CHAPTER 4

7.3K 152 1
                                    

"Ashi, alam ko na hindi na kita gaanong naalagaan kaya nais ko sana na bago lumisan sa mundong ito mabigyan ka ng magandang kinabukasan. Ikaw ang pinakamahalagang taong dumating sa buhay namin ng Mommy mo. Yung makulit na bata na di ako tinantanan na magpapakarga at magpapasubo. Ikaw yung batang laging nakangiti at laging inuuna ang ibang tao. Mahal na mahal ka namin ng Mommy mo  anak."

'I miss you Dad! I wished to see you again, Dad!'

She felt suffocated and a tear drops from her cheeks. She missed her Dad very much. When she lived in an orphanage she dreamed to had a family. Nagkaroon nga siya ng pamilya pero sa kaunting panahon lang. Her foster Mom died from an accident and her Dad died from an illness three years ago.

Itinuon niya ang pansin  sa sulat at pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Isa lamang ang naisip ko na solusyon para maging maayos ang kalagayan mo. Napagdesisyunan namin ng kumpare ko na ipakasal ka sa apo niya.Nakilala mo na si Chairman Zyron. Huwag mo sana akong kamuhian anak. Ginawa ko lamang ito para sa iyo. Hindi ako matatamihik hanggat hindi kita nakikitang maayos ang kalagayan. Hindi nanaisin ng Mommy mo na makita kang malungkot at nag-iisa, sana maging masaya ka at makamit mo ang pangarap mo. Alam kong hindi magiging maganda ang magiging buhay mo pagkatapos ng ginawa ko pero alam kong nasa mabuting kalagayan ka at masaya na ako"

She felt blessed yet sad for having a father she dreamed to had since she was a kid. Pero talagang masaklap ang tadhana at kinuha ito sa kanya ng maaga.

'Why did you take them away from me that early?'

7:00 AM

Isang malakas na pagkatok ang gumising sa pagtulog niya.

'Ang aga aga nambubulabog.'

Iniinat niya ang katawan saka bumangon at naglakad patungo sa pintuan ng di pa rin tumitigil sa pagkatok ang kung sinong demonyong nasa labas ng pintuan niya.

"Don't you have plans? It's getting late!" biglang pambungad sa kanya ni Zion ng buksan ang pinto.

'Ano na naman ginagawa nito dito.'

"Paki mo ba kung late na!" sagot niya naman nang pabalang.

"I'll drive you to school kaya magbihis kana jan!" maawtoridad na wika nito.

"Wait?...What?... Ako?.... Ihahatid mo?" Di makapaniwalang tanong niya saka humahagalpak pa ng tawa.

Bigla namang umiba ang awra nito na napipikon na saka tumingin sa kanya ng matalim. Mapakla siyang ngumisi dahil nakakatakot ang mga tingin nito.

"No, I was referring to the door. Gusto mo  ako pa magpaligo sayo?" Sarkastikong wika nito na papalapit sa kanya. Nakangisi ito ng nakakaloko at nakataas pa ang kilay.

Sinara niya naman bigla yung pintuan kaya alam niyang natamaan yung mukha nito lalo nang marinig niyang nagmumura ito sa sakit.

Inaasahan na niya ito, sa ugali ba naman ng isang Zion Inojales, di mo malalaman kung ano talaga nasa utak nito.

'Psycho'

Nagmamadali naman siyang maligo saka magbihis.

30 minutes later natapos na rin sya. Nilagay sa balikat ang bag at dala dala ang phone. Nasa labas pa rin ng kwarto niya si Zion na hawak hawak ang ilong na malamang natamaan ng pintuan kanina. Kalahating oras na ang nakaraan hindi pa rin ito umaalis roon. Matibay pala tuhod nito.

Di ito umimik o nagsalita pa bagkus ay naglakad na ito pababa kaya sumunod nalang siya.

"Wag kanang kumain!" wika nito saka dire-diretsong lumabas ng bahay.

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon