After 2 months.....
Nakauwi na din sina Mr. and Mrs. Bautista kasama si Olivia. Pagkababa niya sa airplane ay agad niyang sininghot ang dumapong hangin sa kanya. At umikot ikot pa siya sabay sabing.
"I'm here manila!" napapikit pa siya.
Pinagmasdan lang siya ng mag-asawa habang may ngiti sa kanilang labi. Napakasaya nila dahil natupad na din ang pangarap nilang magkaroon ng anak. Kahit hindi man ito ng galing sa kanilang sinapupunan.
Lumapit na sa kanila si Olivia. At agad naman silang pumaroon na sa van dahil naghihintay na din ang kaibigan nila na si Athena. Sinabihan na kasi nila na uuwi na kaya excited naraw siyang makita ang darling ng bautista.
Dadaan muna sila sa mansiyon nila dahil magbibihis pa dahil naiinitan na sila sa kanilang mga suot. Ilang minuto lang ay nakarating na sila at agad na pumaroon sa kwarto si Olivia at ang mag-asawa.
Naligo muna si Olivia at pagkatapos non ay nagbihis na siya. Bodycon offhoulder ang kanyang napili na kulay black at kapares non ay black sandals. Naging kurba tuloy ang katawan niya dahil sa fit nito. At talaga namang napakaganda niyang tignan. Malaki na ang ipinagbago niya simula nong tumira siya sa mansiyon at dinagdagan pa nong pumunta sila sa america at nag woworkout siya kaya ganyan nalang pagkalaki ang ipinagbago niya. Hindi na siya mukhang pulubi.
Naglagay din siya ng light make up at inilugay niya lang ang curl niyang buhok. Pagkatapos non ay winisikan niya ang buong katawan ng pabango.
Bumaba na siya at namataan niya ang mag-asawa na naghihintay sa kanya. Nakita ni Olivia kung gaano kamangha ang kanyang magulang sa kanya. Hindi siya makapaniwala na may tao nang humahanga sa kanya. Pagkababa niya ay nakaawang ang baba nila na nakatingin sa kanya. Ngumiti naman siya dito kasabay non ay umikot siya.
"How do I look?" nangingiting sabi niya. Nagmamalaki.
"You-, wow!" palahaw na sabi Mr. Bautista. Dahil wala na siyang masabi pa.
Sinuyod ni Olivia ang kanyang sarili at inangat ang tingin sa kanyang mommy. Tinaasan niya ito ng isang kilay habang nakangiti ng pagmamalaki sa kanyang sarili.
"Darling your so so beautiful" pagmamalaki ng mommy niya.
Napangiti naman ng pagkatamis tamis si Olivia. At yinakap niya ang kumupkop sa kanya ng dahil sa kanila ay naging ganito siya at nabago ang kanyang itsura. At ang pagkatao niya.
"Thank you both of you, nang dahil sa inyo ay naging ganito ako" pabulong niyang sabi sa kanila.
Kumalas sila sa pagyakapan. Ngumiti ito sa kanya.
"Thank you too, nang dahil sayo ay natupad ang pangarap namin" sabay baling niya sa kanyang asawa. At bumaling ulit kay Olivia.
Matapos nang naging emosyonal nila ay pumaroon na sila sa van. Habang nasa byahe ay kunot noo niyang sinubaybayan ang daan na kanilang tinahak napaka pamilyar kasi sa kanya pero hindi na niya natandaan. Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng mansiyon doon na nagtaka si Olivia dahil natandaan niya kung ano itong lugar. Ito yung lugar na nakatulog siya sa labas nito at pagkagising niya ay nasa loob na siya. Pero imposible namang dito ang bahay ng kaibigan niya hindi ba. Baka sa tapat. Bumaling siya sa kanyang mga magulang. Nagtatanong na tingin ang iginawad niya sa kanila.
"Ahm, mom dad dito po ang bahay ng kaibigan niyo?"
Nagtaka man sila sa tanong ng anak ay sinagot din naman nila ito "oo, bakit?"
Napamaang siya sabay baling sa bahay na iyon at napalunok pa siya. Ilang sandali niya itong pinagmasdan at bumaling ulit sa mag-asawa.
"What's your problem Via? Are you okey?" tanong ng daddy niya.

BINABASA MO ANG
Ugly Girl (Completed)
Teen Fiction"Nay tama na po nay" umiiyak ko ng sabi sa nanay ko. Dahil pinagalitan niya ako kasi daw hindi ako nakapag ayos sa bahay. Palagi nalang daw hindi ako naglilinis ng bahay eh sa naglilinis naman ako ah ano pabang gagawin ko para makita naman ni nanay...