CHAPTER 3

8.9K 174 4
                                    

Nasapo ni Aya ang ulo niya ng maramdamang parang mabibiyak ito sa sakit, parang may kumikirot roon na sobrang sakit. Nagising lang naman siya dahil sa lakas ng doorbell. Hindi iyon tumigil, paggalaw niya may tao sa paanan niya kaya sinilip niya ito si Grae iyon na nakatalikod ng higa.

"Graee...!" tawag niya rito pero pati boses niya napaos na. Sumasakit ang lalamonan niya.

Nang di parin gumagalaw si Grae ay tumayo nalang siya ng dahan dahan. Saka nagtungo sa banyo at nagsipilyo saka bumaba at tinungo ang pintuan pagkatapos. Paglabas niya nakita niya kaagad ang sasakyan ni Liam  na nakaparada at ayun siya nakatayo sa labas ng gate.

"Liam, Anong kailangan mo at naparito ka?" mahinang sambit niya ng makalapit sa gate ng bahay. Sumasakit talaga ang lalamunan niya.

"Gusto kang makita ng Chairman!" sagot nito."May pag- uusapan kayong mahahalagang bagay!"

"Pwede bang mamaya nalang?"

"Naghihintay na ngayon ang Chairman sa mansion!"

Wala na siyang nagawa sapagkat alam niyang abala rin ang Chairman at talagang mahalaga ito. Nakakahiya naman kung paghintayin niya pa.

"Sige! Pasok ka muna" yun lang ang naisagot niya at binuksan ang gate para papasukin ito.

Uminom muna siya ng tubig saka bumalik sa guest room. Hindi na niya ginising si Grae dahil mahimbing itong natutulog saka siya nagtungo sa banyo at naligo.

Simpleng tattered jeans at lousy t-shirt lang ang suot niya dahil kapag mag aayos pa siya baka mahuli na talaga sila.

Pinagbuksan naman siya ng pintuan ng sasakyan ni Liam.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo kagabi sa bar!" wika ni Liam habang tinatahak nila ang daan patungo sa mansion ng mga Rajah.

'Shit!'

Naisaisip niya ng maalala ang nangyari kagabi sa bar.

"Nandoon kaba kagabi?"

"Pinapunta ako ng CEO sa bar kagabi pero wala naman siya roon. Tapos nakita ko kayo na palabas ng bar." wika nito. Di naman pumasok yun sa bar kagabi dahil sa restaurant iyon naroon bakit sa bar pinapunta ang sekretarya niya? Tumango lang siya saka di na umimik pa hanggang sa makarating sila sa mansion ng Rajah. Napakalawak niyon at sobrang ganda tingnan pero hindi niya pinangarap na tumira roon kasama ang pamilyang Rajah dahil kung mangyari iyon dahil lang sa awa kaya siya roon patitirahin.

"Aya." sigaw nang Mama ni Zion na si Tita Zia ng makapasok siya sa mansion.

"Hello po!" bati niya saka nakipagbeso beso sa kanya.

"What's wrong with your voice? Bakit paos ka yata? Are you sick?" Pati rin pala ito napansin ang boses niya.

"Hindi po, pagod lang!"

"Anyways belated happy birthday. Birthday mo pala kahapon nakalimutan ko kasi! How was your birthday?"

"Ayos lang ho! Saka masaya po kasi andun ang mga kaibigan ko." Pilit na wika niya saka ngumiti rito.

"Nais siyang makausap ng Chairman kaya narito siya." Wika ni Liam na nasa likuran na niya.

"Oh. Sige Nasa office yata si Chairman!" sagot ng Ginang. Tumango siya rito saka nagpatuloy naman sila sa pagpasok hanggang sa makarating sa opisina ng Chairman.

"Maupo ka hija." Wika nito ng makitang pumasok siya at naiwan sa labas  si Liam.

"Kumusta ka naman?" Nakangiting tanong nito sa kanya.

"Maayos lang ano pong mahahalagang pag-uusapan natin?" Diretsong tanong niya.

"Siguro, naikuwento na sayo ni Sem ang tungkol sa company shares mo. Bilang Chairman at Holder  sa shares na iyon. Nais ko sanang pag isipan mo muna ang tungkol sa divorce. Saka pipirmahan mo lamang itong mga papeles at ngayon mismo ililipat sa pangalan mo ang shares ng Daddy mo."

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon