"Tito dito tayo papasok" bulong ni Xander.
Tumango lang ito at doon na nga sila pumasok. Pagkapasok nila ay agad nilang namataan sina Olivia ilang dipang layo nila. At kapag na silay lumabas ay makikita nang mga kidnapers dahil nasa unahan sila nakapwesto.
Doon nila tinanaw ang mag-ina niya. Naaawa siya kanyang mag-ina king pwede lang sana na siya ang pumalit doon ginawa na niya.
"Ano bang kasalanan ko sa inyo bakit ganyan nalang ang galit niyo sa akin! Huh?" sigaw ni Mrs. Bautista sa mga kidnapers. Dahil hindi talaga niya nauunawaan kong ano ba talaga ang kasalanan niya. O may naaapi na ba siya na hindi niya alam? O naiinggit lang talaga. Dahil si Joana ay isang matalino, masipag, mapagkatiwalaan at higit sa lahat mabait. Madami ngang naiinggit sa kanya pero hindi naman umabot sa ganito na pati anak niya na walang kalaban laban ay kinuha pangalawa kinidnap pa nila ang ampon niyang anak.
"Tskkk, nakalimutan mo na ata ang kasalanan mo sa akin" may nagsalita sa likuran niya kaya agad nila itong tinignan.
"Maria?" bulong na patanong niya. Hindi siya makapaniwala nang makita niya ito. Matagal na kasi siyang hindi na nakikita pa kaya akala nga niya ay nag ibang bansa na ito.
"Cool, kilala mo naman pala ako eh" sarkastiko nitong sabi.
"Sino ba namang hindi makakilala sayo"
Tumaas ang isang kilay nito. At nagtataray kay Joana.
"Ikaw ba ang may pakana nitong lahat?" mahinahon pero may diin.
Ngumisi muna ito bago nagsalita. "Ano sa tingin mo?"
"Napakawalang hiya mo! Wala naman akong ginawang kasalanan sayo ah, para umabot tayo sa ganito. Pati anak ko dinamay mo pa!" gigil na sigaw nito.
"Wala kaba talagang kasalanan?" mahinahon niya pang sinabi nang biglang nag-iba ang tuno at ang kanyang ekspresyon. Naging galit na ito at talim kung tumingin. "Nang dahil sayo nawala sa akin ang lahat, nang dahil dumating ka wala nang naka appreciate sa mga ginagawa ko! Inagaw mo ang lahat nang dapat ay para sa akin!"
"I cant believe you!" Hindi niya makapaniwalang sabi. "Ginawa mo yan!, ito!" turo niya pa sa palibot. "Nang dahil lang diyan sa galit at inggit mo! Tapos dinamay mo pa talaga ang anak ko na wala namang kaalam alam sa inggit mo sa akin! Matino ka paba?!"
"Wala kang paki-alam kung ano man ang pwede kung gawin!" galit niyang sigaw.
"May karapatan ako dahil ako lang naman ang kaaway mo ah, pati pamilya ko dinamay mo!"
"Wala ka sabing paki alam eh!" sigaw niya at walang ano anoy tinutok niya ang baril kay Mrs. Joana.
"Mom" umiiyak na sabi ni Olivia at napayakap pa siya sa kanyang ina.
"Shh, wag kang matakot okey"
"Mom natatakot na ako"
"Just trust me, its going to be okey"
Tumango ito. Nanginginig ang kamay niyang nakayakap pa din sa kanyang mommy.
"Tignan mo nga naman ang pagkakataon oh" nakangiting sabi niya na tumingin palampas sa kanila ni Olivia.
BINABASA MO ANG
Ugly Girl (Completed)
Novela Juvenil"Nay tama na po nay" umiiyak ko ng sabi sa nanay ko. Dahil pinagalitan niya ako kasi daw hindi ako nakapag ayos sa bahay. Palagi nalang daw hindi ako naglilinis ng bahay eh sa naglilinis naman ako ah ano pabang gagawin ko para makita naman ni nanay...