CHAPTER 16

5.7K 145 2
                                    

PUMASOK si Zion sa opisina na may sama ang loob. Mainit ang ulo at laging naninigaw ng empleyado.

Kahit kaunting mali ng empleyado sinusumbatan na nito. He even fired an employee kaya si Liam naman ang umaayos. Alam na ng karamihan na kapag galit siya di mawawalang may mawawalan ng trabaho.

Nagbigay na lamang ng suhestiyon si Liam na umuwi muna ito at magpahinga. Somethings bothering him kaya dapat itong makapagpahinga. Hawak hawak nito ang sentido habang nakikinig sa mga sinasabi ni Liam. Na minsan tumatango nalang o di kaya minsan makikita nalang nang Secretary na nakatiim bagang.

"You have to rest. Kung ganito ka palagi bukas wala ka nang emplyado. If you're not yet feeling well due to the incident yesterday, I'll call a Doctor to check on you!" wika ni Liam.

"I'm fine."

"I'll call someone to drive you home!"

"No need Liam. I can drive myself. I won't die today!"

"Okay, Get some rest!"

Di na umangal pa si Zion sa kadahilanang hindi siya nakatulog ng maayos kagabi. He's being paranoid over Aya and that man's whereabouts. It made him sick thinking over it.

'And what's wrong with me?'

Halos paliparin na nito ang sasakyan pauwi sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya. He's over speeding, di na ikakagulat kung mahuli siya for violating the traffic rules.

Bigla namang tumunog ang cellphone niya ng malapit na siyang makarating sa compound. Inabot niya ito saka tiningnan ang tumatawag. It was France, he may up to something dahil hindi naman nito ugali na tumawag kapag di kinakailangan. Ito mismo ang dumadalaw sa kanya o makikipagkita. Kung ano man ang kailangan nito di siya makakatulong dahil gulong gulo na ang utak niya.

"Dude, Nasa Grande R kami. You should see this yourself!" wika ni France. "Itetext ko sayo kinaroroonan namin!" Dagdag nito saka binaba agad ang tawag.

Di man lang siya pinagsalita. Binalik niya ang sasakyan sa dinaanan at tinahak ang daan patungong Grande R Mall na pagmamay-ari nang pamilya niya. He was not that far kaya madali lang siyang nakarating.

Dumiretso kaagad siya sa second floor ng Mall kung nasaan ang mga kaibigan niya. They texted na nasa isang coffee shop ang mga ito. Kumaway pa ang mga ito saka sya lumapit. Pagkaupo niya nag-tatalo pa ang dalawa kung sino ang magsasalita. Nagsisikuhan at ngumunguso sa gawi niya.

"Wala ako sa mood ngayon kaya sabihin niyo na!" agad na wika niya.
Tumahimik naman ang dalawa saka sabay na tumikhim at pekeng ngumiti sa kanya.

"Pare, alam namin na hindi talaga totoong mag-asawa kayo ni Aya pero gaya nga ng sabi mo kahapon. Ehh .ay nakita kami.Look over there!"turo nito sa kanan na bahagi ng mall na isang Seafood restaurant. "Your wife was enjoying her lunch with that guy? Kairo Andrei Riki Francis, mayaman at gwapo. Tinitilian ng mga babae sa University nila. Your wife's high school friend at napabalitang nanliligaw diyan sa asawa mo! What a perfect couple." paliwanag ni David na may kasamang isang palakpak pa.

"He's one of the sons of the stockholders ng kompanya ninyo. That means, he's a perfect fit for your wife. Ngayon sabihin mo sa akin kung ano ang nararamdaman----" napatigil sa pagsasalita si France ng paglingon nito kay Zion ay nagkapiraso-piraso na ang lalagyan ng iced tea.

Pano niya nagawa iyon di nila alam dahil matigas ang bagay na iyon.

"Ganun ba talaga siya kaselos?" bulong ni David pero rinig na rinig ni Zion iyon. Di naman siya malayo at mahina ang pandinig.

Nakatiim bagang siya habang seryusong nakatingin sa dalawang masayang nag-uusap sa kaharap na Seafood Restaurant. Tumahimik nalang ang dalawa habang tinapik tapik ang balikat ni Zion na kunyari pinapakalma.

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon