CHAPTER 12

6K 121 0
                                    

AYASHI CARMELLA KURADE-INOJALES

Napabalikwas ng bangon si Aya ng tumunog ang cellphone niya. Hindi na siya nakakaramdam ng sakit ng ulo ngunit medyo matamlay at nanghihina pa din siya.

Dumating kasi ang Doctor ng pamilyang Rajah para gamutin siya kahapon at dinalhan siya ni Kairo ng mga gamot. Para siguraduhing gagaling agad ito.

Nagulat man siya ng dumating ito gayong nasa family reunion ito sa Palawan , naisagot lamang ng binata na dahil nag aalala siya.

Bumangon naman siya at sinagot ang tumatawag. Si Grae lang pala.

"Aya kumusta kana? Balita ko nagkasakit ka nitong mga nagdaang araw. Nako naman yang asawa mo talaga walang gilagid sa katawan. Pinapabayaan ka nalang. Maayos naba kalagayan mo? Pag nakauwi ako jan tatambangan talaga namin yang hottie CEO mo na yan!"

Natawa nalang siya sa pinagsasabi ng kaibigan. Simula nung magkasakit siya di man lang siya nagawang dalawin o tingnan ni Zion. Wala namang bago roon. Halata ngang ayaw nito sa kanya. Kahit bilang kaibigan lang total nakapirma naman siya ng divorce. Ang boring kasi sa bahay lalo na pag di mo kasundo ang nakatira rito. It's

Natigil lamang siya sa pag-iisip ng maalala ang nangyari ilang araw na ang nakalipas.

"Maayos na ako, wag kana mag-alala. Kailan ba uwi mo? "

"Naku, matagal pa. Alam mo naman si Daddy nawiwili yan lagi sa tanawin pag may pinapasyalan kami. May dala akong pasalubong sayo maraming marami."

"Asahan ko yan ah!"

"Sige, bye na babe ingat ka jan lagi. Okay!"

"Bye!"

Ibinaba niya ang kanyang cellphone na may bakas na ngiti sa labi. Kahit makausap lang niya ang mga kaibigan masaya na siya.

Naghilamos na muna siya bago bumaba. Nagtimpla nalang siya ng kape dahil alam nyang abala si Manang saka dahil wala na rin si Manang Nineng. Nahihiya na rin sya dahil sa pagbabantay ni Manang habang nakaratay siya.

Bitbit ang tasa ng kape nagtungo siya sa veranda sa second floor at naupo roon. Masarap pagmasdan ang mainit na panahon. Maraming mga ibong nagliliparan sa himpapawid at hampas ng malakas na hangin sa mga puno.

May bumasag naman sa katahimikan. Biglang sumulpot sa kanyang tabi ang bulto ng isang Zioniche Alexander na may bitbit din na tasa ng kape.

Di niya alam kung saan lilingon. Walang umimik sa kanila. Nanatili lang itong nakatayo sa gilid niya. Pagkatapos ng nangyari sa kanilang dalawa sa loob ng wine cellar nila ay di na muli silang nagkita lalo nat nasampal niya ito.

The first and second kiss of mine was gone and he took it from me.

'Well , ako naman nauna nung sa labas ng restaurant dahil sa dare na  yun!'

Kahit nagbabangayan na sila at lahat lahat. Yun pa rin ang nasa isip niya.

"Hmm. I'm sorry!"

Aya's breath stops and the only sound that she heard was a long sigh of someone beside her. Gulat na gulat siyang napatanga sa kinauupuan. This was the first time Zion apologizes to her. Mukha ngang di ito sanay na magsorry dahil sa tono ng pananalita nito nahihirapan pa rin siya.

'Was it a dream? Nah! Its daylight.' She did hear it right Zion was apologizing to her.

Ilang beses pa siyang kumurap kurap. Nang magsalita ulit ito.

"I... I'm sorry for everything. I made things harder for you. I even did...... some stuffs which is not appropriate. I do feel guilty for everything.!" Mahinang sabi nito. Aya feels that Zion finds it hard to say those words to her. The way he speaks and utters it.

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon