CHAPTER 6

7.5K 143 0
                                    

'Eh kung ayaw niya ipaalam eh sino mag aalaga sa kanya doon?Alangan si Manang Nineng eh abala rin yun. Pumupunta lang nga iyon sa bahay kapag tinatawagan namin na magluto kapag abala kami o si Manang Imelda.'

'Hayss.'

Wala sa sariling nilagay niya sa mesa ng Proffessor nila ang project niya saka bumalik sa klase niya.

Inabutan pa sila ng apat na oras bago natapos ang tatlong exam nila.

Nakatanggap naman siya ng mensahe mula kay Manang Nineng na hindi ito makakapagluto dahil nasa probinsya siya sinundo ang anak niya dahil aalis raw ito patungong China.

"Are you busy?" Tanong ni Kairo sa kanya ng makarating sila sa parking lot.

"Yeah kind of. May pasyente kasi ako sa bahay. Hinihintay ko lang matigok para ilibing ko na!"

"What?" gulat na tanong ng tatlo.

"Wala, biro lang. Mauna na ako sa inyo."

"Gala tayo ha!" Habol ni Grae. Tumango naman si Shen saka siya kumaway sa mga ito.

Pauwi na siya ng mahagip ng mata niya ang drive thru sa di kalayuan kaya pumarada siya sa tabi at umorder ng take out. Wala si Manang Imelda at  Manang Nineng kaya kailangan niyang bumili. Nagsisimula na ring dumilim at pagod siya para magluto pa pag uwi. Kahit naman galit siya dun may konsensya din siya no.

Nang maiparada niya ang sasakyan sa garahe ay dumiretso siya sa guest room saka nilapag sa bed side table ang dalang paper bag.

Nakapamewang pa siyang humarap sa natutulog na anak ng demonyo. Paano kasing nagkalat ang mga gamit sa loob at nagkabasag basag ang mga gamit na kaninang umaga ay nakaayos pa sa  bedside table. Pati alarm clock basag.

'Kung ganito lagi na may sakit siya at basag ang lahat ng gamit, baka yung nobya niyang malaki ang nguso iniwan na siya. Baka rin maubos nguso nun sa pag-aalaga nito.

"Hoiii. Zion!" sigaw niya na ikinagulat nito saka dumilat at matalim siyang tinitigan.

"Ano?" Inosenteng tanong niya saka ngumisi pa. Umiling lang ito saka pumikit ulit.

Lumapit naman si Aya rito saka tiningnan ang hitsura niya.

Hindi na ito gaanong mukhang lumpo at humihilom na ang ibang sugat at pasa sa mukha. Pero nandun pa rin ang pamamaga nito.

"Sino naglinis ng sugat mo?"

Tanong niya pero hindi ito sumagot.

Kinuha niya ang upuan malapit sa bed at umupo roon saka dumukwang at tiningnan ang mga sugat nito na nakabendahe pati sa kamay at paa.

"Ayos na ako." angil nito pero halata namang hindi dahil kumislot pa ito ng diinan niya ang paghawak sa nakabendaheng sugat.

"Ahh, ganyan naba ang ayos sayo? Maniniwala lang ako kapag magmukha ka nang tao. Ngayon kasi mukha kapang unggoy sa hitsura mo!"

"Are you making fun of me?"

"Is that what you think? Mister, kung ayos ka lang sana wala na yang mga bendahe mo. Hindi mo man lang nilinis. Tskk. Umupo ka!"

"Inuutusan mo ba ako?"

"Anong gusto mo buhatin pa kita?"

Pabalang na sagot niya saka naman ito dahan dahan na umupo sa kama. Nakasandal ang likod nito sa headboard. Kinuha niya ang first aid kit sa ilalim ng kama at kinuha ang panglinis ng sugat.

Puro naman ito reklamo habang tumatama ang bulak sa sugat nito.

"Wag ka ngang maarte, para kang bakla, pasalamat ka nga hindi alcohol nilagay ko."

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon