CHAPTER 1

13.1K 207 2
                                    

"Liam, ayoko na!" agad na sigaw ni Aya ng makita ang secretary ng asawa nitong hangin lang para sa kanya. Liam Boom hss been taking care of her since she moved into that house.

She has been living in hell for almost three years for marrying a man she never meet even once in her life.

"It's a divorce paper, papirmahan mo yan sa amo mo at sabihin mong ayoko na. Kaya ko namang buhayin ang sarili ko!" bigkas nito saka hinila hila ang maletang dala palabas sa bahay na iyon.

Nanatili siya roon ng mahigit tatlong taon na sana ay bahay nila ng magiging asawa niya na ni minsan di umuwi sa bahay na iyon. Di man lang sumulpot sa kasal nila dahil nga sa sobrang busy raw nito sa kompanya. Nagalit man siya noon pero wala siyang pakialam dahil hindi rin naman niya gusto ang kasal. Dahil para sa kanya kahibangan ang bagay na iyon. Nagpakasal siya sa kahilingan ng amang may sakit na ipakasal siya. Dahil wala nang mag-aalaga sa kanya kaya ipinagkasundo na lamang siya sa isang anak ng matalik na kaibigan ng ama niya. Which is the Chairman she met before.

Labag man sa kalooban ay wala siyang nagawa. Ayaw ng ama nitong nag-iisa siya. Pero yun din naman ang nangyayari pagkatapos niyang magpakasal. Ang masilayan ang asawa ay hindi niya kailanman nagawa. Dahil malamang tarantado ito. Hindi kayang manindigan sa responsibilidad. Kahit bilang respeto nalang sa dignidad niya bilang isang babae.

"Ms. Kurade di kayo pwedeng umalis dito! Hindi papayag ang Chairman pag lalayas kayo! Kailangan niyong manatili rito." sigaw ni Liam mula sa living room ngunit di na siya lumingon pa at nagpatuloy sa paglalakad.

Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan niya matapos makalabas ng compound.

Sa wakas makakalayas na siya sa impyernong bahay na iyon. Di na niya makikita ang Chairman at Directress na laging pinapaalala sa kanya na magpalakas para magkaapo sila, yun ay katangahan. Dahil hindi naman niya nakikita ang asawa. Nagsisinungaling pa siya na umuuwi roon ang asawa para alagaan siya pero ang totoo ay hindi iyon nangyari. Hindi man sila tutol doon pero yung bruhang pinsan nang kanyang asawa "daw" na laging pinapamukha sa kanyang di siya karapatdapat sa pinsan nito. Di rin naman niya inisip na karapat dapat siya because in the first place she really hates that marriage.

Now she only wants the divorce, to free herself because she can't bear it anymore. She's tired of hiding things from her friends who've been curious what's going on.

Kinuha niya ang phone sa bulsa ng coat at tinawagan ang kaibigan. "Kai, sunduin mo ako sa labas ng compound!" agad na usal niya pagkatapos sagutin ng kausap ang tawag nito.

'This could be the end of my hellish life. Ayoko nang makaranas ng buhay na hawak ng iba na kahit anong oras kaya kang kontrolin. Magiging malaya na akong tuluyan.'

Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating ang kaibigan. Muntik na siyang kainin ng mga maliit na bampirang lumilipad sa kinatatayuan kung di pa nakarating si Kai baka nilamok at kinagat na talaga siya.

"What are your plans now? Renting a condo?" Diretsong tanong nito habang nasa biyahe sila. Mukhang alam na agad nito ang ginawa niya dahil sa maletang dala niya. Well, di naman lahat bg gamit dala, just dome necessities.

Lahat ng mga kaibigan niya walang ideya sa kasal niya ang alam lang ng mga ito ay tinutulungan siya ng pamilyang Rajah simula ng mamatay ang ama niya. Kapalit ng tulong ng mga ito ay ang pagtatrabaho niya sa kompanya pero alam nilang hindi iyon ang nangyari. Kahit kailan hindi siya nagtrabaho roon dahil ang gusto ng Directress na ama ng asawa sana niya ay manatili na lamang siya sa bahay.

Nakapangalumbaba na lamang siya."Hindi na, makikituloy nalang ako kay Grae ng ilang araw hahanap nalang ako ng murang mauupahan sa likod ng eskwelahan." seryusong sagot niya.

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon