CHAPTER 39

5.9K 108 0
                                    

NAGISING si Aya sa lakas ng tunog ng ringphone niya. Tulog rin si Zion pero nagmulat rin ito ng gumalaw siya.  Ito na ang kumuha ng phone niya  sa bedside table  na nasa likuran nito saka inabot sa kanya. Binasa muna nito ang caller I.D bago tuluyang bitawan.

"Ian?" nakakunot noong tanong ni Zion. Ngumiti lang si Aya saka sinagot agad ang tawag.

("Good morning, preggy!" ) bruskong bati ng katawag. Tumaas naman ang kilay ni Zion. Mukhang siya lang nga ang di nakakaalam sa dinadala ni Aya. 
'Am I too late?' nakataas noong tanong niya sa sarili.

"Andiyan naba?" agad na tanong ni Aya.

("Yes. Come downstairs now!") Sagot nito. Agad namang bumangon si Aya saka sumunod si Zion.

"What is it?" tanong niya rito. Ngumiti lang si Aya sa kanya saka bumaba sa kama.

"Tara na sa baba, nagugutom na ako!" wika niya saka hinila si Zion. Magkahawak kamay naman silang lumabas ng kwarto niya. Pagkababa nila sa salas ay natigilan pa si Zion ng mapagtanto kung sino ang nandun. Na may kaharap na tatlong box ng pizza na  nakangiti sa kanya.

"Cruz?" tanong niya habang di makapaniwalang nakatingin sa agent na hinire niya para hanapin si Aya noon.

"Mr. CEO. Nice to see you here. Sorry for the covers! I didn't mean to keep her whereabouts. Napag-utusan lang din." pagpaumanhin nito. Kaya ba hindi nito nalaman ang kinaroroonan ni Aya dahil tinago rin sa kanya? He paid a big sum of money dahil alam niyang magaling ito.

People recommend Cruz to him for his achievements in his field but he can't accept the fact that all this time alam nito kung nasan si Aya. He is so damn stupid for not thinking about it. Dapat  noon palang nalaman na niya na maaring alam na nito iyon dahil sa galing nito. He had been waiting for him na magsabi kung nasan na si Aya sa loob ng tatlong linggo.

"Fuck you Cruz!" singhal niya. Kinalabit naman siya ni Aya na ngayon ay sumusubo na ng pizza na di man lang niya namalayan.

"Bunganga mo, help me with this!" wika nito saka inabot ang isang pack ng cheese powder. Umupo naman siya sa tabi ni Aya saka binuksan ang cheese powder.

"Don't take all this. Bawal ka rito!" wika ni Aya ng kukuha siya ng isang piraso,  saka kinuha ang cheese powder at nilagyan ang pizza na hawak saka kumagat roon. Nagulat naman siya ng sinabi ni Aya iyon sa kanya. He should be the one saying that to her. Cheese can cause UTI, at alam niyang masama iyon sa buntis. Yet Aya enjoyed eating pizza with cheese.

Sumandal nalang siya sa armrest ng sofa habang pinapanuod si Aya na kumakain ng pizza. She was happy while eating it kahit di  malaman ni Zion kung ano ang lasa nito. Maybe it was because she's pregnant that's why she has a weird taste.

"You're the weirdest preggy I've ever seen!" umiiling na wika ni Ian. Di naman nito pinansin ang sinabi niya saka kumakain lang ng kumakain.

"Hoy Cruz may utang kapa sa akin!" sigaw ni Zion habang turo turo si Ian.

Nagkibit balikat lang ito saka tumayo.

"I just came here to check. Sem, asked me." Habol na wika nito saka nagpaalam at labas na ng bahay

Saka naman pumasok si David at France.

"Bakit kayo andito?"

"In case you need a back up! Baka kasi di ka na namin maabutan na buhay!"wika ni France.

"What the hell?" bulalas ni David na unang lumapit ng makita si Aya at Zion na nakaupo sa sofa habang abala si Aya sa pagkain.  "Did you two?" nakataas kilay na tanong ni David na ang tinutukso nito ay kung ayos naba silan dalawa.

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon