CHAPTER 22

4.8K 118 0
                                    

"Ayan na naman yang linta diyan, ang arte arte di naman lupa inaapakan madapa sana siya diyan sa damuhan. O madulas sana!"

"Bakit kasi yan napadpad rito. Sana naligaw nalang yan sa gubat! Baka puro pag iinarte na naman maririnig natin diyan."

"Oo nga, nung nalaman ko nga na hiwalay na sila akala ko totoo eh mukhang nagkamabutihan naman ulit!"

"Ano bang nakita ni Sir diyan bakit di niya malayo layo sa kanya. Linta nga talaga kung nasan si Sir andun din!"

Rinig na rinig ni Aya ang mga bulong bulongan ng iba. Sa mga pinagsasabi nila halata na di nila gusto ito dahil sa masasamang sinasabi nila. Natahimik naman ito ng mapagtantong naririnig niya ang usapan ng mga ito. Nakita malamang ng mga ito ang pag-aalala ni Them sa kanya kaya ganun sila magreact ng makitang nakarinig siya. Pero yung totoo nag-eenjoy siyang makinig.

"Ahh. Miss Aya pasensya na narinig niyo pa! " pagpaumanhin ng isa pero ngumiti lang siya. Mabuti na yung ganun ang naririnig niya.

"Jowa niyo po ba Miss Aya?"
Tanong ni Mich na nasa kabilang mesa na tinuro pa si Kairo. Naghahanda narin kasi ang iba para mag-agahan.

"No, di kami ganun. Ako nga pala si Kairo. Her best friend" Pagpapakilala ni Kai sa kanila. "Dun na nga sana ang tuloy namin kaso alam niyo ba na masyadong maputok to---- Aray! Ang sakit nun ah!" reklamo ni Kairo ng kutusan siya ni Aya. Masyado nang malikot ang bunganga nito. Natawa naman ang mga kasamahan nila. Gumagana talaga yung bunganga niyang daldal ng daldal lalo na't malungkot ito. Well, alam naman niya ang dahilan pero at least hindi nagbago ang tingin nito sa kanya. They're still the same after the dramas they've acted a while ago.

Nagiging madaldal lang ito kapag may pinagdaanan because they knew how silent Kai was when they're together with her friends. Ayaw magsalita pero di naman umaangal.

"Alam niyo bagay kayo." dagdag ni Sandra na kinikilig pa."Maganda si Aya at gwapo rin si Kairo. They meant for each other. Ma'am Aya kung ayaw niyo po kay Kairo pwedeng sakin nalang po siya "dagdag nito na kunyari kinikilig pag.

"Hindi kami bagay niyan. May sakit yan sa ulo ako wala. Ayokong magkalahi ng baliw yung mga anak ko! Pwedeng iyong-iyo na siya" sagot ni Aya sabay mapang asar na tumingin kay Kairo.

"Grabe to ah. Ansakit nun. Diba mas maganda kung ganitong mukha ang mapapangasawa mo kasi gwapo. Siguradong magaganda ang mga lahi! Pinapamigay na ako, e sayo nga ako mas bagay. Diba?" Wika nito na nakatingin sa mga kasamahan nila na gustong sumang-ayon sa kanya.

Sumang-ayon rin naman ang iba at nakangiting tumango tango si Kairo."Kita mo ang karamihan na mismo nagsabi na bagay tayo." dagdag nito. Siniko naman niya ito saka naman natawa ang binata.

"Miss Aya pag nanligaw siya sasagutin mo ba?"

Natahimik ang lahat na hinihintay ang sagot niya. Napangiti lang siya at tumingin kay Kairo. Kung noon lang ito umamin baka sinagot na niya.

Pero iba na yung nararamdaman niya ngayon hindi na hihigit pa sa pagkakaibigan yun.

Kairo was a good guy and she never dreamed of losing him. His the best guy for her followed by her father. How she felt greatful naging Kairo in her life. Maituturing na niya itong knight in shining armour.

"Tagal niyan mag Oo! Nakakainip diba?" sagot ni Kairo nang di pa si Aya nagsalita.

"Pero sasagutin mo talaga Miss Aya?"

"Oo, ang sagot niyan, kung pwede nga pakasalan ko na agad eh!" Birong dagdag ni Kairo. Puro tuksohan naman ang natatanggap ni Aya.

Natawa nalang siya saka nginusuan si Kairo. Kahit ano nalang talaga ang sinasabi nito.

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon