Exes' Nature

23 1 0
                                    

*JEUX's POV *

*ring ring ring*

Tinatawagan ko si Angel ngayon dahil nandito na ako sa labas ng bahay nila. Ang dream mansion ko. Someday makakapagpatayo din ako ng gaya nito. Eto kasi ang pangarap din ng mga kapatid ko. Medyo somobra ang gastos ko nung birthday ni Raff e. Pero priceless naman ang feeling na makita kong napakasaya ng anak ko at nag enjoy ang lahat. Mag iipon ulit ako para maipatayo ko na ang dream house namin ng mga kapatid ko. Actually nakabili na ako ng lupa na patatayuan ng DH namin, on the process na din ang pagpapatayo ko pero pinabawasan ko muna ng mga gagawa kasi baka ma short ako sa budget.

"Daddy!" Rinig kong sigaw sa kabilang linya. Parang mabibingi ata ako.
"Ohhh.." sambit ko sabay layo ng phone sa tenga ko.
"Sowee . I'm just excited to see you. Awr (are) you..on yow (your) way here?" Tanong nya.
Binalik ko sa tenga ko ulit ang phone.
"I'm here already." Tugon ko
"Yeeeey! Moooom! Daddy's outside alweady (already)!" Sigaw ulit nya pero malayo na sa mouthpiece ng phone na gamit nya. Wala na akong narinig na nagsasalita sa kabilang linya after ng sigaw ni Raff.
Naghintay pa ako ng ilang segundo..
.
.
.
.
.
"He's outside na. How do I look mom?" Rinig kong may nagsalita pero mahina. Malayo siguro ang phone.
"You look great Honey." Tugon naman ng isang boses. Mommy nya siguro. "You know.. you both look good together." Dugtong nito.
"Nino?"
"Ikaw at si Jeux. You make a lovely couple. Well actually family na kayo, sayang nga lang at may girlfriend na sya."
"At may fiancé na ako mom. I don't want to hurt Xavier. Sya lang ang naging sandalan ko when nobody was there for me. Lalo na ng pinagbubuntis ko si Raff. Alam mo kung gaano ako nadepress ng umalis ako ng Pinas." Ongoing pa din ang convo nilang mag ina ng dumating si Raff.
Kinabit ko ang earphone ko sa kaliwang tenga ko saka ako bumaba.
"Hey buddy! I'm having a convo right now. But you can sit beside me, just be quiet for awhile. Okay?" Bulong ko sabay halik sa ulo nito at kinarga papasok ng kotse sa passenger seat.
Tumango na lang sya bilang sagot.
"Hey daddy!" Bulong nya din.
Napalingon ako ng nakabalik na ako sa driver's seat.
"I just..wanna.. say.. I miss you." Saka sya napahagikhik.
"I miss you too son. Just a minute." Sabi ko. Binigay ko sa kanya ang tablet ko. Busy na sya kakalaro ngayon. Balik na ako sa pagiging chismoso. Hehehe

"..sino ba'ng mas matimbang sa kanila? Do you still love him?"
"Ma, may fiancé na ako. Wag nyo ng itanong sakin yan."
"I'm just asking. Hmm.. I think I already knew the answer.."
"Whatever Mom."
"I saw him outside. Binaba nya kanina ang bintana ng kotse nya. Gumuwapo lalo ang ex mo ah. Baka mahulog ka sa kanya ulit."
"Shut up Ma. Magkakagulo ng malaki pag nangyari yun. Kaya nga iniiwasan ko na maging attached sa kanya diba?"
"Iniiwasan? Suus. Why did you agree to have dinner with him tonight kung totoong iniiwasan mo sya?" Inaasar na sya ng mommy nya.
"Para to kay Raff. Walang halong kahit na anong dumi dyan na iniisip nyo ang ginagawa ko no. Stop it mom." Sagot nito. Parang naiimagine ko ng namumula ang mukha nya sa inis hehe ang cute kasi pag namumula sya e.
"Aminin mo na. Bothered ka pa din sa presence ng gwapong ex mo na ama ng anak mo at yung taong una mong minahal ng todo. Uuuy kinikilig na ang anak ko. Parang dalaga ulit." Asar ng mommy nya.
"Ama ni Raff, unang taong minahal ko ng todo at ang taong nanakit ng sobra sobra sakin at nag iwan ng markang kahit kelan hindi ko malilimutan ma." Napahawak ako sa sentido ko. "Ayoko maging bitter ngayon. Sinisira nyo ang moment ko ma e. Tss. Alis na ako. Asan na ba phone ko." Dali dali kong pinatay ang tawag saka napabuntong hininga.
Nilingon ko ang anak ko sa passenger seat, busy pa din sya kakalaro sa tablet na binigay ko kanina sa kanya.

Tiningnan ko muna sa rear view mirror ang itsura ko. Kung presentable pa ba, kung pogi pa din ba hehe.
"Yow (your) still pogi Daddy." Rinig kong Sabi ni Raff, tiningnan ko sya sa salamin, naka thumbs up pa ito sakin habang naka smile. Gwapong gwapo din ito sa suot nyang red shirt at naka maong pants with Nike shoes na sa tingin ko isa din sa mga regalong natanggap nya nung birthday nya.
"Really? Binobolo mo ako e." Sagot ko..
Napailing sya. "No I'm not. You look pogi, exactly..like me." Sabay ngisi sakin at naka pogi sign pa. Haha anak ko yan.
"I'm sorry to keep you waiting.." bungad sakin ng isang magandang binibini sa labas ng gate. Naka mini dress ito na hapit na hapit sa katawan nya at naka black wedge. May dala din syang maliit na pouch. Tulo na siguro laway ko. Hehe
Dali dali akong bumaba sa kotse at saka sya pinagbuksan ng pinto.
"Okay lang." Sabay bukas ng pinto ng kotse sa tabi ko.
Dahan dahan syang pumasok saka ko naman isinara.
Hindi pa ata ako nakakaget over sa pagkamangha ko ng makita ko sya kanina.
Ilang araw ko din syang hindi nakita e.
"You okay there baby? Wanna sit here with me?" baling nya kay Raff.
"Im..okay. I'll just..be heww (here)." Sagot nito.
Tahimik kami sa byahe papuntang McRevons resto. Bagong renovate ito at mas pinalaki pa ang place. Dinadayo kasi talaga ng mga turista ang resto na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fame to SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon