CHAPTER 24

4.9K 113 0
                                    

"I'm home! Thank you for taking good care of me" Boses ng isang babae mula sa kwarto niya.

"Sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka  naman rito sa bahay eh! Tawagan mo nalang ako kapag hindi mabuti ang pakiramdam mo!" wika ng isang lalaki sa kabilang linya.

"Alam mo namang mahihirapan ako lalo. Lalo na at lumabas sa media ang nangyari. Ayoko lang na madamay ka pa, sapat na yung nasali ka dahil sa away niyo. Yun lang at ayokong lumala pa. Tatawag ako kapag hindi na naman maganda ang pakiramdam ko." Sagot ng isang babae saka bumuntong hininga.

"Sige! Ibababa ko na,  kumain kana diyan!" pag-aalalang wika ng lalaki.

"Oo, ikaw rin!" matamlay na sagot niya saka binaba na ang cellphone at naupo sa kama niya.

'Dad, I wish you were right here! Namimiss na kita, ayokong nararanasan ang ganito mag-isa. It's been 3 years simula ng mawala ka pero pakiramdam ko di ko pa rin kayang mag-isa!' naibigkas niya sa isip saka tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

'Bakit kailangan ko pang maging emotional. Inaasahan ko na iyon eh. Pero bakit nung sabihin niya iyon sobra akong nasaktan. Parang nadurog yung puso ko sa sinabi niya.  Minsan kapag nagsasalita siya ng masasakit hindi naman ganun katindi ang epekto sa akin. Pero bakit ngayon sobrang sakit na.' naisip niya saka pinahid ang luha sa mga mata.

"Ganito ba dapat ang magmahal? Nasasaktan ka lagi?" naibigkas niya sa sarili. Kinuha niya ang cellphone niya at tiningnan iyon.

153 unreceived calls

82 unread messages

Wala naman siyang balak na tingnan iyon at basahin.

Ayaw sana pumayag ni Kairo na lumabas siya ng hospital pero nagpumilit siya na umuwi na lamang. Kaya naman niya ang sarili at nangako siya rito na hindi niya pababayaan ang sarili niya at iinom siya ng gamot sa tamang oras. Hinintay niya lang maubos ang itinurok na IV sa kanya saka siya nagpumilit na umuwi kahit gusto pa ng mga kaibigan  niya na magpahinga pa siya sa hospital.

Tumunog ulit ang cellphone niya kaya kinuha niya ito at tiningnan. Si Semira ang tumatawag. Agad naman niya itong sinagot.

"Sem?"  Matamlay na sagot niya.

("Ayashi! My God! How are you? Grae told me everything. I was so worried. I shouldn't have trusted that Rajah heir for you. Now you're at stake!")

"Sem, I am fine. Andito na ako sa bahay!"

("Thanks God! I'll book a ticket for you. You can have a vacation here for two months.")

"Sem, Alam mo namang may klase ako. It's my final term at ayokong huminto na naman. Ayokong sayangin ang panahon. Saka ayokong umalis dito dahil malaki ang utang na loob ko kay Chairman. Kailangan kong matapos ang anim na buwan na condition niya saka ako magiging malaya!" Sagot niya saka dahan dahang naglakad palapit sa veranda ng kwarto niya

("Why Ayashi? You can just told him about it because I know he already saw the news. You cannot live there with him with that kind of treatment. You can't be a battered wife? Do you fall for him already? Dati naman kapag pinapabakasyon kita pumapayag ka. Kahit may klase ka!")

Hindi agad siya nakasagot. Bakit ba mahirap para sa kanya na umalis sa bahay na iyon? Kahit ganun na at nasaktan na siya bumabalik parin siya roon kahit alam niyang andun ang lalaki.

("Ayashi? Am I right?")

"Eh kasi..... hindi...... naman sa ganun........ It's just that hindi ko lang ramdam ang magbakasyon. I want to focus on my study lalo na at next week na magsisimula ulit." Paliwanag niya saka lumabas na sa kanyang veranda at tinatanaw ang maliwanag na swimming pool sa baba.

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon