*LEXY'S POV*
Lahat kami kelangang umattend ng beach party na inihanda ng school. Every end of the school year kasi may party. Yahooo! Makaka two piece na din ako nito. Haha time for body shots hahaha nakakaimiss din yung sa US ako. Nakikipag kompetensya ako sa mga babae dun. You know, ang kutis nila mula hibla ng buhok hanggang kuko mukhang nakalaklak ng glutathione. Ampuputi. Naiinggit nga ako. Tss. Kapag ba naging ganun din ako kaputi at kakinis, magugustuhan na ako ni Russel? Iiiiih! Iniimagine ko pa lang kinikilig na ako. Hahahaha okay tama na ang chika. Nasan na ba yung bruha kong kaibigan? Nag eemote nanaman yun ngayon e. Tss. Si Jeux nanaman for sure. Wala naman ding ibang rason sa pagiging malungkot nya. Mababait naman ang parents nya tsaka open minded, very supportive pa sa lahat ng gusto nya. Palibhasa only child ang bruha."Beeeh." Rinig ko mula sa likuran ko. Papunta kasi ako sa tambayan namin malapit sa field. Nilingon ko sya.
"Hey. T's up?!" It means what's up? Haha slang masyado."Hmm. Wala naman. I just invited Russel to come with us on lunch. And.." Tumigil sya bigla sa pagsasalita.. Inunahan nya akong makaupo sa tambayan. "You owe me a favor.." Abah! Hindi pa nga nakagawa ng kahit na ano to para sakin e. Sapakin ko din to e. Maluwang na ata turnilyo nito sa dibdib e.
"I dont owe you one.. As i remember.." Sagot ko na nakairap sa kanya.
Napatayo sya at nakatalikod sakin. "Pinilit ko lang naman si Russel na sumama sa beach party at ikaw ang makakasama nya sa pag oorganize ng event.." Then she smile habang hinaharap ako. "So?" Shit totoo? Ay sorry. Napapamura tuloy ako. Haha hindi pala maluwang ang turnilyo ng dibdib ng bebe ko, sakin pala maluwang. Woooh! "You can make your move na pag kayo nalang dalawa. You owe me this one. Right?" Saka nya ako kinindatan. Shets love ko na talaga tong bestfriend ko.
Nag s-spark yung mata ko. Pramis. Haha hindi ako makapaniwala. Ni hindi nga maalis alis ang ngiti sa labi ko habang nagl-lecture ang teacher ko. Parang tanga lang ako e.. Nagawa ng bebe ko yun? Grabe.. Babawi ako sa kanya kapag naka point ako kay papa Russel. Excited na ako. *-*
*JEUX'S POV*
Ayaw ko talagang umattend ng party party na yan. Lahat pa talaga ng estudyante required umattend. May fine kasi na 5000 pag hindi sasama. Hello? Isang buwan na sahod ko din yun dun sa bar. Sayang kaya. No choice Jeux. Sabi ko sa sarili ko.
"Pre.." tinapik ako ni Russel sa balikat. "Sama ka?"
"Wala naman din akong choice. Kung meron man, tss.. Sakripisyo ang kapalit." Sagot ko
"Okay lang yan.." Sana nga okay lang. As much as possible kailangan kong lumayo layo sa kanya (alam nyo na kung kanino) para iwas gulo. Last week kasi, tinapunan nanaman ako ng kape ng mga barkada ni Kian.
*flashback*
Papunta na ako sa classroom ko, its 8:52 am at 8 minutes nalang ay mag s-start na ang klase ko sa Major subject ko.. Nagmamadali na akong pumasok ng masalubong ko sina Neon, Dash at Brylle, mga tropa ni Kian. May dala dala silang styro na cup, alam kong kape yun kasi may nakalagay nga na coffee. Dumaan ako sa gilid ng hallway pero hinarangan ako ni Dash.
"Papasok ka na ba pareng Jeux?" Nakangisi pa ito.Biglang naitulak ng mga kasama nya si Dash kung kaya't ang hinahawakan nyang kape ay diretsong naitapon sa akin. At take note, napakainit pa nito. Napaatras ako. Lalong lumakas ang tawa nung dalawang nasa likod ni Dash.
"Oops. Pasensya na di ko nakita may tao pala sa harap mo Dash." Sabi ni Brylle na nakangisi din.
"Suus. Pasalamat ka na lamang at mamahalin yang kape na naitapon ni Dash sayo. Buti pa nga damit mo nakatikim ng mamahalin na kape e." Pang iinsultong sabi ni Neon at napatawa naman ang dalawang kasama nya.
"Pare sorry.." Sabi ni Dash. Saka sila sabay sabay na umalis. Kaya kahit madumi ang uniform ko, pumasok pa din ako. Wala na din naman akong magagawa. Kailangan kong pumasok sa major subject ko.
BINABASA MO ANG
Fame to Suffer
Teen FictionHe hated RICH eversince his father died. Pero ano'ng magagawa ng makulit at obsessed na babaeng mayaman para baliktarin ito? He doesn't want to be attached to any of these rich girls around him pero bakit ang kulit nitong isa? She changed his mind. ...