*ANGEL's POV*
Nandito ako ngayon sa bar. Sa counter to be exact. Im waiting for Jeux. Alam kong dito sya lagi naka stay e. Malapit ng mag 7pm. Napatingin ako sa digital wristwatch ko. Gift ito sakin ni Lexy nung first day of class. Pinindot ko yun saka umilaw at nag flash ang time. Its 6:52pm, seven minutes and 23 seconds left.
Kung tinatanong nyo kung anong ginagawa ko dito? Well.. Magpapaflirt ako hehe. Read and you'll know.
Narinig kong may nag aasaran sa likod ko, nakatalikod kasi ako sa counter.
Kanina pa sya naghihintay sayo.. Rinig kong bulong ng isang crew. Sus, bulong pa ba yun? E halos marinig na ng lahat e.
May tumikhim mula sa likuran ko, i know its him.. Memorize ko na lahat sa kanya, mapa boses, galaw, built ng katawan, anino, at kiss. Humarap ako sa counter saka nag flash ng smile sa kanya.
"Hi.." Bati ko sa kanya
He smiled back. "Anong kailangan mo?" Tanong nya. Hindi na ako masusurprise sa pakikitungo nya.
"Oh. Well.. Hello sakin.." Sagot ko sa sarili ko. Eh hindi man lang sya bumati sakin e.
"Sorry. Ugh. What may I serve you maam?" He said in a polite way
"Ikaw.." Direktang sagot ko. Rinig kong kinilig ang mga kasama nyang crew sa likuran nya. Nilingon nya ito saka sila sinita.
"Gel.." Halos bulong nya. Lumapit ang mukha nya sakin, konti lang naman. "Wag naman ganito. Pwede naman tayong mag usap pero wag ngayon." Pakiusap nyaI smiled though napahiya ako. "Gusto lang naman kitang kumustahin." Sabi ko
"Im fine." Sagot nya habang lumalayo sakin. Nagpapaka busy sa ginagawa nyang paglinis sa counter."Okay lang ba kung kausapin kita saglit?" Tanong ko
"Importante ba?" Parang naiirita na tono nya.
"Hindi naman. Wala kasi akong makausap." Sabi ko
"Di ako pwede." Maikling sagot nya.Ayaw nya talaga sakin. Mapakitaan nga ng drama ko.
"Jeux.." Naluluha na ako kunyare. Gusto kong malaman nya na nasasaktan ako pag iniiwasan nya ako. At about dun sa 'honey' na tinawag nya. Kunyare tumulo na ang luha ko, hindi ko daw kasi mapigilan saka part na din ng arte ko para naman makatotohanan. Hehehe shh..Napayuko ako. Rinig ko nanaman ang bulungan ng mga kasama nya.
Hoy Jeux anak ng may ari ng bar pinaiyak mo.. Kausapin mo kasi.Napaka harsh mo talaga. Naku. Kanina pa yan naghihintay dito tapos papaiyakin mo lang? Lagot ka sa parents nyan. Sabay tawa
Dinig ko ang malalim na pagbuntong hininga nya kasabay nun naramdaman ko ang pag hatak nya sa kanang braso ko..
Halos isang minuto din kaming naglakad, blurry na ang paningin ko dahil sa luha. Pinahid ko yun. Binitiwan nya ang braso ko.
"Ano ba ang problema mo?" Untag nya sakin. Nakaharap sya sakin habang nakasandal ang dalawang kamay nya sa magkabilang balikat ko, nakasandal din ang likod ko sa pader. "Pagagalitan ako nyan sa ginagawa mo e. Hindi naman kita inaano. Dumidistansya lang ako sayo pero hindi naman kita iniiwasan. Ayoko ng gulo Gel." Medyo napataas ang boses nya na syang ikinagulat ko. Hindi ko inaasahan to a. Mukhang effective ang arte ko.
Hindi ako nagsalita. Nagpatuloy ako sa pag iyak kahit pilit lang.
"Sorry.." Sambit nya. "May problema ka ba?" Umiba ang tono ng boses nya. Malambing na ito ngayon. Wohooo. Galing ko talaga.
Napayakap ako bigla sa kanya habang umiiyak, kailangan kong galingan. At kailangan ko talagang umiyak ng totoo. "Ngusto ngo lang naman manaman ngung ngaano ano mo yung honey na ninawag mo e." Parang ngongo na ako. Epekto kasi ng fake na pag iyak ko.
BINABASA MO ANG
Fame to Suffer
Novela JuvenilHe hated RICH eversince his father died. Pero ano'ng magagawa ng makulit at obsessed na babaeng mayaman para baliktarin ito? He doesn't want to be attached to any of these rich girls around him pero bakit ang kulit nitong isa? She changed his mind. ...