CHAPTER 23

4.4K 101 0
                                    

"AYA? You're burning. Kailangan natin makahanap ng malapit na hospital!" pag aalalang wika ni Kairo. Sumasakit na talaga ang ulo niya, di na niya dama ang paligid basta pakiramdam niya ay giniginaw siya na naiinitan. Di alam ni Aya kung ano ang nararamdaman niya. Hindi rin niya masyadong maintindihan ang sinasabi ni Kairo. Pinabuksan na niya ang bintana kanina pa pero giniginaw siya pero kapag sarado ito naiinitan naman siya.

Hindi na maipinta ang mukha ni Kairo sa pag-aalala. Binilisan pa niya ang pagpapatakbo ng sasakyan. Nilagyan na niya ng kumot si Aya pero inaalis din nito saka binabalik ulit.

Tumingin naman siya sa GPS niya at apat pa na kilometro ang layo saka may hospital na.

"Just hold on Aya okay! Malapit na tayo!" wika niya saka pinaharurot na ang sasakyan.

Nakarating sila sa hospital ng ilang minuto at agad naman silang dinaluhan ng mga nurses. Alalang-alala na siya kay Aya. Pinasok siya sa emergency room at wala siyang magawa kung hindi ay manatili muna sa labas.

Aya was fine and hour ago, pero bigla itong naging mainit.

Nagtiim bagang naman siya nang maalala si Zion. Di niya alam pero naiinis siya rito. Naiinis siya kung bakit ganun nalang nito saktan ang nararamdaman ng kaibigan niya. Bakit ganun nalang ito magsalita sa harap ni Aya.

Kinuha naman niya ang cellphone sa bulsa ng pants na suot niya saka tinawagan si Shen.

"Kai? What's wrong? Napatawag ka ata?"

"Andito kami sa hospital. Something happens to Aya."

"What? Asan ba kayo? My God. Kairo Andrei anong nangyari?" Halata sa boses nito ang pag-aalala.

"I'll just send you the address. Dito na tayo mag-usap!"

"Okay. I'll call Grae na rin sabay na kaming pupunta diyan!"

"Okay. Bye!"

Binaba na niya ang cellphone saka umupo sa upuang naroon habang di mapakali. Nang makaalis sila ni Aya roon maayos pa naman ang pakiramdam nito ngunit ng makasakay na ito ng sasakyan saka lang siya bigla nalang uminit. Sobrang nag-aalala siya para rito. Ilang sandali naman at lumabas na ang Doctor.

"Doc, how is she?" Lapit niya sa Doctor saka nag-aalalang sumilip sa nilabasan nito.

"Are you one of her relatives?"

"I'm his friend. She doesn't have a relatives."

"She's fine. Nagkaroon lang ng infection ang sugat niya mabuti at hindi kumalat iyon kung hindi mahihirapan tayo. Ilalabas na siya in any minute." sagot ng Doctor saka tumango at nagpaalam na sa kanya.

Dinala nila sa private ward si Aya habang tulog pa. Ang sabi ng doctor, kailangan niya lang magpahinga. Nabigyan na siya ng gamot at nilinis na rin ang sugat nito.

Alas tres na ng hapon ng magising ito.
"Aya? Are you okay now!" Pag-aalalang tanong ni Kairo.

"Ayos lang ako. Masakit lang ang ulo ko." paos na wika nito, kumuha nalang siya ng tubig at nilagyan ng straw saka pinainom ito.

"Drink it slowly!"

Bumukas naman ang pinto ng kwarto nila at lumuwa roon si Shen at Grae na sobrang nag-aaalala.

"My God. Aya, I'm glad you're okay." Bulalas ni Shen sabay yakap rito.

"Ayos naba pakiramdam mo?" Tanong ni Grae habang sinusuri ang katawan niya. Tumango lang siya bilang tugon."Aya,we're sorry we're not there for you. " dagdag nito.

"Ayos lang. Andito naman ako eh!"

"Why did this happen?" takang tanong ni Shen. Ikinuwento naman ni Kairo ang nangyari. Siyempre nagalit sila kay Zion.

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon