Nakuha na nila ang address kong saan nandoon ang mga kidnapers kaya patungo na sila doon. Lihim lang na sumunod ang mga police kaya hindi ito mahalata sa mga kidnapers. Habang patungo ang mag-asawang Bautista ay hindi na mapakali si Mrs. Bautista sa kanyang kinauupuan. Para siyang matatae o maiihi kung ano ano nang postura niya sa kanyang kinauupuan. Nahimasmasan lang siya nang maramdaman niya ang kamay sa kamay niya. Tinignan niya ito at dahan dahan tumingin sa mukha nang kanyang asawa.
"Ano man ang mangyari pangako makukuha natin si Olivia" mahinang sabi niya.
Tipid naman na ngumiti si Mrs. Bautista.
"Sana nga, dahil hindi ko na kaya pang mawalan nang isang anak" nag-init ang gilid sa kanyang mga mata.
"Sshhh, gagawin natin ang lahat upang makuha natin siya okey. Magiging maayos din ang lahat"
"Sana nga" at doon na tumulo ang pinipigilan niyang mga luha.
Hindi na niya kayang mawalan pa dahil ang dati niyang anak ay wala siyang nagawa para ipaglaban man ito o mahanap. Bakas talaga ang takot sa kanyang mukha.
Nang makarating sila sa lumang bahay na iyon. Inilibot niya agad ang paningin sa kabuuan habang nasa loob pa nang kotse. Natatakot siya dahil ang buong paligid ay napalibotan nang mga puno at wala ka talagang makikitang mga tao o bahay man lang. Madilim ang gawing bahay na tinutukoy nang mga kidnaper. Nag alinlangan man siyang bumaba pero nilakasan niya nalang ang loob niya para kay Olivia ang nag-iisang anak nila. Na kahit hindi man nila tunay na anak ay napamahal na ito sa kanila dahil naging mabuting anak ito.
"Kung natatakot kaman, ako nalang ang lalabas" habang naghawak kamay sila.
"Hindi, kakayanin ko para sa anak natin kakayanin ko" makikita mo talaga sa kaniyang mga mata at pananalita ang pursidedong siya na kaya wala nang nagawa ang kanyang asawa bastat andito lang siya sa likuran.
Pababa na si Mrs. Bautista dala ang pera na hiningi nang mga kidnaper. Dahan dahan siyang naglakad pero napahinto siya ilang dipang layo nang kotse nila ay may lumabas na isang kidnaper hindi makikilala dahil naka purong ito.
"Long time no see Mrs. Joana Bautista" pinagkadiinan niya pa ang pangalan.
"Sino ka? Anong kailangan mo sa amin?, kung pera lang naman ang habol niyo sa amin. Oh! Ito na, dala ko ang hinihingi niyo, kaya please ibigay niyo na ang anak ko" nagmamakaawang sigaw niya at nagbabadya nanaman ang panibago niyang luha.
"Easy" sabay tawa niya nang napakaloka. "Hindi pa nga tayo nagtatapos eh"
"Pera diba, ito nang pera please. Pakawalan niyo na ang anak ko!" sigaw niya dito.
"Just shut up!" sigaw nito pabalik dahil naiinis na ito sa pabalikbalik na sabi ni Mrs. Bautista.
Natigilan naman siya at napakuyom baka kung ano pang gawin sa kanya kapag ipinagpatuloy niya pa. Kinabahan siya nang ipataas ang kaliwang kamay sa kidnaper pero ganon nalang din ang gulat niya nang sumenyas ito at may lumabas sa bandang may pintuan dala nito si Olivia.
Agad nag-unahan ang mga luha sa mata niya at gusto na niyang tumakbo upang mayakap ito pero hindi niya magawa dahil naduwag din siya baka kung ano pang gawin nila kay Olivia. Sa ilang dipang layo nila ay nakita niya kung paanong nahihirap na ang kanyang anak. Wala siyang nagawa kung hindi ay umiyak nalang habang pinagmasdan ang anak niyang nahihirapan.
BINABASA MO ANG
Ugly Girl (Completed)
Подростковая литература"Nay tama na po nay" umiiyak ko ng sabi sa nanay ko. Dahil pinagalitan niya ako kasi daw hindi ako nakapag ayos sa bahay. Palagi nalang daw hindi ako naglilinis ng bahay eh sa naglilinis naman ako ah ano pabang gagawin ko para makita naman ni nanay...