CHAPTER 36

5.2K 107 3
                                    

"Lumapit ka rito!" naiinis na sigaw ni Aya habang takbo ng takbo si Kairo sa harden ng mansion. Naiinis siya rito kung bakit dinala nito rito yung asungot na iyon. "Bayaran mo pag te-tresspassing mo at nagdala ka pa talaga ng mga bagyo rito!" patuloy na sigaw niya habang sinusundan si Kairo na tumatakbo. Habol niya ang hiningang pilit inaabot si Kairo na umiiwas sa kanya.

"Teka tama na, pagod na ako! Para rin naman sayo yun eh. Ayokong makikita kang nahihirapan. Yun lang ang naisip ko na paraan. Alam mo namang ayaw kong nakikita ang mga babae na nasasaktan lalo ka na. Tama na Aya. Pagod na talaga ako." reklamo ni Kairo habang umiiwas sa hampas ni Aya rito ng kahoy na napulot nito roon.

"Gago ka, lumapit ka rito! Hindi ko kailangan ang ideyang naisip mo " sigaw ni Aya habang iwinawagayway ang kahoy. Hinihingal naman siya at sumasakit na ang balakang niya kakaikot. " Walang.... hiya..... ka...... Napaka....isturbo... mo .... sa buhay......."

Nagising siya ng maaga kanina at si Kairo agad ang pinuntahan niya saka pinagpapalo niya habang natutulog. Di pa nga sila nakapagbihis at nakaboxer saka sleeveless lang si Kairo habang nakapajama si Aya.

Kahit sumikat na ang araw ay di pa rin niya ito tinitigilan. Hinahabol at pinapalo pa rin niya si Kairo. Iwan ba niya basta naiinis siya rito. Lalo na pag nakikita niya ito sarap sapakin o bugbugin. Tapos pag nasaktan giginhawa pakiramdam niya. Hindi naman siya tumitigil hangga't hindi siya napapagod. Naiinis siya at gusto niyang sakalin ito.

NAPABALIKWAS ng bangon si Zion saka napahawak sa mata niya ng kumirot iyon. Para namang umiikot ang paningin niya ng tingnan niya ang paligid. Masyado yatang marami ang nainom niya kagabi. Humahapdi pa ang bandang kaliwang mata niya. Tumama yata ito sa matigas na bagay kaya ganun kasakit. Dahan dahan pa niyang ibinubuka ang bibig dahil pati panga niya parang nangangalay.

'Gaano ba karami ang nainom ko kagabi para di ko maalalang paano ako nakauwi.'

Napatigil naman siya sa pag-iisip at inilibot ang paningin saka kumunot ang noo niya.

"Hindi mo alam ang gagawin mo o inuna mo ang sakit na nararamdaman mo? Diba gusto mo siyang makita? Ngayon pagbibigyan kita. Gamitin mo na yang utak mo sa pagkakataong ito. Dahil huli na to."

Lalong kumunot ang noo niya saka inalala lahat ng nangyari at naging usapan nila sa bar kagabi. Saka siya mabilis tumayo at tiningan ang kinaroroonan ng maigi.

Nasa L-shaped sofa si France at nasa sahig si David na natutulog. Wala itong pinagkaiba sa compound nila pero halatang luma ang mga antiques at kagamitan na naroon. Anong lugar ba to? Lumabas siya sa kwarto na yaon at tumingin sa matanda na naglilinis sa hagdanan ng bahay. Nagpupunas ito sa hagdanan. May mga lumang litrato rin sa mga pader na nakasabit habang may naglalakihang chandeliers at mga furnitures na mukhang luma na at mamahalin.

"Oh hijo? Gising kana pala. Gusto mo ng kape?" tanong nito ng makita siya. Di siya sumagot rito at parang may hinahanap. He's hoping na sana andun si Aya at totoo iyon. Totoo ang naalala niya kagabi.

He was standing in front of Kairo na kakalabas lang sa isang pasilyo.

"Alam mo bang inaantok pa ako? Ang sarap ng tulog ko dinidistorbo mo ako. Tanga ka ba? Gusto mo yatang mapalo eh!" rinig niyang sambit ng isang pamilyar na boses.

His heart beats fast and all he could think of is the woman he loves the most. The most he's been looking for.

Nang tumabi si Kairo saka bumungad si Aya na may iritadong mukha.

"Aya!" tanging naisambit niya. Pero iba ang nakikita niya sa mga mata ng babae. Halo halong emosyon na mahirap basahin. Galit ba ito sa kanya? Dahil sa ginawa ni Them? Iba ba ang pagkakaintindi niya sa sitwasyon na iyon? Nagbago naba ito makalipas ang ilang linggo na hindi siya nakikita?

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon