CHAPTER 13

5.3K 114 0
                                    

NAKATUNGANGA lang si Aya habang seryuso naman sa pagmamaneho si Zion.

"Zion? Gutom na ako! Malayo pa ba? O wala tongpatutunguhan?"pagrereklamo niya.

"I'm trying to look for something in the map. Pero humihina na yung signal."

"What? San ba ang pupuntahan natin?"

"Nowhere!"

Napamaang si Aya saka di na umimik pa at tahimik na nanalangin.

'Please Lord, ayoko man sa buhay na to at naiinis ako sa kasama ko ngayon. Sana siya nalang ang kunin mo ngayon wag lang ako. Nagugutom na ako , help us please God!'

Sa di kalayuan may nakita na silang mga bahay. Hindi ma ito karamihan gaya sa lungsod pero masagana ang paligid nito. Maaliwalas ang lugar at maraming tanawin. Bawat sulok ng bayan ay may mga palayan at iba pang mga tanim.

Nagliwanag naman ang mukha ni Aya.

'Thanks God for answering my prayers!'

"Let's ask if there's a drive thru here!" Seryusong wika nito.

"Drive thru? Saan ang drive thru rito? Kita mo naman siguro na liblib na lugar to." reklamo niya pero di siya pinansin nito.

May naglalakad naman na Ale sa unahan kaya tumigil sila sa tabi nito saka binuksan ni Zion ang bintana ng sasakyan niya saka tinawag ang Ale.

"Ale? Pwede po ba magtanong?" Si Aya na ang nagtanong dahil gutom na talaga siya. Baka makain niya pa ang tissue sa dashboard ng sasakyan sa sobrang gutom.

"Ano po yun Ma'am?"

"May drive thru ba dito?" Agad na tanong ni Zion.

Ngumuso lang si Aya dahil sarili nitong tanong alam niyang mata lang din nito ang makakasagot.

"Naku, Sir eh walang ganyan rito. Mahirap lamang ang bayan na ito. Kung gusto niyo sa unahan may nagtitinda diyan ng mga kakanin at ulam pwede kayo roon!" sagot ng Ale.

"Not even a restaurant?" tanong ni Zion na mukhang gutom rin.

"Narinig mo nga diba. Wala raw." naiinis narin na sagot ni Aya. "Sige po Ale, salamat po. Magandang araw!" nakangiting bati niya saka naman pinaandar ni Zion ang sasakyan.

"Anong klaseng lakad ba to?" tanong ni Aya. Di naman umimik si Zion kaya tumahimik nalang siya dahil alam niyang wala ring saysay ang mga ipuputok ng botse niya.

"Tigil! Ayan oh may nagbibinta. Stop over there!" masayang sabi ni Aya.

Sumunod naman si Zion habang di maipaliwanag ang hitsura dahil wala naman siyang nakikitang restaurant. Isang maliit na tindahan lang na di niya maintindihan.

Naunang bumaba si Aya at lumapit sa nagtitinda. Inilibot naman niya ang paningin sa mga paninda ng makalapit. Mukha ngang gutom na ito.

"Ate, may kanin kayo saka ulam?" Tanong ni Aya sa babaeng nagtitinda.

" Opo, Maam! Pumili lang kayo diyan!"sagot nito sabay turo sa mga tupperwares na sarado. Nilapitan naman ito ni Aya saka binuksan.

"Hey? What are you doin'? Are you nuts? We can't ask free food here." Biglang sabat ni Zion

"And who says its free?" Sagot niya saka naman niya binalingan ang Ginang na nagtitinda."Tig-iisang serve nga po nito saka dalawang rice. Saka yung kakanin po."sabi niya saka hinila si Zion paupo sa bakanteng mesa na naroon.

Nagdadalawang isip pang umupo si Zion. Malamang mayaman sila kaya di niya pa naranasan ang ganito. Di rin naman siya makakapili pa dahil siya rin ang dahilan ng pagkawala nila.

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon