Invitation

101 0 0
                                    

It's monday na. And i'm so damn excited. Ngayon ko kasi yayayain si Jeux na sumama samin. Well, sembreak naman ang hiking namin. Maraming sasama syempre. Yung mga kaklase ko, sasama pa nga ang maarte at malanding si Heina e. Baka nga mag heels pa sya sa ha-hiking-an namin. Ilulublob ko talaga sya sa falls. More or less 30 ang gustong sumama. Aynaku. Ang galing ko kayang manghatak ng tao hihi ^_^V..

Sinigurado ko na ngayon na may enough na allowance ako para di na ako gutumin, pinagalitan na kasi ako ng dad ko bakit daw ako nagpapalipas ng gutom. Kung alam lang nya sana, hindi talaga yun palipas gutom, sinadya ko talagang huwag kumain hehehehe ang saya diba? Eh sa gusto kong malaman at maranasan pano maging slightly low economic status e just in case maging mahirap kami sa susunod, di natin alam ang takbo ng panahon.

Maaga pa akong pumasok, kasi naman baka pagalitan nanaman ako ni Tandang ganda. Tsk. Mapapahiya nanaman ako pero keribels ko yan mga ate. Kaya ng lola nyo yan. Wapakels! Hihi

Nasa classroom na ako, 5minutes early ako haha ang galing ko talaga. Maaga pa ako nito nuh? Katabi ko pa naman si papa Jeux,kailangan blooming ang lola nyo. *smile sa harap* * smile sa upuan* *upo agad* parang timang na ako. Pero bago ako makaupo, natisod ako. At feel ko tatama ako sa bakal na upuan. Napapikit ako. Wala na akong makakapitan. 'Mommy ko po. Kayo na po ang bahala sa mukha ko. Magpapa plastic surgery ako pag ako'y nabungi, magpapa li-po ako, magpapatangos ako ng ilong, magpapakabait na po ako, di na po ako mangungulit' panalangin ko sa sarili ko. Ng biglang tumama ako sa isang malambot na something, di ko madescribe. Napamulat ako, nasa harap ko ang mukha ng pangarap kong lalake, oh kay gwapo, 'Lord, kunin nyo na po ako ngayon na. Ansaya saya ko na ngayon. Wala na akong mahihiling pa'..

Malapit na malapit na ang mukha ko sa mukha nya, one inch na lang talaga. Napanganga ako sa bigla tapos nagsalita sya, "hey. Okay ka lang ba?" Napatingin ako sa kanya ng diretso. Sya naman napatingin sa paligid. Bigla akong napangiti, 'haay. Ba't ba ang gwapo ng lalakeng to?' "Pinagtitinginan na tayo ng mga kaklase natin. Okay ka na ba?" Natauhan ako bigla. saka ko na napansin na nakayakap pala ako sa macho-body niya. Waaaaa. Sheyts. Ansarap maglumpasay. Woooooo. One point ! Yung kamay nya nasa beywang ko, ako kasi nakayuko, mataas kasi sya sakin. Hanggang leeg nya lang ako kaya ang nayayakap ko, ay ang yummy body nya weeeew! Kenekeleeeeg ang mga buto ko. Enebenemen yen.

Napatayo ako ng tuwid, saka ko na lamang nakita ang mga kaklase ko na nakatingin samin. Ganito mukha nila ---> O.o

Ako naman ----> ^_^V

Si Jeuz --> -_-

HAHAHAHA epic !

Napatingin ako kay Deri, ang mukha nya? Eto --> >_<

Tss. Yaan na nga yang kulugong yan. Inggit lang yan e.

Naupo na ako. Parang nahiya tuloy ako, nakangiti akong parang tanga kanina kay Jeux, natulala pa tuloy ako. Nakakahiya ako pero, okay lang haha mas nakakahiya kung nasubsob ako sa upuan, edi bungi ako haha. I cant imagine myself na puno ng dugo ang mukha. Iws kaya.

Napasulyap ako kay Jeux, "thanks nga pala. Hihihi. Ang lampa ko talaga." Saka ako napayuko. Nekekeheyeee.

"Okay lang. Mag ingat ka lang sa susunod." Emergeeeed. Kinikilig ako. Concern ba sya sakin? Kaya ayaw ko pang mamatay e, tsaka hindi ko pa nga nalalantak ang mapula pulang labi niya e.. Haha malapit na sana kanina e. Chos! Nagnanasa nanaman ako. Hindi ko na tuloy narinig mga pinagsasasabi ng matanda kong teacher. Wala namang masyadong nangyari e. Seatwork lang, at ako? Haha ako lang naman ang naunang magpasa ng papel ko. Eh wala akong gana sumagot ng mahaba e. Pinagpatuloy ko na ang pagnanasa ko sa gwapo kong katabi. Pasulyap sulyap din ako sa kanya habang sumasagot sya sa seatwork namin. 'Ba't ba ang gwapo mo?' At napahagikhik ako ng lihim.

Nagulat ako ng lumingon sya sakin, natulala nanaman ako. Unti unting lumapit ang mukha nya sa mukha ko. Sheyts. Hahalikan ba nya ako? Napapikit ako. Ng biglang..

"Angel.. Ba't ba ang kulit mo?", aynaku. Kala ko pa naman ano na hehe. Imagination ko lang pala yung kanina. Sayang.

Fame to SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon