Chapter 20

302 20 0
                                    

Simula nang makausap niya si Riana ay palagi na siyang nagmamasid sa kanyang paligid na para bang may tinataguan siya. At hindi nanaman niya inaasahang ang nanay nanayan niya ang magpakita sa kanya.

Tatalikod na sana siya dahil nagpapanggap siyang hindi niya ito nakita pero huli na siya ng  hinarangan  siya.

"Akala mo matatakasan mo ako?" pinagkadiinan niya pa ang pagkasabi.

"Hindi ko naman po kayo nakita" alibi niya.

"At sa tingin mo ay maloloko mo ako?"

"Ano po bang Kailangan niyo sa akin? Diba nga pinapalayas niyo na ako sa tirahan niyo?"

"Nandito ako para humingi sana ng pera, total naman mayaman ang nakapulot sayo" deretsahang sabi nito.

"Wala akong pera at isa pa hindi ako hihingi ng malaking pera sa kanila. Kaya wala kang mapapala sa akin" tatalikod na sana siya pero hinagip nito ang palapulsuhan niya at kinaladkad sa kung saan dadalhin.

Dumating si Xander at agad ni rescue si Olivia.

"Bitiwan mo siya" sigaw niya.

Napahinto ito sa paglalakad at lumingon sa gawi ni Xander.

"At sino ka naman para mangialam dito? Away mag-ina ito" sigaw ng nanay niya.

"Bitiwan mo siya" banta na nitong sabi.

"Wag ka nang maki alam dito iho kung ayaw mong masaktan" at kinuha sa likuran nito ang kutsilyo.

Napasinghap si Olivia at agad na bumuhos ang emosyon niya dahil sa takot. Napalaki pa ang kanyang mga mata, ang puso niya ay parang lalabas dahil sa kaba niyon. Napatingin naman si Xander sa likuran dahil nandoon ang mga kaibigan niya. Walang malay ang nanay nanayan ni Olivia at agad itong naagaw ang kutsilyo.

Nang makawala siya sa bisig ng kanyang ina ay agad siyang napatakbo sa gawi ni Xander at hindi nito inaasahan na yayakap ito sa kanya. Napagitla pa siya at nang mahimasmasan ay agad na niya itong inalo.

"Ssshhh, don't be scared I'm here" bulong niya dito. Umiiyak pa din ito kaya hinayaan nalang niya.

Napakalas lang ito ng sumigaw ang nanay niya.

"Magbabayad ka sa ginawa mo Olivia Bautista!" pinagkadiinan niya ang surname niya. Na talaga namang nagpapakaba at napalaki ang mata niya dahil sa pagtataka. Alam niya kung sino ang umampon sa kanya? Diba hindi pa niya sinabi dito at wala pa siyang na ikwento tungkol sa kanya?. Paanong nalaman niya?.

"Wala kang puso, yumaman ka lang nagmamalaki ka na? Hindi ka man lang  tutulong sa amin na kami ang unang nagaruga sayo! Wala kang kwentang anak. At isusumpa ko pagsisihan mo ang ginawa mo ngayon, at hinding hindi mo na makikita ang tunay mong mga magulang" ipinasok na siya sa kotse dahil ipapadala siya sa presento. Gusto pa sana niyang makausap ito pero hindi niya nagawa dahil nanlambot ang mga paa niya dahil sa sinabi nito.

Alam pala nila lahat? Alam pala nila na buhay pa talaga ang pamilya niya pero tinago lang nila iyon? Pati ba din ang tatay niya ay alam din kung ano ang totoo? Umiling siya ng umiling at napasandal siya kay Xander dahil sa nanlambot na ang katawan niya. Hindi na niya nakayanan kaya iniyak niya iyon binuhos niya ang sakit nito. Habang si Xander ay inalo alo siya para tumahan na.

Ugly Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon