*JEUX'S POV*
Last day na namin dito sa boracay. Wala naman naging problema liban sa dalawang kasama ko ngayon. Nilingon ko sila. Nasa gilid namin sila. Sakay kami ng plane. Lahat na kami nagplane kasi baka saan nanaman gumala ang ibang estudyante pag naka commute ang iba. Kaya pinagsabay na kami.
"Nadidiscourage na talaga ako sayo. Akala mo hindi ko alam.." Sabi ni Lexy na naka pout pa.
"Wala akong pake sa nalaman mo. Hindi ko kailangan mag explain sayo. You dont mean anything to me. Tss." Sabat naman ni Russel.Kami ni Angel nakatingin lang sa kanila.
"Sumosobra na talaga yang bunganga mo Valera!" Namumula na si Lexy.
"Hoy babae. Wala akong oras makipagdakdakan sayo. Negra!" Sigaw naman ni Russel.
"Sex addict!!!" Balik sigaw din ni Lexy. Nanlaki ang mga mata nya saka napatakip ng bunganga nya. "Peace.." Sabay angat ng dalawang daliri nya na naka peace sign.Si Russel naman although nagulat din ay nagawa pang ngumisi.
Bahagya syang lumapit sa mukha ni Lexy..
"Inaasar mo ako kasi gusto mong matikman ang katawan ko. Pero dont worry. Hindi ako papatol sayo. Baka magkapalit pa tayo ng balat." Saka sya umirap dito. "And besides, hinding hindi ako papatol sayo. Never! Even in my dreams." Matapos sabihin yun, isinaksak nya sa magkabilang tenga nya ang earphone nya at nagsuot ng eye mask saka kumanta kanta.Nanggagalaiti sa galit si Lexy. Tiningnan nya lang ng masama si Russel.
"Go to hell! Bwisit ka." Mura nya na hindi man lang naririnig ni Russel.Nagkatinginan na lang kami ni Angel.
"Dont mind them.." Sabi nya.
Ngumiti na lang ako bilang sagot.
Week has passed**
Sa bahay..
"Kuyaaaaa!" Sigaw ni Jessica.
Dali dali akong nagtungo sa kinaroroonan nya. Malapit lang naman kasi dugtong ang kusina at sala namin, isang dingding lang ang pagitan..
"Ano ba nangyari?" Tanong ko agad sa kanya.
"Si Ate Ganda.." Sino ba ang tinutukoy nila? Nangunot ang noo ko. May itinuro sya sa labas ng bahay. Sumilip ako.May kotse sa labas. At nakatayo sa passenger seat sa labas ay si Angel. Naka skinny jeans ito at naka tshirt na pink. Naka sunglass at nakapusod ang buhok. At dahil 12:35 pm na masyadong mainit at masakit ang sinag ng araw..
Ano bang ginagawa nya dito? Tsk.
"Ate!!!" Sigaw ni Lory. Tumakbo sya palabas ng bahay. Sinalubong naman sya ni Angel at kinausap. Sinangga pa nya ang init na nakaharap kay Lory.
"Kuya.. Papapasukin mo ba si ate o tititigan mo nalang sya?" Untag sakin ni Jessica. Dun lang ako nakabalik sa ulirat ko. Nasa pinto na pala si Angel na karga karga si Lory na hinihimas himas ang buhok nito.
"Kuya, binibisita tayo ni ate Angel.." Sabi ni Lory. "Yuck kuya may sabon pa ang kamay mo. Maghugas ka nga dun." Saka sya napahagikhik (Lory)
"Ahh. Sorry. Naghuhugas kasi ako ng plato. Anong.. Ginagawa mo dito Gel?" Tanong ko habang tinatago ko ang kamay ko sa likod. Kakatapos lang namin magtanghalian e.
"Hindi mo ba muna sya pauupuin kuya?" Tanong naman ni Jessica.
"Binibista ko lang kayo. Boring kasi pag dun lang ako sa bahay. I hope im not disturbing you." Sagot ni Angel.
"Hindi ate. Masaya nga kami na dumalaw ka. Pasok ka ate. Upo kayo." Aya ni Jessica. "Sige na kuya tapusin nyo na po gagawin nyo. Kami na po bahala kay ate Angel." Dugtong pa nito na nakangiti sakin.Ako ang naghuhugas ng plato kasi ang mga magagaling kong kapatid nagliligpit ng kwarto nila. At naglilinis ng sala. Ayan hindi na naituloy kasi may bisita. Nakakahiya nga hindi pa maayos ang bahay.
"Tapusin ko lang ginagawa ko." Paalam ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Fame to Suffer
Novela JuvenilHe hated RICH eversince his father died. Pero ano'ng magagawa ng makulit at obsessed na babaeng mayaman para baliktarin ito? He doesn't want to be attached to any of these rich girls around him pero bakit ang kulit nitong isa? She changed his mind. ...