CHAPTER 27

4.9K 115 0
                                    

"Zi? Favor?" malawak ang ngiti ni Aya na humarap kay Zion. Nagtaas lang ng kilay si Zion sa kanya habang nagsusulat ito sa kanyang pad.

Nabuburyo na talaga siya kanina pa. Di naman siya pinapansin ni Zion dahil tutok na tutok ito sa ginagawa niya. Tumitingin lang ito sa kanya at ngumingiti minsan saka magpapatuloy sa ginagawa nito.

"Lalabas lang ako! Promise I'll be quick!" nagsusumamong pakiusap ni Aya.

Nang di sumagot si Zion ay hinalikan niya ito sa pisngi saka agad na lumabas sa opisina. Nagrereklamo pa ang lalaki pero di na siya lumingon pa. Malamang pipigilan siya nito.

"Hi, Miss Aya, Saan ang punta  mo?" tanong ni Sandra ng madaanan niya ito sa cubicle nito na nakadungaw pa.

"Dito lang, nakakaburyo sa loob!" Sagot niya saka nilagpasan ito.

Sumakay siya sa elevator saka bumaba sa ground floor at sumalampak ng upo sa sofa sa lobby. Tumingin tingin lang siya sa mga dumadaan at sa paligid ng nakapandekwatro. Nang mapagod siya roon ay palakad-lakad nalang siya sa hallway papasok sa Security Staffs room. May bumabati naman sa  kanya roon at ngumingiti lang siya bilang tugon.

"Kailangan ko ng isang linggong palugit. Pangako babayaran ko ito, masyado lang akong gipit ngayon." rinig niya mula sa isang kwarto.

"Siguraduhin mo lang, kailangan namin ng pera kaya ibalik mo ito pagkatapos ng isang linggo."

Narinig niyang may kumalabog at daing na naririnig kaya mabilis siyang tumakbo patungo sa hall na malapit sa lobby.

"Look who's here?" napalingon si Aya sa nagsalita."Well, kahit di niya lingonin alam na niya kung sino ito. "Roaming around like you own the whole building. Baka naman nanaginip kana na maging kayo talaga? Hell no, Alam ko kung anong ugali meron si Zion once he feels attracted to someone nagiging sweet siya rito like what he did to you, and that's enough for a person to fall inlove with him and once he gets tired?.."  tumaas ang kilay niya saka mapaklang natawa. "..Boom,.....He will just let go and forget you. I can't wait to see that day dahil sigurado ako na sa akin parin siya babalik!" mataray na wika nito. Yumuko lang siya dahil ayaw niyang mag eskandalo lalo na at nasa kompanya siya ni Zion. She has to keep her patience and distance  away from Themarie. Pero sadyang  sinusundan lang talaga siya ng malas na kung nasaan siya nandoon rin ito.

"Look's like someone become's a puppy! You really look like one." Pangiinsulto nitong wika na tumatawa pa.

Tumalikod nalang siya at di na pinatulan pa. Kaninang umaga lang nila naayos ang tungkol sa sabunutan nila kagabi tapos nagsisimula naman ito ngayon. Ayaw niyang umabot sa puntong ang batas na ang huhusga dahil hanggang kaya pa niya iiwas siya. Ayaw niya ng malalang gulo dahil lang sa isang nonsense na bagay.

"Such a bitch, wag mo akong tatalikuran. Idiot, loser!" sigaw nito pero di na siya lumingon pa. Tumalikod lang siya saka naglakad pabalik sa elevator. Hinintay niya itong bumukas dahil babalik nalang siya sa opisina ni Zion mabuti para roon, walang Themarie at walang gulo.
Bumukas naman ang kabila na elevator at iniluwa roon si Zion na nagmamadali. Nang makita siya ay niyakap kaagad siya nito na sobrang  nag-aalala. Tumaas naman ang kilay niya habang yakap-yakap siya nito.

"Are you okay?"tanong nito ng kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya.

Tumango lang siya bilang tugon. "Alright, let's go back!" Niyakap ulit siya nito saka sila sumakay sa elevator na magkahawak kamay.

"Ano bang pinagkakaabalahan ni Liam?" agad na naitanong ni Aya rito. Tumikhim naman muna si Zion bago sumagot na wari ba  nag-iisip muna bago sasagutin ang tanong niya. May iniisip ba itong ibang bagay?

"He's my Personal Assistant at  Secretary narin kaya abala siya sa mga dapat ay lakad ko. He's always with my Grandpa dahil hindi ko naman hilig ang magbiyahe. Kapag emergency lang ako sumasama. Why did you ask?"

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon