*ANGEL'S POV*
Ano ba yun? Nakakahiya. Ayoko na. Ayoko na po. Nakakahiya. Bat ko ginawa yun? Madumi na akong babae. Madumi na. Huhu. (Para halik lang e. Ang OA mo..)
Hindi yun halik. Malapit na yun. Malapit na talaga. Yung.. Yung kamay nya kasi nasa pwetan ko na. Malapit na. Wala na akong mapakitang mukha nito sa kanya. Nakakahiya talaga.
Bakit pa kasi ako nanaginip. Ampangit nung panaginip ko. Ninakawan daw ako tapos tinangkang gahasain, langya naman talaga.. Kaya ayaw ko sa public na lugar e. Natatakot ako lalo na pag dilim.
*bell rings*
Bell yun na hinahawakan lang ng kamay. Yung sa ice cream ba. Hudyat na yun na 30 minutes nalang mag mimeet na kami. May emergency lights kaming dala. Sakin pinakamarami. Haha tatlo ang dala ko. Isang malaki na ginagamit namin sa whole compound tapos dalawa sa tent ko. Hindi naman nagagamit, bale for emergency purposes lang. In case mawalan kami ng ilaw. Lahat naman kami may kanya kanyang dala. Di pa kasali jan yung mga flashlights namin ha. Ganyan kami ka ready. No wonder malalaking bag yung dala namin.
**fast forward**
Pinalibutan namin ang bonfire sa gitna, although may enough light naman sa gilid namin. Pinatay ni Rainer yung emergency light na malaki, yung sinasabi ko kanina. Kaya medyo madilim. Tanging yung ilaw ng bonfire lang yung nagsisilbing liwanag namin. Pumwesto ako sa harap ng tent ko. And guess what, nasa harap ko si Jeux. Bale diba dapat kung saan nakapwesto yung tent mo, eh dun ka din db. Si Jeux kasi nasa tabi ni Heina. Suppose to be nasa gilid sya ni Deri. Ito pwesto namin.
Rainer-Yvonne-Jeux-Heina-Lovely-Harry-Deri-Ako-Lianne then the rest. Eh kung sa gilid sana sya ni Deri, hindi ako mahihiya, ang awkward kaya. Tsaka.. Nagseselos na ako kanina pa. Kahit alam kong wala akong karapatan. Nakakainis lang.
Si Rainer ang team leader namin. Ako nga sana ang gagawin nilang TL kaso masyado akong maganda at malakas para maging TL nila. Haha wag na angal. Andami kayang gagawin tapos maaga pang gigising, ayoko nga nun.
Wala naman masyadong ginawa this night, bale nag announce at nag remind lang sya sa gagawin namin bukas. Maglalaro kami. Find the missing piece. Hahanapin namin yung missing na part nung puzzle sa damuhan, sa ibabaw ng puno, sa mga halaman.. Since 35 kaming lahat exclude natin si Rainer kasi sya ang TL, hinati kami sa 5 groups.. So dahil ang counting nagstart kay Yvonne dun sa sequence kanina na pinakita ko, dun sa seating arrangement, nasa number two ako. At kasama ko po si Jeux. Awkward nanaman. Sina Deri at Yvonne ang number one saka may tatlo pa silang kasama. Kami din lima sa isang group. After ng division of task sa group, nagluto na kami ng pagkain namin. 6pm kami nagluto. Kasi nga 5pm call time namin dun sa meeting diba. At ako po kumustahin nyo. Nagluluto ako ng jaraaan! Tinolang manok hehe kala nyo di ako marunong magluto? Marunong ako nuh! Marami pa akong alam.
"What are you cooking?", tanong sakin ni Rainer.
"Ugh. Hehe tinola. May ready to cook na akong dala oh. Na slice na lahat." Saka ako napahagighik. Ako kaya nagprepare lahat ng to.*clap.clap.clap.*
"Nice. Penge ako a?!" Saka nya ako nginitian.
"Sure.." Sagot ko.
"Baka mainlove ako lalo sayo nyan ha. Wag mo sarapan masyado." Saka nya ako kinindatan. Si Rainer Gomez, batch president namin, isa din sa mga sumubok manligaw sakin. Pero binusted ko hehe ewan ko. Ayaw ko lang sa kanya. Mabait naman tsaka charming pero friend lang talaga yung gusto ko e.
"Can i have that too?" Sabat naman ni Deri.
"Oo naman. Marami naman to e." Sagot ko. Pero yung mata ko hinahanap si Jeux na ngayon ay tinutulungan si Heina na magluto. Naiistress ako. Baka mawalan ako ng ganang magluto kapag nagpadala ako sa selos. Hindi ko nalang sila tiningnan. Kahit ansarap ng hambalusin ng cooker si Heina. Pinagpatuloy ko nalang ang pagluluto.
"Sagot ko na ang rice mo Gel." Offer din ni Deri. Mabuti nga yun di na ako magluluto.
BINABASA MO ANG
Fame to Suffer
Novela JuvenilHe hated RICH eversince his father died. Pero ano'ng magagawa ng makulit at obsessed na babaeng mayaman para baliktarin ito? He doesn't want to be attached to any of these rich girls around him pero bakit ang kulit nitong isa? She changed his mind. ...