A/N: Medyo mahaba haba itong chapter na to pero sige lang, push natin to! :)
** 5 years later **
*JEUX's POV*
"Same old Jeux.." napailing na bungad sakin ni Russel.
Nagma-manage ako ng sarili kong business na ilang taon ko ding pinag ipunan, at fortunately yumabong na din. Isang restaurant na plano ko sanang gawing International ang mga lutuin pero since hindi pa naman masyadong malago ay Filipino foods nalang muna na may isang maliit na ice cream parlor sa gilid ng restaurant.
Habang busy ako sa pag che-check ng mga gamit sa kitchen ay sya ring pagiging busy ni Russel sa pangungulit sakin.
"Anyway, may good news ako sayo. Ang swerte ngayong araw pare." Patuloy nya sa pangungulit habang sinusundan ako.
"Ano yun?" Wala sa isip kong tanong.
"Mag po-propose na ako kay Lexy this month." Wika nya.
"Ano naman ang kinalaman nyan sakin at nasabi mong good news?" Pamimilosopo ko.
"Pag good news kelangan sayo lahat? Aba. Ansama mo naman." Nag pout pa ang gag*..
"Oh edi goodluck!" Saad ko.
Simula kasi nung nakalabas ng hospital si nanay ay naging close na tong dalawang to. Mag tatatlong taon na nga ata sila ngayon.
"And.. may isa ka pang dapat malaman." Tumalikod sya sakin saka akmang aalis. "She's back.." patuloy nya saka lumabas na ng kitchen patungong dining hall.
Sino?May konting kurot akong naramdaman. Syempre may excitement din ng maisip ko sya. It's been five years. Yes. But then Jackie came into my mind. Napailing ako.
Jackie is my five months girlfriend na. Well, pangalawa na syang naging girlfriend ko simula ng mawala si Angel. Hindi ko mabuksan buksan yung puso ko that time kasi kailangan kong magtrabaho para sa mga kapatid ko e. Kaya wala akong oras sa mga love life na yan.*LEXY's POV*
"Beeeeh!" Sigaw ko ng makita ko ang pinakamamahal kong kaibigan na nawala for five fuckin years! Shit lang talaga. Nakakamiss ang walangya na babaeng to. Nilapitan nya ako with a smile plastered on her face saka ko sya sinalubong ng yakap. "Grabe nakakamiss ka. Gag* ka talaga ang ganda mo na."
"Watch your words. Hindi na tayo pwedeng mag usap gaya ng dati nating mga palengke words liban nalang kung tayo lang dalawa. You know naman diba?" Wika nya sabay kalas sa yakap ko at lumingon sa likod.
I almost forgot. "Hi baby Raff. I'm your tita Lexy." Pakilala ko sa baby boy na ang cute cute na nasa likuran ngayon ni Angel. Her cute son Raffaele. "Grabe ang cute cute nya shet." Napatakip ako ng bibig ko matapos kong maisip ang sinabi ko.
"Umma." Sambit nya.
Ipinantay ko ang height ko sa kanya.
"Tita Lexy here baby. Give tita a hug." Utos ko.
Hesitant pa masyado ang bata na lumapit sakin.
"Come on baby. Love tita Lexy." Si Angel na mismo ang nag utos. Dali namang niyakap ako ng bata.
"When you say Love to him it means hug." Dugtong pa nya.
Kumalas naman sya sa pagkakayakap ko at saka tumakbo papunta sa legs ng mommy nya.
"Umma.." sambit nya ulit.
"That's my baby. Kiss mommy." Utos ni Angel saka nag pout sa harap ni Raff. Agad naman sya nitong hinalikan sa nakausling labi nya. Hehehehe nakausli talaga ha.
Ang cute tingnan ng medyo curly na buhok saka ang tangos ng ilong. Kuhang kuha nya din ang mga mata at labi ng daddy nya. Ang kutis naman sa mommy nya.
"Looks like I forgot to introduce to you..." Shock na turan nya sakin. "Meet Xavier Wade. My fiancé." Pakilala nya sa lalakeng naka business suit. Shet ang tangkad. Ang tangos din ng ilong at ang kakapal ng pilik mata. Yummylicious pa ang labi. Napakagat labi ako.
"Tulo na laway mo oh. May Russel ka na beeeh." Sita sakin ni Angel.
"Hi. Nice meeting you. I've heard so much about you." Inilahad nya ang palad nya sa harap ko.
Pa demure kong tinanggap ang pakikipag shake hands nya.
Shet. Gwapo. Foreigner na foreigner talaga.
"I'm Lexy. Welcome to the Philippines. I'm Angel's best best friend." Pakilala ko.
Ayaw ko pa sanang bawiin ang pag shake hands namin e. Huweee.. kaso nahihiya na ako. Hahahaha
"Don't worry. I understand Filipino language. I speak tagalog too." Napaatras tuloy ang kilay ko sa sinabi nya. Nagtatagalog naman pala e. Hahahahaha
BINABASA MO ANG
Fame to Suffer
Dla nastolatkówHe hated RICH eversince his father died. Pero ano'ng magagawa ng makulit at obsessed na babaeng mayaman para baliktarin ito? He doesn't want to be attached to any of these rich girls around him pero bakit ang kulit nitong isa? She changed his mind. ...