Overloaded

38 0 0
                                    

*ANGEL's POV*

Kakaalis ko lang sa bahay nina Jeux. I spent two weeks doon at kahit hindi malayo ang pinuntahan ko, parang nagbakasyon lang din ako. Walang paglagyan ang kasiyahan ko promise!

Kakamiss yung kwarto ko. Hehe parang hindi na nga ako sanay matulog sa bed ko eh. Namimiss ko na ulit sila nanay Josie. *sigh*
Nakauwi na kasi sina Mommy tsaka Daddy e kaya hindi na muna ako maglalakwatsa ngayong araw. Bukas pwede na hehe

*phong rings..*

"Hello.." sagot ko. I didn't bother to look who's calling.
"Gel.." that voice..
Napabangon ako bigla. Kung nanghina ako kanina, ngayon, back to normal na. Ganito ba talaga ang epekto nya sakin? Ugh!
"J..Jeux?" Utal kong tanong. Naninigurado lang naman ako kung sya ba hehe
"Ako nga.. naistorbo ba kita?" Aww. Ang sweet ng boses nya.
"Ah No..no.. why?"
"Yayayain sana kitang sumama sa Baguio on Saturday. Actually sina Russel at Ian ang nag imbita sayo. Kung gusto mo lang naman daw sumama.."
May gagawin ba ako nun? Summer naman kaya.. "Sure..ilang days ba tayo dun?"
"Mga one week lang din siguro. Wedding anniversary kasi nina Adrian at Chloe." What do I know about them? Ugh.. liban sa isang sikat na business tycoon ang family ni Adrian Celez ay wala na akong alam hehe. Friend ni Russel ang mga Celez, I've met them naman personally pero hindi kami close nun.
Tapos he married Chloe Soriano na may kambal na hindi ko alam kung ano ang term para sa kanya hehe. Malandi kasi yun tapos liberated kasi nga lumaki sa tiyahin na liberated din. And sad to say, kaibigan ko sya. Si Misty Graphite. Tawag ko sa kanya 'SS.. as in special stone' kasi graphite e. Hehe hindi kami masyadong close, civil lang. Iba din kasi ang mga trip nun. Alam nyo naman maganda ako masyado para maging kaclose yun hehehe pagbigyan. Minsan lang akong ganito huehue.
"Okay. San tayo magkikita kita?" Tanong ko.
"Susunduin ka ata ni Russel."
Napaismid ako.
"Hindi ka kasamang susundo sakin?"
Matagal bago sya nakasagot.
"Ugh. Hindi siguro. Magkikita naman din tayo dun e."
I was a little bit disappointed hehe. Gusto ko kasing kasama sya pero since magkikita din naman kami sa meeting place, oh edi go na.
"Sige. Count me in." Sabi ko.
"And.. ugh. May isa pa akong sasabihin.." sana naman hindi masamang balita. Think positive please.
"A..ano yun?" Sus pati tuloy ako nauutal na. Kinakabahan ako e. Hehehe
Malay mo mag aaya na syang nagpakasal. Huehue.. sabi ng isang parte ng utak ko.
Duuh?! Asa ka pa.. sabi naman ng kontrabidang part ng isip ko.
"Free ka ba bukas?"
"Yep. Why?" Mabilis na Sagot ko
"Ahh.. kasi.. ano.. umm.. sandali.." tapos biglang tumahimik.. after 10 seconds I think, nagsalita na sya. "Yayayain sana kitang mamasyal. Kung okay lang sayo. Kung hindi, okay lang din naman."
Lumiwanag ang mukha ko. Naku. Sana magtuloy tuloy ang ganda ng pag uusap namin. Kinikilig ang lola nyooooo! Parang gusto ko ng tumalon mula dito sa second floor pababa sa sala. Shet. Parang gustong lumundag ng puso ko. I'm gonna die. I'm gonna die. I'm gonna... joke. Hahahaha
"Nandyan ka pa ba? O..okay lang kung ayaw mo. Hindi naman ako mamimilit. Gusto ko lang naman sanang bumawi sayo." Sabi sa kabilang linya. Speechless ako kanina. Shet to the highest level.
"Oo naman. Sino ba naman ako para tumanggi. Hindi lang ako makapaniwalang.. niyaya mo ako." Litanya ko. Kenekeleeeg padin ang loley nyo mga ateeeh!
"Sige. Thank you. Itetext nalang kita kung saan tayo magkikita. May gagawin pa kasi ako."
"Sure sure.. take your time."
"Okay. Bye.." paalam nya.
"Byeeeee.." paalam ko din.
Huwaaaaaaa.. napatalon ako sa tuwa.
Talon. Talon. Talon.. at sigaw ako ng sigaw na kinikilig.
Nasa ganun akong sitwasyon ng kumatok si mommy sa kwarto.
"Sweetie, you okay?" Tanong nya sa labas.
Tumigil ako kakatalon hehe. Nakakapagod din pala. Pero keribels kasi kinikilig pa din ako.
"Yes mom. Sorry." Sagot ko. Then I heard she went downstairs.

*JEUX's POV*

"Oh ano sabi?" Untag sakin ni Ian. Nandito kami ngayon sa bahay nila. Hinihintay namin si Russel kasi mag bo-bonding daw kaming tatlo.
"Payag sya." Kaswal na sagot ko kahit hindi pa ako nakaka get over sa kaba na nararamdaman ko kanina ng yayain ko si Angel lumabas bukas.
"Edi kinilig ka na nyan?" Sabat naman ni Chloe.
"Uyy nakangiti." Tudyo ni Ian.
"Hindi ah." Iwas ko. Saka tumalikod sa kanila.
"In love ka na pre." Sabi ni Ian.
"Nagb-blush ang loko!" Sabi naman ni Chloe.
"Ewan ko sainyo." Sabay walk out.
Lagi akong inaasar ng dalawang yun. Mag asawa nga talaga.
Well, back to my story na nga lang..
Ano ba gagawin ko bukas? Hmm..
Nakakahiya naman kung dadalhin ko sya sa mumurahing resto. Gusto ko kasing bumawi sa kanya. Sa pag alaga nya sakin nung nagkasakit ako. After all, girlfriend ko naman sya. Parang hindi halata ano? Sya lang kasi ang sweet saakin. Ayoko kasi ng maraming nakakaalam. Kahit pa napilitan lang akong ligawan sya noon. Ang bilis nga ng pangyayari eh. Kami na agad agad.

Fame to SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon