CHAPTER 17

5.5K 132 0
                                    

Many days had passed and good thing she didn't had to see Zion's face again. Hindi ito umuwi ng tatlong araw sa mansion kaya naging panatag ang pakiramdam niya. Hindi na niya kailangang makipagbangayan at magmukhang tanga sa harap nito, nakakasawang makipag-away rito.

Naging abala na rin siya sa pag-aasikaso sa naipatayo niyang restaurant. Handa na ang lahat ng gamit at dalawang araw na lang ay sisimulan na raw ang construction. Inaatas naman niya   kay Manang Nineng at nang anak nitong si Claire ang gawain dahil ayaw niyang umaalis lagi sa bahay baka manghinala sila at malaman pa. Hindi rin niya ipinangalan sa kanya ang  restaurant baka malaman ito ng mga Rajah, they do have many connections kaya mas mabuting hindi siya gaanong kikilos para sa Restaurant. Malakas ang tiwala niya kay Claire lalo pa sa dedikasyong pinakita nito ng  manatili sila ni Kairo roon.

Sariling pera ang ginamit niya kaya ayaw niyang malaman ng mga ito at akuin ang gastusin pag nalaman ng mga ito. Lalo pa at sinabihan siya ng Chairman na kung may plano siya ay handa siyang susuportahan nito. Lalo pag at hawak nila ang shares ng Dad niya. Masyado nang mabait ang trato ng Chairman sa kanya na kabaliktaran ng ugali na ipinapakita ng apo nito.

"Ma'am may bisita po kayo!"  wika ng guard sa kabilang linya ng tawagan siya nito.

"Sino daw?"

"Ms. Arevalo raw po!"

"Arevalo? Manong wala akong kilala na Arevalo! Pakitanong nga po kung ano ang sadya niya."

"E, Ma'am siya po yung nanggulo rito nung huling linggo!"

"Ahhh" gulat na sambit niya saka nakakunot ang noo. "....Bakit? Ano na naman ang kailangan niya?" inis na tanong niya.Naiinis pag rin siya rito sa pagiging peke nito.

"Kakausapin ka lang daw po!"

"Send her in. Samahan mo Manong baka magkalat na naman!" sagot niya saka binaba ang  cellphone at lumabas ng kwarto.

'Ano na naman kayang hangin ang nasinghot nito at napadpad na naman dito!' Naisaisip niya saka bumaba at nagtungo sa salas. Umupo siya sa  sofa ng pumasok si Themarie Arevalo na kasama ang guard.

"Salamat Manong!" nakangiting wika ni Them sa guard. Saka naman senenyasan ni Aya ang guard na pwede nang umalis na sinunod naman ng huli.

She looks innocent the way she acts kaya lalong kumunot ang noo ni Aya.

"I'm sorry about what happened last week. I was not in the right sane that's why I did that! I'm so sorry!"

Nasa mukha nito ang guilt pero alam ni Aya na hindi iyon totoo. Someone like Themarie Arevalo is impossible to be sincere. Alam niya ang ugali nito, sa pinakita palang niya nung nakaraang linggo at nung una nilang pagkikita sa Grande R Mall alam niyang hindi ito ang totoong ugaling  pinapakita.

'Ano na naman kayang plano nito'

"I really mean it...." pagpapatuloy nito ng hindi siya kumibo. "I just want to apologize....... because I felt guilty. I can't sleep thinking about it. That's why I came here."

"Why all of a sudden? If you're here to talk to Zion. He's not here and I don't know where he is! And it's not me whom you should ask for forgiveness. It's either to Zion or to the Security Guard that you've caused injury." Tumayo siya pagkasabi nun, pero kaagad nahawakan  ni Them ang braso niya.

"Aya.." malambing na bigkas nito sa pangalan niya. "... ikaw talaga ang  sadya ko. I know we're not  in good terms. But I want to make it up to you. I'm really really sorry! Ang dami kong kasalanan sayo, una dun sa Mall na inaway kita at ng mga kaibigan mo tapos yung Saleslady dinamay ko pa. Then last week I did said harsh words to you. I'm really sorry."  nakangiting wika nito na halata namang peke.

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon