa Mahal ko. Hehe oo gusto ko si Angel. Alam nya naman yun e. No need to hide na. Si Lexy ewan ko san na ang babaeng yun. Crush ako nun e haha. Suppose to be kasama ko sa dance contest si Jeux, kaso dahil nga sa working student sya, nag coconflict sa schedule ng trabaho nya ang practice namin. Kaya napilitan syang wag na sumali sa contest. Tuwing may program sumasayaw din sya kasama namin. Ngayon, ewan ko kung mapapayag namin syang maging member ng binubuo naming banda. Malamig kasi ang boses nyang kumanta. Eh ako naman, eh hehe gwapo naman ako. Di ko na kelangan ng magandang boses.. nandito na ako ngayon sa tent ni Mahal. Hohoho. Mahal na itatawag ko sakanya.
"Angel?" Tawag ko sakanya. Isipin nyo ba naman, yung luggage na dala nya nasa gitna  naming dalawa tapos anlayo pa ng agwat namin. Para namang aanhin ko sya.
"Yes Russel?" Sagot nya.
"Ugh. Pwede bang.. " di nya ako pinatapos.
"Bawal tumawid sa linya..at bawal ang tumabi. Okay?" Napatawa ako.
"Bloopers. Hindi naman yun e." I cleared my throat muna saka ulit nagsalita. "Pwede bang tawagin kitang Mahal?"
"Ano nanaman bang pakulo yan Russel ha?" Bumangon sya. Saka ako tiningnan.

Nginitian ko sya.
"Well.. Endearment lang naman kasi nga ayaw mo naman maging tayo diba. Sana kahit, yun lang naman." Saad ko. Sana pumayag sya.
"Hmm.. Okay." Bumalik na sya sa paghiga.

*ANGEL'S POV*

"Well.. Endearment lang naman kasi nga ayaw mo naman maging tayo diba. Sana kahit, yun lang naman." Sagot saakin ni Russel.  Napaisip muna ako. Masama pa din loob ko kay Jeux. Alam ko. Nararamdaman ko sa mga halik nya, alam kong gusto nya din ako pero may pumipigil sa kanya.. So i answered..
"Hmm.. Okay." Then nahiga na ulit ako. "Can i ask a favor?" Wala namang mawawala kapag ginawa ko yun e. Pag nandyan lang naman si Jeux.
"Basta ba kaya ko. And ugh.. Talagang kakayanin ko para sayo." Nakakatouch naman. Alam kong ito lang ang paraan para mapaamin ko si Jeux.

-------------------------------------------------------------

*JEUX's POV*

Magkasama kami sa grupo.. Nadagdagan kami ng isa since dumating si Russel. Bale dalawa kaming lalake sa grupo. Nag umpisa na ang Find the missing piece race namin. Bale ganito, naiwan yung dalawang member ng group dun sa camp habang nagbabantay ng next puzzle na mabibigay namin sa kanila. Tapos kaming apat naman si Russel, Angel, Marie at Ako ay nagpair. Ako at si Marie then si Russel at Angel. Naghiwa hiwalay kami para makita namin yung mga nilagay ng TL namin na mga puzzles sa damuhan at kung saan saan pa. Narinig kong may sumisigaw na papuntang camo, kakarating kang din namin, at isa nalang yung piece na kulang..
"Hintayin moko Mahal.. Ano ba yan. Iniiwan moko. Pag ako nawala dito sa gubat, lagot ka sa parents ko sige ka." Dinig kong si Russel yun. Nasa likod na namin silang dalawa. Habang kaming tatlo busy sa pagbuo nung puzzle.
"Ambagal mo kasi." Sabi naman ni Angel.
"Ay. Pre ito pa oh. Tingnan nyo kung magkakasya ba yan jan. Ilan oa ba ang kulang?" Tanong ni Russel sakin. Ako hindi padin lumilingon sa kanila.
"Isa nalang yung kulang.." Sagot ko agad.
"Mahal may isa pa tayong kailangang makita. Lika na." Yaya niya kay Angel.
"Sandali. Pahinga muna tayo. Pagod pa ko e. Papano ba naman ako pa pinaakyat mo sa puno. Akala ko ba mahal moko. Bat ako pinaakyat mo? Langya ka talaga." Maktol ni Angel.
"Gusto ko lang naman kasi malaman kung matigas ka e." Saka sila nagtawanan. "Lika nga dito, basa ka na ng pawis.."
"Oo nga e." - Angel

And this time napalingon na ako sa kanila.
"Tumalikod ka, pupunasan ko yang likod mo. Bakit pa kasi nasa taas ng puno yung missing puzzle e. Kawawa tuloy Mahal ko." Sabay punas nya sa likod ni Angel. Naka shorts ito at naka racerback na damit na kita yung pusod. Pang exercise na suot tsaka naka camping shoes. Parang may konting kirot akong naramdaman sa dibdib ko lalo na nung..
"Bilisan mo na nga. May kulang pa tayong isa e. Kailangan natin makita yun." Pagmamadali ni Angel.
"Oo na." Saka hinarap ni Russel si  Angel, bale nakatalikod sakin si Angel ngayon.. Pinunasan nya ang mukha at leeg nito. Ang sweet nila tingnan. "Yan. Di ka na basa. So, shall we? For the prize!"
"Yes yes yow!" Masiglang hinawakan ni Angel ang nakalahad na kamay ni Russel. Bat ganito? Ansama ng pakiramdam ko. Parang.. Ang sikip sa dibdib.. Ayoko ng pakiramdam na ganito. Niyaya ko na din si Marie na maghanap ng iba pang piece ng puzzle para matapos na to. Gusto ko din kasi ma divert yung atensyon ko sa ginagawa namin ngayon. Kesa isipin ko yung kanina. Naiinis lang ako lalo sa sarili ko.

Fame to SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon