CHAPTER THREE
*THE INTERVIEW PART TWO*
"Can we be friends already?", tanong nya sakin na naka puppy eyes pa.
"Oo naman." Sagot ko.Ngumiti sya. Papunta na kami sa parking lot, syempre ihahatid ko sya sa kotse nila kasi gabi na at dahil gentleman ako. Hindi dahil dyan sa iniisip nyo. Kayo talaga. Ayaw ko nga magkautang na loob diba. Tinulungan nya ako kanina kaya, in return, hahatid ko sya sa kotse nila tapos didiretso na ako sa labas, at magbibihis pa ako kasi may part time pa ako sa bar.
"Okay na ako dito. May pupuntahan ka pa ba? Sabay ka na sakin." Alok nya.
"Ah hindi na. Malapit lang naman ang pupuntahan ko. Lalakarin ko na lang." Pagtatanggi ko. Ayoko nga. May driver pa sya, makakaabala pa ako nito e.
"San ka pa ba pupunta? I thought you are going home na?" Tanong nya.
"Uh. May trabaho pa ako sa bar 7pm. And its past six so kelangan ko na talagang pumunta dun ng maaga" explain ko sa kanya.
"Sa bar? Aerson bar ba?", tanong nanaman nya ulit. Kulit ha.
Tumango na lang ako bilang sagot.
"You're lucky. Kami ang may ari nun. Come on hatid ka na namin." Alok nya.
"Oh no no. Okay lang." Ano ba pwede kong maging rason?
*ting!*
"Why? Sige na. I insist. Malapit lang naman. And besides, gabi na. Madadaanan naman namin yung bar pauwi e." Kahit na, ayoko parin.
"Sorry talaga Angel. Susunduin ko pa kasi yung kapatid ko sa lola ko. Nasa kabilang way pa yun. Makakaabala lang ako. Okay lang naman talaga na ako nalang pumunta. Sige na. Hinihintay ka na ni manong driver." Bahagya kong binuksan ang passengers seat na door. "Ingat kayo. Babye!" Saka ko sya tinalikuran. Makulit yun e.
Wala narin syang nagawa kaya pumasok na sya sa kotse nila. Nasa labas na ako ng gate ng buksan nya ang side window ng sasakyan nya, "ingat ka.. Mamahalin pa kita." Saka nya ako kinindatan at kumaway sakin habang papaalis na sila. Napahinga ako ng malalim, salamat naman at di na sya nangulit. Napangiti ako sa huling sinabi nya. "Ingat ka.. Mamahalin pa kita".. Masarap naman sa pakiramdam kaso, ayoko sa mayaman nga diba? Mabait naman si Angel e. Pero may taong dapat sa kanya. At hindi ako yun. Ayoko syang mahalin. Ayoko sa mga tulad nya. At wala akong balak na mahulog sa charm nya, charisma nya, sa kabaitan nya, sa kakulitan nya at sa.. Ka. Ka. Kagandahan nya. Oo yun ! Hehe
ANGEL's POV
Naiinis ako. Ayaw akong paalisin nina mommy. Eh kasi gusto kong pumunta sa Bar namin. Eh namiss ko si Jeux e. Kainis naman. Ano gagawin ko ngayon? Magdidisco ako dito sa bed ko? Tsk. Enebenemen yen.. Sarap tumakas. Kinikilig ako kakaisip ng nangyari kanina. Nakangiti sya, waaaa. Ang bait pa nya. Gwapo na, mabait pa. Parang gusto ko ng matunaaaaaw. Tss. Hanggang sa makatulugan ko ang pag iisip na kinikilig ako.
*kinabukasan*
Fastforward
ANGEL's POV
Tss. Im bored here. Antagal ni sir Kalbs.
After 16535829652885 years..
Dumating na din sya. Pumunta na sya sa harapan.
"We'll start the interview, please pick a piece of paper in the box, each number..." Bla bla bla.. Nagkwento nalang sya sana. Bubunot kami dun sa chalk box na may lamang papel na may corresponding na number, kung anong mabubunot mo na number, yun ang sequence or pagkasunod sunod ng mga pupunta sa harap at isasalang sa interview chuva ek eklabush ni Kalbo. Nakakuha na ako ng number. The fudge! Hulaan nyo. Hulaan nyo anong number ako. Langya naman.
BINABASA MO ANG
Fame to Suffer
Підліткова літератураHe hated RICH eversince his father died. Pero ano'ng magagawa ng makulit at obsessed na babaeng mayaman para baliktarin ito? He doesn't want to be attached to any of these rich girls around him pero bakit ang kulit nitong isa? She changed his mind. ...