CHAPTER 38

5.7K 110 2
                                    

Wala ng mas sasakit pa sa isang taong nasaktan ng sobra dahil sa pag-ibig. Isang pag-ibig na di niya akalaing uusbong ng mas higit pa sa inaasahan niyang mararamdaman niya. Sa simula akala niya hindi iyon kasing tindi kaysa sa huling babaeng laman ng puso niya. Pero tumagal pag ito ng tumagal at alam niya sa sarili niya at hindi niya madadaya ang sarili na mahal nga niya ito ng lubos. Marami siyang pagkukulang rito, maraming oras, araw, buwan at taon ang hindi niya pag ganap bilang asawa. Malaya siya pero hindi si Aya. Maraming pinaghirapan si Aya dahil dala dala nito araw araw ang isiping may asawa ito samantalang siya, ni hindi man lang sumagi sa isipan ang babaeng papakasalan niya nung araw na iyon kung hindi lang nagkaroon ng malaking problema sa kompanya.

Ngayong wala na siyang iba pang naiisip na paraan para makuha ulit ang babae, he did his everything to get her  back, yet he failed. Naisip niya tuloy na dapat lang iyon sa kanya. Ang dami niyang pagkukulang at kasalanan  rito simula ng magkita sila sa Grande R Mall. Hindi man lang niya alam na asawa niya pala ito noon na inutusan pag niya ang guards ng Mall na ilabas sila.

"Damn it!"

Naihilamos niya ang dalawang kamay saka nakapangalumbabang nakatingin sa harden ng bahay.

"Hijo? Anong ginagawa mo riyan?" tanong ng Ginang na nasa likuran niya.

"Wala po Manang. Nagpapahangin lang!"

"Mukhang malalim rin ang iniisip mo!" wika ng Ginang saka lumapit sa kanya at umupo sa gilid kung san mayroong maliit na upuan roon. "Hindi ka pa rin ba niya kinakausap?"

Tanong ng Ginang. Hindi siya sumagot at nakatingin lang sa malayo. Kaya umiling ang Ginang.

"Si Ashi kahit kailan hindi nakaranas ng problemang di niya kayang solusyunan. Noong sinabi ng abugado ng ama niya na ikakasal siya halos hindi maipaliwanag kung ano ang nararamdaman niya. Alam mo bang para sa ama niya pumayag siyang magpakasal sa iyo? Wala siyang ibang maiisip na paraan noon para hindi maituloy pero isang solusyun lang ang naisip niya nun. Kung di yung mag padivorce pagkatapos ng kasal. Sa murang edad niya noon naiisip niya ang ganung bagay. Hindi siya kailanman umangal sa gusto ng ama at ina niya. Ilang taon ang lumipas mula ng makita ko siya nang lumipat sila sa Pasay. Hindi na siya gaya ng dati..."

Matamang nakikinig lamang siya sa Ginang.

"....Nagbago siya at lahat yun ay dahil sa buhay na tinatamasa niya. Hindi ko akalain na umabot kayo sa ganito ngayon at ito ang pinakamasakit para sa kanya. Ito lang ang bagay na nangyari sa buhay niya na naisipan niyang sumuko nalang. Kung ano man ang nangyari sa pagitan ninyong dalawa sana magkaayos kayo. Bilang tagapangalaga sa bahay na ito at Yaya niya noon nasasaktan din ako na makikita siyang matamlay at walang sigla. Matigas siya kapag alam niyang masakit pero madali rin siyang maaawa at lumambot ang puso niya. Huwag mo lamang siyang sukuan hijo!"

Wika ng Ginang saka tumayo ito at bumuntong hininga.

"Mag-iiba man ang ugali niya huwag mo siyang sukuan. Dahil alam kong ikaw nalang ang meron siya...." nakangiting wika ng Ginang.  ".....Oh siya,  mauna na ako sayo!"
Paalam ng Ginang saka naman sya tumango saka tumugon sa tinuran ng Ginang. He had no plan to give up,
Kahit ilang beses siyang ipagtabuyan. Giving up will never be one of his option. Ilang sandali siyang nanatili roon habng iniisip kung ano ang gagawin.

"Andito ka lang pala!" agad siyang lumingon sa di pamilyar na boses saka tiningnan ito ng maigi. He knew he saw her before.

"Remember me from primary school. The one you usually bullied. Semira!" paglalahad ng kamay nito. Saka naman siya tumango ng maalala ito, she has a bit of resemblance to that young little girl he bullied . He remember her lalo pa at  yun ang naging dahilan kung bakit nagbago ang pananaw niya tungkol sa mga babae. Because of him bullying this woman. He was kicked by Aya in his manhood.

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon