CHAPTER 37

5.2K 98 2
                                    

"Ashi? Napatawag ka? May nangyari ba? Ayos ka lang ba?" sunod sunod na tanong ni Sem sa kanya sa kabilang linya. Wala na siyang ibang masabihan ngayon kung hindi si Sem lang. Shen and Grae would be so worried kapag sasabihin niya at lalo pa na ang mga ito ay abala sa academics nila lalo pa at magsisimula na ang  On the Job Training nila.

Nasa labas pa  siya ng Ancestral Home at wala siyang balak na pumasok. She's scared na baka nandun pa ang mga ito. She knew she told them to leave earlier. But she was still hesitant.

"Sem!" umiiyak na sambit niya habang nanginginig ang mga kamay na hawak ang cellphone.

"Wait? Are you crying? Tell me? What happen? Why are you crying?" nag-aalalang tanong nito.

"I don't know what to do anymore!" Lalo pa siyang  napahagulhol saka sumandal sa upuan ng sasakyan.

Wala siyang ideya kung ano ang gagawin niya. Hindi niya kakayanin pag  nalaman ng iba ang dinadala niya. She was scared  what other people might think about her. She don't want Zion to stay with her because of the child, because of the responsibility only. Alam niyang pipilitin na naman ito ng Chairman para sa kanya gaya ng pagpipilit ng Chairman na manatili sila sa iisang bahay sa loob ng anim na buwan. Natatakot siya at ayaw niyang kamuhian siya ng lalaki habang buhay dahil lang sa pagkakamali na iyon. Dahil hindi na ito makakawala pa sa tali dahil sa anak nila. She wanted to blame herself for being stupid. Bakit niya hinayaang umabot sa ganito ang lahat.

"Why? Ashi? What's wrong?" tanong ni Sem sa nag-aalala na boses.

"I........I---I'm....... I'm pregnant!" bumuhos ang luha niya ng walang tigil nang maisambit ang kataga na iyon.

"Oh my God!" naisambit nito saka tumahimik sa kabilang linya. ".........Ashi, I don't know what to say right now. Where are you? Are you okay? Tell me you're fine."

"I'm fine,  I'm still inside my car!"

"It's late already, umuwi kana. It's not good for you. I know you're struggling right now but please. Tatagan mo ang loob mo. Okay, I'll find a way to visit you again. Just don't do stupid things na makakasama sa baby. Remember, that child is innocent."

"Okay!" tanging naisagot niya.

"Ashi,whatever you're into right now don't think any stupidity. Tell me everything and don't you ever hurt yourself. It's not good for the baby." dagdag nito.

"Okay!" saka niya binaba ang tawag. Tumingala siya saka pumikit habang kumakawala sa mga mata niya ang mga luhang hindi matigil tigil sa pagpatak.

Nanatili siya sa loob ng sasakyan ng isang oras bago pinaandar ito at pumasok sa Ancestral Home.

Naabutan pa niya si Yaya Meldeng na di mapakali sa labas ng mansion.

"Hija!" agad na sambit nito ng makita siyang pababa ng sasakyan.

"Yaya!" matamlay na wika niya saka mapaklang ngumiti. Tumigil naman ang Ginang sa harap niya saka tiningnan siya. Kumunot ang noo nito saka sinuyod ang kabuuan niya.

"Anong nangyari? Bakit ganyan ang hitsura mo? May nangyari ba?" sunod sunod na tanong nito saka inakay siya.

Umiling siya saka agad na  yumakap sa Ginang at di napigilan ang sarili na umiyak.

"Ya...ya! Hindi...ko....na...kaya...." umiiyak na wika niya. Parang ayaw tumigil ng mga luha niya.

"Hija, kung ano man ang pinagdaanan mo magiging maayos rin ang lahat. Hmm?"

"Yaya, ayoko na!" Umiiyak na sambit niya saka naman  hinagod-hagod ng Ginang ang likod niya. "Pagod na ako!"

"Wag kang sumuko dahil kahit kailan hindi sumusuko ang mga magulang mo! Tahan na! Kung may pinagdadaanan ka man malalagpasan mo 'yan." kumalas siya sa pagkakayakap saka humarap rito. Pinunasan naman ng Yaya niya ang mga luha sa mata niya. "Halika na, pumasok na tayo!"

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon