Chapter 14

357 26 2
                                    

One week na simula ng mag-aral si Olivia. Wala nang umaaway sa kanya pero ang mga babaeng estudyante naman ay kay lagkit lagkit kung makatingin sa kanila ng kaibigan niya dahil palagi nalang nilang  kasabay ang mga boys. Wala naman silang magawa dahil yun naman ang bilin ng magulang niya kay Xander.

Natapos ang umagang klase nila at may assignment sila kaya pumaroon sila sa library tenext na niya si Xander na sa library nalang sila magkita kita. Pagkarating nila sa library ay agad silang naupo sa pinakamalapit na upuan naghanap sila ng lebro para doon sila makakuha ng source. Ng makahanap sila ay binabasa nila ito. Nakita naman nila kaagad ang sagot kaya nakapagsimula na din sila.

Ng biglang umingay ang library kaya alam na nila kung sino ang dumating. Sila lang naman ang makapagpaingay dito sa compus nila.

"Si Xander best" impit na sigaw ng mga estudyante.

"I know girl, pero hindi tayo ang pinuntahan niyan ayun sila oh" hindi man nila nakita ang babae ay alam nilang nagtataray na iyon boses palang halata na.

"Taray nila nohh, napaka swerte naman nila hays" malungkot na boses naman ng isang babae.

Hindi na omifort pang lumingon sila. Nang makalapit na ay inangat na nila ang tingin.

"Tapos na kayo?" bungad niya.

"Malapit na"

Umupo sila kaya umusog naman si Olivia. Mga hiyaw ng mga estudyante ay narinig nila.

"Ahhhhhh"

"Ang sweet naman"

"Sino ba yang babaeng yan?"

"New student daw eh"

"Class keep quiet" saway ng nagbabantay sa library.

Hindi na sila nagsalita.

"Hanep tol, buong campus kayo ang pinag-uusapan" natatawang sabi ni James.

Napaangat naman ng tingin si Olivia dahil sa narinig.

"Bakit naman?"

"Hindi mo ba alam? Lahat kaya ng babae dito ultimate crush nila si Xander"

Bumaling naman si Olivia kay Xander. "Eh bakit nga pinag-uusapan? Bakit damay ako eh wala naman akong ginawa?"

Nanlumo sila sa tanong ni Olivia. Nasapo naman ang noo ng mga kaibigan niya.

"Maniniwala na sana akong matalino ka Olivia" natatawang iling ni Mira.

"Matalino ka naman diba? Bakit pagdating sa mga ganitong usapan hindi mo ginagamit ang utak mo?" tanong ni Azyleah.

"Alam niyo, hindi naman yan kasali sa pag-aaral ko kaya hindi ko yan tinuunan ng pansin. At siyaka hindi naman yan ang basihan kung matalino ka ba o hindi" sabay yuko niya at iiling iling habang tinatapos ang assignment.

Napanganga naman ang mga kaibigan niya habang nakatingin sa kanya. Hangang sa natapos na si Olivia. Isisilid na sana niya ang notebook nang mapansing nakatunganga pa din sila. Pinagkunutan niya ito ng tingin.

"What?" pagtataray niya.

Napalabas naman sila ng buntong hininga at sabay nilang sinabi. "Wala" isinilid na rin nila ang kanilang gamit.

Walang kiboang lumabas sila sa library. Nagtaka lang si Olivia sa inasta nila.

"Anong nangyari sa inyo?" hindi na niya natiis ang magtanong.

Nagkatinginan naman sila at sabay tumingin kay Olivia.

"Wala namang nangyari sa amin?" takang tanong ni Mira.

Ugly Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon