Chapter 23

293 19 0
                                    

Nag presenta si Xander na siya nadaw ang gigising kay Olivia. Kaya pumunta na siya sa kwarto ni Olivia. Pagkapasok niya doon ay nakita niyang natutulog pa ito.

Umupo siya sa kama at doon pinagmasdan niya ang payapang natutulog na mukha ni Olivia. Nangingiti siya kapag nakita niya lang ang mukha ni Olivia na para bang buo na ang kanyang araw bastat masulyapan niya lang ito.

"Alam mo Olivia, para kang bubble gum kapag kasi tumingin na ako sayo hindi na mawala wala pa" matamis niyang ngiti habang nakatingin pa din siya sa mukha ni Olivia.

Gumalaw si Olivia. Mahigpit niyang niyakap ang kanyang unan at nakatingin na ito sa gawi ni Xander. Hindi naman mawalawala ang ngiti ni Xander habang pinagmasdan niya itong natutulog. Pero ilang sandali lang ay dahan dahang bumukas ang kanyang mga mata at agad nagtama ang kanilang paningin.

Napabalikwas si Olivia. Nagtaka kung bakit andoon sa loob ng kwarto si Xander. Gulat at napamaang siyang nakatingin.

"What are you doing here?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Ngingisi ngisi namang nagtaas ng kamay si Xander. Umiiling iling siya.

"Calm down, wala akong ginawa sayo huh"

"Bakit ka nga andito?" pinagkadiinan niya ang kanyang sinabi.

"Im here because tita and tito want's to wake you up" nandoon pa din ang kanyang ngisi sa mga labi.

"Tsskkk, lumabas ka na nga" pagtataray niya.

"Dalian mo na diyan, alam mo naman sina tita hindi yun kakain kapag hindi tayo complete" pagpapaalala niya.

"Duhhh, I know" irap niya kay Xander "labas na!" sigaw niya dito.

"Oo na" natatawang sabi niya. At lumabas na nga siya.

Pagkalabas na pagkalabas ni Xander ay napalabas ng buntong hininga si Olivia nangapa siya at tinignan ang buo niyang katawan.

"Kinakabahan ako don huh" sabi niya sa kanyang sarili at niyakap pa ang katawan niya. "Wohhhhh!"

Nang mahimasmasan na siya ay pumunta na siya sa banyo para maligo. Ilang minuto din siyang naligo dahil iniisip pa rin niya kung anong ginawa ni Xander sa kanyang kwarto. Kinakabahan talaga siya at seriously pinayagan siya ng mommy at daddy niyang siya ang gigising sa kanya.

Natapos na siyang maligo at agad na siyang nagbihis. Pagkatapos non ay inasikaso niya ang kanyang buhok at mukha. At bumaba na din siya.

"Here na pala" sabi ni Xander.

At bumalik na siya sa kanyang inuupuan.

"Good morning mom" sabay lapit nito at humalik sa noo nang kanyang mommy.

"Morning" matamis na ngiti ng kanyang mommy.

"Good morning dad" at humalik din siya sa kanyang daddy.

"Hmm, how's your night?"

"Okey lang dad, mahimbing na mahimbing po ang tulog ko"

"That's great" tatangong sabi niya.

"Umupo ka na" sabi ng mommy niya.

Kaya umupo na nga si Olivia pagka upo niya ay nilagyan siya ni Xander ng pagkain sa pinggan na siyang ikinalito niya. Anong nakain kaya ng taphaw na to.

Ugly Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon