CHAPTER 29

4.8K 101 0
                                    

Nasa rooftop ng lawn si Aya at Zion ng tumunog ang doorbell ng bahay. Umorder lang kasi si Zion ng pagkain nila dahil wala namang malapit na restaurant roon. At wala ring stock ng foods ang lawn niya dahil hindi naman siya roon umuuwi masasayang lang ang pagkain pag nag stock siya. Pinapalinis na nga lang niya ito.

"Stay here!" Wika nito, tumango lang si Aya bilang sagot.

Ilang sandali naman itong nawala sa paningin niya saka bumalik na bitbit ang pagkain. Chicken, sea foods and vegetable salad. Yummm!!

Pagkatapos nilang kumain ay dumiretso na ito sa kwarto niya saka naligo. Habang abala si Aya sa pakikipag-usap sa kaibigan niya. Ikinuwento kasi niya sa mga ito na nasa lawn siya ni Zion. Total sabado naman kinabukasan ay ayos lang iyon na doon siya matutulog. At itong si Grae na naman umaarangkada, ang daming sinabi.

NILAPITAN NI ZION si Aya ngunit ng makita siya nito dahil sa liwanag na nagmumula sa loob ng bahay ay ibinaba nito agad ang cellphone saka ngumiti sa kanya. Nagtataka naman siyang tumingin rito.

"What's wrong?" tanong niya rito saka lumapit. Umiling lang ito saka umiwas ng tingin.

"Pahiram ako ng damit mo ah!" wika niya saka siya nilagpasan at nagtungo sa kwarto ni Zion.

"Sino bang kausap mo?" Habol niyang tawag pero di na lumingon si Aya at pumasok na sa kwarto at nilock iyon.

Umiiling nalang siyang bumaba saka kumuha ng wine sa mini bar niya at wine glass saka bumalik sa taas. Nakaupo siya sa upuang naroon habang sumisipsip ng alak ng lumabas si Aya suot ang damit niya na maluwang..

"Dinadala mo rin ba si Them rito?" tanong ni Aya na ikinagulat ni Zion. Tumingin siya rito saka sinagot ang babae.

"Hindi, ayaw niya sa tahimik na lugar ikaw pa lang ang dinala ko rito! Saka wala rin naman akong balak na dalhin siya rito. She's a party girl type. Walang linggo na hindi kami nagbabar." sagot niya saka ininom ang natirang alak sa baso niya.

Kumuha naman si Aya ng wine glass saka sinalinan ng alak.

"Bakit? Diba first love mo siya? Does it hurt when she leaves or broke up with you?" Alam ni Aya na hindi iyon ang tamang salita sa tanong niya pero tinanong pa rin niya.

Tumawa naman ang lalaki saka humarap sa kanya.
"Since you came, No! It doesn't hurt that much pero naging parte na kasi siya sa buhay ko so its natural to feel pain! I was out of my own self for a few days." sagot nito.

"When you try to propose to her, anong naramdaman mo ng umayaw siya?"

Naitanong niya. Narinig niya kasi iyon sa ibang tao nung isang araw na nagshopping siya. Nagulat naman ang lalaki na tumingin sa kanya.

"Who said that? Sa pagkakaalam ko hindi ko iyan sinabi sa iyo!" Nagtatakang tumingin siya rito. Umiwas naman ng tingin si Aya sa kanya saka nilagok ang alak sa baso.
"That's alcoholic you shouldn't drink this!" wika niya saka inilayo sa babae ang alak. That wine was 70% alcoholic. "I'll get you another wine!" Akmang tatayo ito ng pigilan siya ni Aya sa kamay.

"Wag na. Yun lang naman ang iinomin ko!" sagot nito kaya umupo na lamang ulit si Zion. Ilang saglit muna bago siya nagsalita ulit. "I heard it before. Kilala ka ng karamihan because you're successful sa larangan ng business kaya di na iyon ikakagulat ng iba!" sagot nya. Tumango naman si Zion saka humarap rito.

"Are you jealous?" mapang-asar niya na tingin rito.

"Ako? Hindi ah nagtatanong lang eh! Bakit naman ako magseselos roon eh mukha naman yung paniko" sagot niya saka tumayo at pumasok sa loob.

"You called her before nguso, then pato tapos ngayon paniki? Ganyan ka ba magselos?" panunudyo niya.

"Hindi ako nagseselos!"

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon