CHAPTER 2

11.1K 170 3
                                    


"KAI?" Tawag ni Aya kay Kairo pero mukha naman tong tanga na iwan napakaseryuso sa ginagawa niya.

Talagang tutok na tutok sa daan.

"Kairooo!"pasigaw na bulong niya saka ito natinag sa pagdadrive.

"Hmm?" tanging naisagot niya.

"Sasamahan mo ba ako bukas?" tanong niya  rito. Ngumisi lang ito sa kanya saka tumango.

"Hoyy? May problema ba?" tanong niya ulit ng di na naman ito gaanong nagsasalita.

'Jusmeyong bata to nabingi ata.'

"I'll just drop you off. May gagawin pa kasi ako."seryusong anito saka pinaharurot na ang sasakyan. Nang makababa siya sa kotse nito ay hindi na naman ito umimik pa. Bumusina lamang ito saka pinaandar na ulit at mabilis na nilisan ang lugar na iyon.

'Yayayain ko pa naman sana para magkape. Feel ko lang bahay ni Grae na akin. Huehue.'

"Ayaaaaaaassshhiii!"sigaw ni Grae pagkapasok palang niya sa sala. Tumatakbo pa ito palapit sa kanya saka umakbay na hinihingal.

"M-May  nangyari!" Parang di mapakaling wika nito saka tinuro ang sala habang habol ang hininga.

"Ano na naman ba ang nangyari?" Tanong niya saka umupo sa sofa. At binaba ang dalang bag sa tabi niya.

"How's my little dimwit?" biglang salita ng pamilyar na boses sa likuran niya.

Dahan-dahan siyang napalingon ng rumehistro sa utak niya kung sino yung nagsalita.

"Semira?" gulat na sabi niya saka tumayo at lumapit rito saka yumakap ng mahigpit.

"I thought you're in Paris?"di makapaniwalang tanong niya habang nakayakap pa sa pinsan. Semira was already married and has two kids but she still takes good care of her like a sister. Mukhang alam na yata nito ang nangyari kaya ito naroon.

"Yeah, I was in Paris but I decided to visit you here before we'll move to Los Angeles. Since I haven't seen you for a year." sagot nito. Saka kumalas siya sa pagkayakap. 

She was the daughter of her father's brother and she was the only person Aya knows more and trusted since their childhood days. Medyo strict ito pagdating sa kanya. Di rin siya nito pinayagan nung ipapakasal siya sa anak ng Rajah ngunit wala rin silang nagawa dahil Daddy niya na ang nagdesisyon, even Sem's father ay pumayag nalang din.

"I heard about you leaving home!" wika nito pagkatapos niyang maupo sa sofa.

"Correction, not my house! It's Rajah's not mine. Nakikitira lang ako dun!" sagot niya saka nakapandekwatro ng upo.

"Look, its yours also. Whats the point of getting married to a mysterious heir of Rajah?" nakataas kilay na wika nito. " Look, I want you to go back there! I can't sleep peacefully knowing you're not there. Kung ano man ang nangyari at umalis ka doon forget about it and stay there. Chairman Rajah promised to your Dad that he'll look after you. Kung di man kayo in good terms ng asawa mo. Still you owe the Chairman ." sabi nito habang hawak hawak ang kamay niya.

"Sem, I am fine about staying here. Kapag nananatili pa ako dun iwan ko nalang baka mabaliw na ako. Gusto kong maging malaya dahil impyerno ang buhay ko doon, kahit saan ako pupunta dapat alam nila. Wala akong privacy doon. Saka di ko naman matatawag na asawa yun kasi di ko naman siya nakasama and never ko pang nakita. One more thing I filed a divorce and happily signed it. Hinihintay ko lang ang pirma niya at confirmation. I can be happily free and lived my life freely." sagot niya kahit alam niya sa sarili niya na nakita na niya ang asawa  sa maling paraan pa. Tssss.

"What did the Chairman say?" seryusong tanong ni Sem.

"Nothing. Di pa naman niya alam. Saka di pa kami nagkausap simula ng umalis ako. Minsan lang din naman kami nagkakausap. Napakaboring doon!" sagot niya saka kaunting itinihaya ang katawan niya sa likod ng sofa.

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon