CHAPTER 10

6.6K 122 0
                                    

*Phone Rings Loudly*

Kinapa niya ang cellphone  saka tiningnan ang caller ID.

"Hmm? Kai Bakit?" Tanong niya sa matamlay na boses. She felt drained and tired. Parang ayaw niyang kumilos dahil nawalan na siya ng gana. Lalo pat iisipin niyang wala siyang gagawin ng buong araw.

"Bakit matamlay ang boses mo? Did something happened to you?" Halata sa boses nito ang pag aalala.

"Kagigising ko lang kasi saka wag ka na mag alala. Ayos lang ako. Diba ngayon ang alis niyo?"

"Aalis na kami ilang saglit pa. Tatawag nalang ako pag nakarating na kami sa Palawan!"

"Sige, mag iingat kayo!" sagot niya saka binitawan ang phone at pumikit ulit.

She really felt drained na maski ang gumalaw ay mahirap gawin.

' You're not my type and I hate this married life!'

Pumasok na lamang bigla ang alaala na iyon na sinabi ni Zion sa utak niya.

"Akala mo ikaw lang? Ayoko rin sa buhay na to. Ang pagpapakasal ko sayo ang pinakahuli kong gagawin sa buong buhay ko kahit mamamatay na ako. Di ko gugustuhing mangyari yun. Humanda ka sakin, kung galit ka mas galit ako. Kung ayaw mo sa akin, mas ayaw ko sayo. Let's declare a war!"

Galit na singhal niya saka bumuntong hininga.

"Aya? Is there something wrong?"

Natutop niya ang bunganga niya saka nilingon ang phone na binitawan niya agad kanina.

"Kai!" pekeng tawa niya. "Akala ko na off ko na kanina. Pasensya kana. Ingat kayo sa biyahe. Bye!" dagdag niya saka mabilis na pinutol ang linya.

"Pheww!"

She stayed on that position for a while before she decided to get up.

'Hindi ako magpapakamatay dahil lang sa kanya. Pinirmahan ko na ang divorce, may kopya pa naman ako. Kailangan ko lang ang pirma niya. After 6 months dapat tapos na lahat. Zion should be gone in my life.'

"Maa'm? Akala ko po umalis din kayo!"

Tanong ni Manang Imelda ng makababa siya sa sala. Nagvavacuum ang Ginang roon.

"Pagod ako Manang. Nakakatamad lumabas!" Sagot niya saka nagtungo diretso sa kusina.

"Ipaghanda ko ba kayo ng makakain?" tanong ng tagapagluto nila.

"Sige po Manang Nineng!"

"Mukha yatang may sakit kayo Maam?" Tanong nito habang nakatingin sa kanya.

"Wala to Manang. Nasubrahan lang yata sa tulog!" sagot niya saka kumuha ng tubig sa ref.

Fried Shrimps. One of her favorite lalo na ang pagluluto ni Manang Nineng ng Crabs na napaka masarap. Parang bumalik lahat ng gana niya habang takam na takam na nakatingin sa nakahain.

"Manang ang sarap ng luto niyo po!" Puri niya rito habang kumukuha at nilalagay sa plato niya.

"Bata pa lang ako hilig ko na ang pagluluto. Kaya siguro hindi ako mahiwa-hiwalay sa kusina."

"Kailan ba kayo nagsimulang magsilbihan sa Rajah Manang?"

"Naku, wala pang taon. Nagtayo kami ng maliit na kainan sa bayan namin sa Cavite pero hindi naging sapat iyong kinikita namin sa renta kaya napaalis kami. Napilitan nalang kami ng anak ko na pumarito at manilbihan. Mabuti at mabait si Madam Zia at pinatrabaho kami sa mansion nila."

Di naman maipagkakaila na mabait talaga ang ina ni Zion, di tuloy niya matukoy kung saan nagmana ito.

"Sa tingin mo Ante kapag nagtayo ka ng restaurant magiging successful kaya?"

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon