CHAPTER 40

6.8K 114 2
                                    

"PREGGY!!!!" Napalingon si Aya sa lakas ng sigaw ng pamilyar na boses ni Sem. It was her special day. Its graduation day! Yes!!!! Sa wakas her school days has come to an end.

Nung makabalik sila from Batangas sa ancestral homes nila roon ay bumalik sa normal ang lahat.

And she's able to come back to school dahil maliit pa naman ang tiyan niya.  At isa pag, isang linggo lang naman siyang huli sa ibang kaklase niya. And what she talks about with Claire on their business came true lalo pa at isa sa tumulong sa kanila ay si Kairo.

Hindi nga sana papayag si Zion na bumalik siya sa university to finish the term. But she insist. Tama naman ang suggestion ng friends niya. Sayang lalo pa at last four months nalang. Pwede pa siyang humabol basta magdala lang siya ng Medical Certificate about her condition for reconsideration. The usual Zion became the most caring, loving and supportive Zion.

Lalo na nung nagsimula na yung On the Job Training nila sa kompanya nito mismo. Hindi naman lahat nakakaalam and it was fine for them lalo pa at  hindi naman si Zion ang  magbibigay ng performance rating nila. Good thing to know she has a perfect image to everyone also after the happenings na nangyari sa kanila ng minsang magteam building sila.

Zion was such a caring person na every hour tumatawag to check her and the baby. Di pa naman iyon malaki pero grabe na ito kung mag-alala sa kanilang dalawa ni baby.

Of course nang malaman ng mga kaibigan niya grabe makasigaw ang mga ito. They even slept at their compound for 2 days. Para siyang mamatay that day dahil every one of them was taking good care of her.

Lalo na ngayon, they're around her kahit umaakyat siya sa  stage to get her certificate   to guide her, sinabi lang naman ng Doctor na maging maingat. Di sinabi na hindi malakas ang kapit ni baby. Minsan nga naiinis siya kasi pinagtinginan siya ng mga tao but they won't stop until they knew Aya was fine.

And siyempre after the ceremony lumapit agad silang lahat sa kanya. Especially si Semira, medyo nalate ito sa ceremony dahil sa abala ito sa family niya rin pero buti nalang di pa tapos nakarating agad ito  kasama ang dalawang anak  niya at asawa.

Natawa naman siya ng malakas itong sumigaw at niyakap siya ng mahigpit. Lumayo rin kaagad at hinimas himas ang tiyan niya. Hindi pa naman malaki iyon pero mahahalata na. That's 5 months na and she still looks normal during the graduation.  Hindi siya nagmumukhang bull frog na umakyat sa stage dala dala yung bola sa tiyan niya.

"CONGRATULATIONS!" sigaw nang mga kasama nila. Malawak siyang nakangiti habang nakikipagpicture sa mga naroon. Wala nga lang si Zion dahil  sabi nito abala ito sa trabaho.

"Hey, munting bituin diyan sa tummy ni Mommy. How are you?" bati ni Sem habang hinimas himas ang tiyan ni Aya. Natawa naman siya saka tinanggal ang cap saka kinuha ang inabot na boquet na bulaklak mula sa husband ni Sem.

"Congratulations!"

"Salamat!"

"Hey preggy!" rinig niyang sigaw rin  ni Grae saka lumapit sa kanya at niyakap siya. Lumapit rin si Kai at Shen sa kanya saka yumakap.

"Sa wakas!!!" sigaw ni Shen saka naman di maipintang sumisigaw pa.

"This is the best year ever!" Wika ni Grae saka naman sila nagyakapan na magkakaibigan.

"Hey, what about me? Professionals!" biglang wika ni Kairo at sumali sa kanila.

"Hey, tama na yan si Preggy di makahinga!" sita ni Sem. Natawa naman sila saka kanya-kanyang layo.

Natanaw naman nila ang paparating na si Liam, David at France bitbit ang pinakamalaking boquet ng flowers. Sila pang tatlo ang nagbuhat saka kumaway kaway sa kanila. Natawa naman sila saka lumapit sina Shen at Grae na tumulong pa na  bumuhat sa bulalak.

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon