CHAPTER 32

4.7K 107 0
                                    

"Hey, honey. How are you?" malumanay na tanong ni Themarie kay Liam. Tumango lamang si Liam bilang tugon saka lumapit ang babae sa kanya at humalik sa pisngi niya.

Aaminin ni Liam na simula pa pagkabata gusto na niya ang isang Themarie Arevalo. Hanggang sa maghighschool siya ito pa rin ang tinitingala niya. Makalipas ang ilang taon akala niya hindi na niya makikita ang babae ngunit ng makapagtapos siya ng kolehiyo agad niya itong nakita sa isang magasin. Gusto niya itong lapitan ngunit hindi niya magawa dahil isa na iyon kasintahan ng Boss niya.

"Liam, kapag hindi mo binayaran ang utang mong dalawang milyon, alam mo na kung ano ang mangyayari sa pamilya mo." naalala niyang paalala sa kanya ng isa sa inutangan niya dahil minsang nang naloko siya at nalulong sa sugal kaya malaking halaga ang nawala sa kanya. At kailangan niya pang bayaran ang dalawang milyong inutang niya sa may-ari ng casino.

Nang malaman ng isang Themarie Arevalo ang lahat pinangako nito sa kanya na tutulungan siyang makabayad basta papayag siyang tutulungan niya ang babae sa gagawin nito. Ayaw ni Liam na kumuha ng pera sa Boss niya dahil malaki ang utang na loob niya rito kaya wala siyang ibang magawa kung hindi ay pumayag. Dahil nangako ang isnag Themarie sa kanya na bibigyan siya ng halagang kakailanganin na may kasamang interes kapag magtagumpay sila.

"Honey, I never thought you'd help me and yes, we made it. I am happy for our success. Cheers?" nakangiting wika ni Themarie.

Pilit na ngumiti si Liam at tinungga ang alak na nasa baso.

'After this, I'll make sure that woman will suffer  thrice of the damage  I've experienced." galit na wika nito.

Labag na sa kalooban ng isang Liam Boom ang plano nito pero wala na siyang atrasan dahil nasimulan na niya. Kapag aatras siya siguradong siya ang sasalo sa lahat ng kasalanang nagawa nilang dalawa. Sa mukha pa lang ng isnag Themarie alam niyang hindi ito agad agad matitinag.

'Patawad, Aya. Kapag natapos na to babawi ako sa kasalanan ko sa inyo ni Zion!'

"MR. INOJALES totoo po ba ang kumakalat na balita na nabankrupt ang kompanya at kinuha ng asawa mo ang mahigit  tatlong bilyong piso?" tanong ng reporter sa kanya ng makababa siya sa lobby ng kompanya. Maraming mga reporter ang nagkukumpulan doon kaya agad siyang pinalibutan ng nga bodyguards ng pamilya niya papasok.

"Nasaan na po ba ang inyong asawa?"

"Nagtatago na ba siya matapos makuha ang pera?"

"May alam po ba kayo sa kinaroroonam niya?"

Sunod sunod na tanong ang naririnig niya habang naglalakad patungo sa venue ng gaganaping press conference.

"This way Boss!" wika ni Jaime saka siya sumunod rito habang pinipigilan ng mga bodyguard ang mga reporter na dumugin siya.

"Everyone please sit down and remain silent. The Chief Executive Officer of Rajah Companies are here!"

Anunsyo ni Liam saka naman natahimik ang mga nasa paligid. Umakyat si Zion sa entablado saka umupo katabi sa inuupuan ni Liam.

Inanunsyo naman ni Liam na magsisimula na ang press conference at isa isang nagtaas kamay ang mga reporter saka isa isang sinagot ni Zion. Lahat ng katanungan nila ukol sa naging problema ng kompanya sinagot niya.

"Mr. Inojales, totoo ba na nagkaroon ng  kawalan malaking halaga ang iyobg kompanya?"

"Oo, sa ngayon iniimbestigahan pa naman ang nangyayari."

"Next!" wika ni Liam.

"Mr. Inojales, ayun sa kumalat na aligasyon tungkol sa pagkabankrupt ng kompanya ay may kumakalat na balitang ang asawa niyo raw po ang kumuha sa pera?"

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon