CHAPTER 26

4.8K 96 0
                                    

Nakatunganga si Aya habang pinanuod si Zion at Kairo na seryuso sa ginagawa nila. Kumakain sila sa restaurant malapit sa Precinct at pagpasok pa lamang nila ay matalim na ang titig ni Zion kay Kairo. Ganun rin si Kairo rito.

"Gaano ba kalalim ang magiging sugat kapag tinarak ko to sa tao?" Wika nito sabay taas sa hawak na chopsticks at kunyaring hinahampas sa hangin.

Nalilitong napatingin si Aya rito saka binaba ang chopsticks.

"Iba pa rin talaga kapag pinili eh noh. Mahangin na, What do you think Aya ang mangyayari kapag nanakit ang isang tao? Still alive or dead?" nakangusong wika ni Kairo saka mapang asar na ngumiti.

Nagkibit balikat lang si Aya dahil hindi niya maunawaan ang pinag-sasabi ng dalawa. Nagpatuloy nalang siya sa pagkain at pagkatapos ay tumayo na at iniwan ang dalawa na nagbabangayan na naman. Kung magpapalitan ng titig siguradong isa sa mga ito magiging Dead on the Spot.

Kailan pa naging immature ang mga yan? Di naman ganyan ang mga yan noon eh. Tsk. So inaappropriate. Hanggang sa matapos silang tatlo sa hospital ay dumiretso na sila sa precinct. Nandun na si David at France na naghihintay sa kanila.

Nakipagbeso muna ang mga ito bago lumapit sa isang mesa na naroon.

"Hey, bro ito yung tinutukoy ko sayo!" pakilala ni David sa kanya sa pinsan nito na pulis.

"Yeah. Nakita ko sa balita, I think may dala na kayo? That could be a very big help. Mabuti at tumawag si Congressman kagabi ng malaman niya at nais niyang makipag abswelto nalang. Ang sabi niya kaunting pagkakaunawaan lang ang nangyari kaya humihingi siya ng tawad, sisiguraduhin niyang hindi na mauulit iyon."

"That's it?" Di makapaniwalang tanong ni France. "Umabsent pa ako sa trabaho eh hindi rin naman pala malala."

"There's no thrill on this. Sayang ang oras ko. Aya sana naman ayos kana. At ayos na rin kayo!" wika nito sabay turo kay Kairo at Zion.

"By the way pare," basag ni David at seryusong humarap sa pinsan niyang pulis. "Kapag ba nagreklamo kami dahil may nagsasapakan pwede ba yun? Kasi magkaiba ang side ng dalawa. Di kasi namin maintindihan kaya kami na ang magrereklamo total alam na ng karamihan yung sapakan ng dalawang yan! Kaya nais sana namin malaman ng mas maaga para di na magkaproblema pa pag nagpapatayan ang dalawa.". Nguso nito kay Kairo at Zion na ngayon ay nakatingin na sa kanya ba may matalim na titig.

Tumayo naman si Zion at lumapit kay David.

"Nais mo akong ipakulong? Eh kung patayin kaya kita para may saysay naman yung pagkakulong ko?" nakataas noong wika ni Zion, mahina ngunit nagbabantang humakbang siya papalapit rito.

Tumitingin na sa kanila ang ibang naroon.

Tumawa naman si David saka na tumalikod at dali daling lumabas sa presento.

Nahihiya namang naglakad si Aya sa inasal ng dalawa.

"Aya sabay kana sa akin!" wika ni Kairo kaya napatingin rito si Zion na nagbabanta.

Malaki ang ngiti ni Aya na humarap kay Kairo na nagpapahiwatig na pumapayag ito. Ngunit nakakrus ang mga kamay ni Zion na tumingin sa kanila habang nakasandal sa kotse nito.

"I think you should go with him! Ayokong madagdagan yung sungay ko. 1 inch is enough." wika ni Kairo na nakatingin na kay Zion na nakangisi.

"Okay." Malungkot na sabi ni Aya saka tumingin kay Zion na malapad na ang ngiti. "Kita nalang tayo sa school!" paalam ni Aya saka kumaway.

Lumapit naman sa kanya si Kairo saka hahalik na sana sa noo ngunit napansin nito ang matalim na titig ni Zion na kahit anong oras ay susugod na. Ginulo nalang ni Kairo ang buhok niya at ngumiti.

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon