CHAPTER 8

6.3K 126 1
                                    


"Mrs. Inojales raw po, kailangan sa Dean's Office." sabi ng isang estudyante na kakapasok lang sa klase.

"Sino yun? Wala namang Inojales na apelyedo dito!" naguguluhang tanong ng isa.

"Prof, excuse us muna." Bungad ni Shen sa papasok na Proffesor nila para sa unang exam sa araw na iyon.

"Kairo sumunod ka!" bulong nito kay Kai na nakaupo lang habang nagbabasa. "We'll be back after three minutes Prof!" paalam nito saka sila hinatak palabas.

Tumayo naman si Kairo saka nakapamulsang sumunod sa kanila.

"Mas mabuti na to kesa sa mahalata nila. Pwera nalang kung sasabihin mo sa kanila. Eh not in good terms nga kayo eh!" Wika ni Shen saka tinulak pa si Aya  papasok sa opisina ng Dean.

"Yes?" taas kilay na tanong ng Dean habang nakatingin sa kanya.

"She's the one I was looking for Dean. Thanks for your help."

Natanga siya sa kinatatayuan habang nakatingin kay Zion na nakaupo sa sofa na naroon habang nakataas ang kamay kaunti na kumakaway pa sa kanya.

'Wala pang kalahating oras na ihatid ko to sa kompanya niya tapos andito ito?' Di makapaniwalang tanong niya sa isip niya.

"Surprised?Wife?" nakangiting tanong nito.
Di siya sumagot kaya tumayo ito at lumapit sa kanya. Umatras naman siya saka lumingon sa Dean na naguguluhang nakatingin sa kanila.

"Sa labas tayo mag usap!" Pekeng ngiting sabi niya saka nagpaalam sa Dean at lumabas na. Natanaw naman niyang nasa di kalayuan ang mga kaibigan niya kaya ayos lang sa kanya.

"What's this all about?" naiinis na tanong niya rito.

"I got bored at the office kaya naisipan ko na pumunta rito para icheer ka sa exam mo. Isn't it nice?" nakangiting wika pa nito saka tumingin sa paligid. "I like this school,  tahimik!"

"Pero yung school ayaw sayo!"

"That's absurd. But being you here was good. Mrs. Inojales!"

Lalo naman siyang napikon saka sinipa ito sa binti na ikinagulat at doon pa nakahawak sa tinamaan. Sobrang uminit ang ulo niya. She was even called Mrs. Inojales for his nonsense reason. Tao pa ba to?

"Alam mo bang nakakaisturbo ka? May exam ako at alam mo yun tapos pinapatawag mo ako dahil lang sa walang kwenta mong dahilan? Icheer? Dun kana sa nobya mong mahaba ang nguso at wag mo akong guguluhin. Mamatay na daga sa kwarto mo." galit na wika niya saka tinalikuran ang lalaking nakahawak parin sa binti habang nakatingin sa papalayo niyang likuran.

Hindi na lumingon pa si Aya at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad.

"You can start your exam now!" anunsyo ng Prof ng makapasok sila sa klase.

Buong araw siyag nanatili sa room dahil sa exam. Kapag natapos na ay tahimik naman silang nag aaral sa kaniya kaniyang upuan.

Alas tres na ng hapon ng matapos ang  lahat ng exam nila. Napakamot pa sa ulo ang ibang kaklase niya dahil sa mga nakasulat sa exam na di nila alam ang sagot.

Gaya ng inaasahan niya. Ang party na naman ang inaatupag ni Shen at Grae. Nagpaplano na ang mga ito kung anong lulutuin at ihahanda.

Naglalakad sila sa hallway habang kasabay niya si Kairo at ang dalawa ay nauna sa kanila ng kaunti dahil nagtatalo kung ano ang lulutuin.

"I think beef steak or barbecue. I miss eating them."

"Mas masarap nga kasi ang seafoods."

"Guys stop it!"   Awat niya sa dalawa. Tumigil naman ang mga ito saka tumahimik.

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon