Tulala siya habang nakatingin sa langit ng makauwi ito sa bahay kubo nila. Nag-iisip kung bakit nangyari sa kanya ito lahat. Wala naman siyang kasalanan bakit ganito ang nangyayari sa kanya. Bakit kay hirap hirap niya. Bakit palagi nalang siyang iiwanan ng mahal niya. Ang lungkot nang buhay niya, una yung tatay tatayan niya, pangalawa sina Teddy at Jenith. Meron pabang kasunod para sakaling pwede pa niyang labanan ang sakit sa puso niya.
Pumatak ang luha niya. At kay tahimik ng paligid kaya ito nakadagdag sa lungkot at emosyon niya. Nanatili pa siya doon at nang maramdaman niyang nilalamig na siya ay pumasok na ito. Na nakadagdag lang sa lungkot niya dahil naalala niya sina Teddy na nagdadaldal, nagtatawanan at nagkukulitan.
Hindi niya mawari ang emosyon, hangang sa nakatulog nalang siya.
KINABUKASAN...
Nagising siya dahil sa panaginip. Ang akala niya ay paggumising siya ay nandito na sina Teddy at Jenith. Pero nagkamali siya dahil wala ni anino nito.
Dream.......
"Ate gising andito na kami" paggising ni Teddy sa kanya.
"Ate nakatakas kami, dahil alam naming hinahanap mo kami" sabi naman ni Jenith.
Dahan dahang gumising si Olivia. At laking gulat niya dahil nandito na talaga sila. Masaya silang nag yakapan, nagkwentuhan at nagtawanan.
End of dream.....
Nanlumo siyang nakatingin sa pintuan nagbabakasakaling lumabas lang ito saglit pero nagkakamali siya.
Napagdesisyonan nalang niya na mamulot nalang ng bote upang sa gayon eh mawala ang lungkot niya pansamantala. At para na din may maipasok ako sa alkansiya nila. Tutuparin niya ang pangarap nilang tatlo para maging masaya sila dahil natupad na niya ang matagal na nilang pangarap.
Matamlay itong namulot ng plastic. Ng hindi niya napansing may nabangga siya. Napatingin siya dito sa likuran dahil nakatalikod ito sa kanya. Bumaling ito sa kanya na may galit sa mukha. Matalim itong nakatingin kay Olivia. Pero baliwala lang kay Olivia ang galit na yun at napagtanto din niya na yun yung lalaking malapit siyang sagasaan.
"Sorry" walang ganang paumanhin niya dito.
"Your so stupid vagrant, You don't have an eye? Didn't you see that I'm here?" hambog nitong sabi sa kanya.
"Sorry" sabay walkout nito.
"Hey! Are you stupid? I'm talking to you!" sigaw nito.
"Sorry okey, hindi kita nakita diyan, at diba daanan yan hindi yan tambayan"
"You do not care where I hang out, sa susunod tumingin tingin ka naman sa paligid mo tanga!"
Sabay walkout nito. Inirapan ko nalang iyon diko nalang pinatulan baka masaktan lang ako. Di naman ako marunong makipag-away eh.
Namulot pa siya hangang sa naging alas 5 na ng hapon. 100 lang ang kita niya ngayon dahil sa matamlay siya at wala siyang gana. Malapit na siya sa kanyang bahay kubo at may sumibol na kaba sa kanyang dibdib. Hindi nalang niya iyon pinansin dahil palagi naman niya itong naramdaman. Nagtuloy tuloy lang siya sa paglakad.
Sa malayo palang ay kitang kita na niya ang bahay kubo nila pero ganon nalang ang paglaki ng kanyang mga mata ng wala nang bakas na bahay kubo doon. Anong nangyari saan iyon. Eh dito iyon banda eh. Bakit nawala?
Tinakbo niya iyon papunta doon at napahawak siya sa kanyang dibdib ng wala na doon lahat ng gamit nila. Kahit ni isa ay wala na talaga. Ang pinakamasakit pa doon ay ang matagal na nilang pinag ipunan ay wala na din doon. Sunod sunod na patak ang lumabas sa kanyang mga mata at napa upo pa siya dahil sa nanlambot ang kanyang mga tuhod. Doon siya humagolhol sa pag-iyak.

BINABASA MO ANG
Ugly Girl (Completed)
Fiksi Remaja"Nay tama na po nay" umiiyak ko ng sabi sa nanay ko. Dahil pinagalitan niya ako kasi daw hindi ako nakapag ayos sa bahay. Palagi nalang daw hindi ako naglilinis ng bahay eh sa naglilinis naman ako ah ano pabang gagawin ko para makita naman ni nanay...