CHAPTER 28

4.8K 96 0
                                    

'PAGKATAPOS NG SIX MONTHS NA nakasaad sa conditions ni Chairman ano kaya ang mangyayari?'

Napabuntong hininga si Aya sa naisip. Zion didn't even dares to see her. Para bang bumabalik yung mga panahon na kinaiinisan niya ito.

Pumikit na lamang siya. It's been a week and three days at sa mga araw na nakalipas, she didn't shrug Zion dahil alam niyang abala ito. Di na sila gaano nakakapag bonding together.

A SOFT TOUCH OF a bare hands awakes Aya. Pagdilat niya nakita niya si Zion na pinaglalandas ang mga daliri sa mukha niya. What the heck is he doing here? Sigurado siyang nilock niya yung  pintuan ng kwarto niya.

Akmang tatayo siya ng pigilan siya nito.

"Don't move!" mahinang sambit nito. Nalilito namang tumitig lamang siya rito. Di ba nito alam na miss na miss niya ito? Ilang araw rin siyang hindi kinibuan at iniwasan nito. A sudden jolt of feelings draws on Aya's face.

Dahan-dahang umayos si Zion at tumabi sa kanya ng higa. Tumitig lang siya rito at maski magsalita ay hindi niya nagawang maisip.

"I miss you!" wika nito saka humalik sa noo niya. Di pa rin siya sumagot at nanatiling nakatitig rito. "I'm sorry for keeping my distance  away from you. It's for your own good.!"

Niyakap siya nito at pinaunan sa mga braso. Why she became speechless? Did she lose again this time? Dahil ba ito sa nangyari na muntik na niyang isuko ang bataan at puri niya?

She's 22 after all but that doesn't mean she has to give that to him. She still has plans for herself.

Yumakap rin siya rito at sinubsob ang mukha sa dibdib nito. A smooth scent of Zion gets into her nostrils that made her senses calm and even more  comfortable that the man is around.

"Good night!" bulong nito sa kanya saka dumampi ang malalambot nitong labi sa tenga niya.

"Hmm!" naisagot niya saka pumikit na. Nakaramdam naman siya ng kaginhawaan at nakangiting pumikit habang nakasubsob sa dibdib ng lalaki.

Nagising si Aya sa tunog ng cellphone niya. Katabi pa rin niya sa paghiga si Zion habang yakap yakap siya. Namalayan na lamang niya na nasa kamay na ng lalaki ang phone niya at sinagot na nito ang tawag.

"Hmmm? Sino to?" inaantok na sagot ng lalaki. Pinilit naman niya itong agawin.

("Hala? Owemjeee. Andiyan ba si Aya?") rinig niyang boses ni Grae.

Tumitili na naman ito sa lakas ng hala at owemje niya. Tumigil na lamang si Aya sa pag-aagaw sa phone niya at tumitig lang kay Zion.

"Yeah, still asleep why?"

"What? May klase kami ng alas otso. Mag aalas siyete na tapos tulog pa? My God ano bang ginagawa ninyo. Gisingin mo na siya!"

"Inuutusan mo ba ako?" rinig niyang tanong ni Zion. Napakamot na lamang siya sa ulo niya at bumangon ngunit hinila ni Zion ang kamay niya at inihiga siya sa dibdib nito. Pinipilit naman niyang di magsalita baka ano na naman ang iisipin ng kaibigan.

Naagaw naman niya ang phone niya mula kay Zion saka pinatay ang tawag. Nagpupumiglas siyang bumangon at ng makawala dumiretso siya sa closet niya at kumuha ng masusuot at dire-diretsong pumasok sa banyo ng di na  pinapansin pa si Zion.

Suot ang off shoulder white dress niya na may burda sa gilid na asul at pula mabilis na bumaba siya sa hagdanan at tinungo ang lalagyan niya ng susi ng sasakyan. Ngunit wala ito roon. 7:42 na at siguradong malalate siya. Lumabas naman si Zion na nakabihis na at pinakita sa kanya ang susi. Nilapitan naman niya ito saka pilit inagaw ang susi ngunit sadyang mataas ito kaya di niya maabot.

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon