CHAPTER 20

5.6K 108 0
                                    

"Kurade!" tawag na naman ni France. Kanina pa to tanghali tawag ng tawag sa kanya. Parang tanga lang. Naiinis na tumingin siya rito. Kapag siya nasakal sa pangungulit nito baka mabato niya ng kahoy.

'He's so annoying!' Kahit ng makaligo siya kanina napakaingay. Yung dalawang magkaibigan bigla nalang siyang nilapitan at tinalian ng cellophane yung sugat niya na subrang higpit para daw di mabasa. Baka magka-infection at  sila pa sisihin ng isa.

Kung kaya niya lang patirin pinatid na niya ang dalawa kanina. Nakaligo na siya't lahat lahat ang iingay parin na kesyo wag daw siyang magalusan.

Pati pagkain niya ng tanghalian. Hatak hatak  siya ng dalawa at binabantayan talaga sa pagkain kaya naiinis siya.  Ito ba ang plano nila kaya dinala nila ako rito?

Pinagtitinginan tuloy siya ng mga empleyado sa trato ng tatlong iyon. Kinakausap naman siya ni Jaime para hindi siya mabored sa kakaupo dahil maski kaunting tayo lang sumusugod na ang dalawa. Masyadong overacting. Ayaw pa daw nila mamatay kapag nagalusan ako eh di naman sila ang nasugatan.

Nakasandal naman si Zion sa hamba ng steel tent nila at nakapamulsa habang nasa harap naman nito ang dalawa na nakaupo sa stool.

Tingin ng tingin kay Zion at kanina pa pilit nilang dinadala sa activity nila pero ayaw naman sumama.

Hapon na iyon at naabutan niya na namang  nakangiti ang dalawa. Ang iba naman naghahanda na para sa bonfire. Gusto sana niyang makisali kaso ayaw siyang payagan ng dalawa. Uminit na yung puwet niya kakaupo pero ayaw talaga siyang patayuin. Napakaengoy tingnan.

Kung tatayo raw siya dapat importante ang gagawin niya. Kaya tamang tingin nalang sa malayo ang ginagawa niya.

"David? Dun lang ako kay Ms. Cruz tatabi!" mahinang sambit nya sabay turo sa kinaroroonan ni Ms. Cruz.

"No, kung gusto kong mamatay ayos lang pero kasi Ms. Kurade ayoko pang mamatay. Gusto ko pang mabuhay at magkaanak ng marami kaya manatili ka lang jan. hmm?" Ngiting sagot nito.

Akmang tatayo na si Aya ng pigilan siya ni David sabay lingo lingo na nagmamakaawa pa ang mukha na wag siyang tumayo.

Mabigat ang katawan na  umupo siya pabalik at sinimangutan ang mga ito.

"Sana hindi niyo nalang ako dinala rito kung ayaw niyo naman akong pakilosin!" singhal niya."Maglalakad lang ako bakit ka  mamatay?" agad na tanong ni Aya sabay irap. Naiinis na siya sa inaasta ng dalawa.

"Eh kasi kita mo yang isang yan?" turo ni David kay Zion na nakasandal pa rin sa medyo may kalayuan habang nakapamulsa at nakatingin sa mga empleyadong naghahanda para sa hapunan at bonfire...." Sa ganda ng katawan niyan sa tingin mo isang sapak niya ano aabutin namin? Ikaw ang misyon namin ngayon kasi ano.. alam mo na.....yung  kami ang nagdala sayo rito. At nasapak kami kanina dahil sa nangyari diyan sa paa mo. Kaya sabi nya kahit magkagalos ka  habang andito ka eh hindi siya magdadalawang isip na isasabit niya kami sa tuktok ng mga puno na yan!" sagot nito na tinuro pa ang mga matatayog na puno ng mahogany na naroon, ikinagulat naman iyon ni Aya saka tumingin ka Zion.

'Did Zion say that? Kaya pala ganito nalang tong dalawang to kung magmakaaawa na wag akong gagalaw para hindi dudugo ang sugat ko.'

"Okay fine. Mag-iingat ako. Basta wag niyo lang akong masyadong dikitan. Hindi ako komportable na may nagbabantay sa akin." Nagliwanag naman ang mukha ni David. Parang nabunutan ng tinik lang ang drama ng mga ito.

Hindi naman maramdaman ni Aya na sumakit pa ang paa niya. Kung kanina namanhid ito pero ngayon hindi naman pero ganun parin ang drama ng dalawa. Kung tutuusin makakatakbo na siya pero ang dalawa  masyadong mahigpit. Hindi naman ganun ka lalim ang sugat niya para ikamatay niya.

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon